Chapter 34

1.5K 37 5
                                    




Chapter 34



Prince's POV




Oh, God.




Ano nangyari sa kanila?





"Wala pa rin po bang balita?" Tanong ni mama sa mga pulis.





Kasama ko ngayon si mama at si Angeli. Mahigit tatlong na oras na kaming nandito sa presinto pero wala pa ring balita. Diyos ko, ano na nangyari sa kapatid ko?





"Pasensya na po pero kasalukuyan pa rin namin silang hinahanap. Wala pa pong nababanggit ang aming rescue team. Pasensya na po pero kailangan pa rin po nating maghintay." Sabi ng isang pulis. Nung marinig iyon ni mama at ni Angeli, napaiyak silang dalawa.





Para kaming pinagbagsakan ng langit at lupa. Bakit? Bakit kailangang mangyari sa kanila ito?





Ano bang pwede kong gawin?





Napatingin ako kina mama.





May bigla akong naisip.





"Ma, sumama kayo sa akin" Sabi ko.




"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Angeli. Inayos ko yung gamit ko.




"Kung wala pa rin silang balita, tayo ang susunod doon" Sabi ko. Napatahimik silang dalawa. Inisip nila yung sinabi ko.

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon