Chapter 25 - Field trip

3.1K 61 3
                                    

A/n: Happy 10K reads!  :))) Thank you sa lahat ng naglagay ng story ko sa kanilang reading list at sa mga nagbabasa nito. Sorry na din pala sa matagal na pagupdate. Busy din kasi sa school. That's All. God bless you guys.

New cover on the side. So ito na yung update ko. Haha. The moment of truth :)

---------------------------

Chapter 25

Gayle's POV

["Gayle, bumili ka na ba ng mga snacks?"] Tanong ni Nhice. Bukas na kasi yung field trip. Nasa grocery ako malapit sa amin.

"Eto bumibili pa lang." Inipit ko sandali yung phone ko sa pagitan ng aking ulo at kanang balikat. At kinuha yung dalawang chichirya. Ano kaya ang mas masarap dito?

["Talaga? Bilhan mo ko ng cheesy diyan ha? Yung maanghang. Nalimutan ko bumili e hehe. Bayaran na lang kita"] Sabi niya. Napangiti na lang ako. Inilagay ko na lang yung dalawang chichirya ko sa push-cart.  Hindi ako makapili.

"Okay. Okay. By the way, saan tayo magkikita?" I asked. Sabi kasi ng tropa, sabay-sabay na kami papuntang school. "Uhmm. Siguro doon na lang sa gate? " Sabi ni Nhice. Hinawakan ko na muli ang phone ko at saka itinulak muli ang push-cart.

["Hey. Okay na ba kayo ni Francis?"] Tanong niya. Napatigil ako. Yeah. That jerk. "No." I simply replied.

Rinig ko ang lakas ng buntong-hininga ni Nhice. "Mamaya na lang Nhice." Binaba ko agad tawag. Iniiwasan ko ang ganitong topic. Hindi ko pa kaya. Masakit pa rin.

Nagpalit rin ako ng number. Kaya wala kaming communication. Sabi naman sa akin nung kasambahay namin, madalas raw pumupunta si Fran- Ugh. Francis sa bahay. Pero lagi lang ako nagkukulong sa kwarto. Tsaka alam rin ni Prince ang nangyari kaya nagalit siya kay Francis.

Inaamin ko. Mahal ko pa rin naman siya. Ayoko lang siyang kausapin. Hindi madaling kalimutan yung ginawa niya.

Iniliko ko ang cart. Babayaran ko na ang mga binili ko. Sana pala basket na lang ang kinuha ko. Kakaunti lang naman ang nabili ko. Nakabili na rin ako nung mga ibang kakailanganin ko kahapon. Two days and one night rin ako mawawala. Pupunta daw kami sa isang lugar doon sa Ilocos.

"May card po ba kayo?" tanong nung babaeng nasa cashier. Umiling na lang ako dahil naiwan ko sa kotse. Pagkatapos ko bumili, dumiretso na ako sa aking kotse.

Wala ngayon yung driver namin. Since malapit lang naman ako sa bahay, ako na lang ang nagdrive. Marunong naman ako. Medyo pagabi na rin. Naisipan kong dumaan muna sa park. Gusto kong panuorin ang sunset.

Ipinarada ko ang kotse at agad lumabas. Naalala ko dati nung bata pa ko, mahilig akong pumunta dito para panuorin ang sunset. Umupo muna ako sa isang swing.

Wala ng mga batang naglalaro dito sa play ground. Tahimik ang paligid. Pinaandar ko ang swing at dinadama ang hangin na sumasalubong sa akin.

Nakakamiss rin palang maging bata? Walang problema. Walang inaalala. Basta masaya ka lang. Pero alam kong hindi ako gaya ni Peter Pan. Everyone needs to grow-up.

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon