Chapter 29

2K 56 7
                                    


A/n: Hi! Sorry for being inactive for almost two months I guess? Hehe. I'm kinda busy with school and stuffs. So, yeah. Here's an update. Merry Christmas and Happy New Year to all! God bless. Don't forget to leave comments for your reactions. That's all. Happy reading!



----------




Chapter 29




Jeric's POV




"Princess!" Lahat ay nagulat sa pagsigaw namin.




S-Si Princess kasi. Nagwawala siya. Bigla na lang nagpanic ang lahat. Hawak-hawak namin siya ngayon ng barkada.





"Anong problema dito?" Tanong ng isang teacher na kasama namin sa bus.





"Mamamatay kayong lahat dito! Hahaha Mamamatay kayo hahahaha!" Sigaw ni Princess. Nakakakilabot ang tawa niya.





Tumitirik ang kanyang mga mata. Pawis na pawis na rin ito at namumutla ang balat.





"Ma'am si Princess n-nagwawala"  Sabi ni Gayle. Lahat kami sa bus ay nagkakagulo.





"Puntahan niyo yung driver at patigilin muna yung bus" Sabi ni Ma'am.





"Saglit lang po ma'am ako na po pupunta para patigilin yung driver" Tumango ito at saka pumalit sa pwesto ko.




Nagwawala pa rin si Princess. Kung anu-ano na yung sinasabi niya na halos hindi na namin maintindihan. Nagmumura na rin ito at nangangalmot.




"Princess tigil na. Prin--" Napatigil sa pagsasalita yung teacher namin dahil dinuraan siya ni Princess sa mukha.

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon