Chapter 7

4.7K 114 7
                                    

A/n: Enjoy :)

----------------------

Chapter 7

Princess' POV

Tumatakbo ako. Hindi niya dapat ako maabutan. Kailangan ko masabi kay Gayle yung totoo

Napapagod nako pero kailangan ko sabihin yung mga nalaman ko.

Nagpahinga ako ng saglit. Hindi naman niya siguro ko naabutan.. HAAAAY nakakapagod.. Talo lang nararamdaman ko sa mga nalaman ko. Takot, lungkot at galit.

"Hindi ka makakatakas!" At tumawa siya ng malakas.

"Aaahh! lumayo ka sa akin" Nabitawan ko yung hawak ko.

" Dahil sayo! Nangielam ka pa? Hindi ka na makakatakas! HAHAHA" Tumakbo ulit ako pero.. Naabutan niya ko

"Wala ka nang takas hahahaha" nadapa ako dahil napatid ako sa ugat ng puno. Wala na.

"Waaaaaag, Wag maawa ka " Di ko na mapigilan ang pagagos ng luha ko..

"HAHAHA" May hawak siyang patalim. H-Hindi. W-Wag.

"AH!" Nakapikit ako ngayon hanggang ngayon wala padin yung patalim na itutusok sana nung bata sakin.

Pagkamulat ko.

H-hindi..

"SAAAAAAAAMM!"

-----------------------

"SAAAAAAAAAAAAAAM!" Huh? nasan? nasan ako? p-panaginip lang pala. hindi ko namalayan umiiyak na ko. Anong panaginip yun?

Bakit si Sam pa ?

Argggggh ang gulo

" Kambal?? Bat ka sumigaw?? Oh ba't ka naiyak??" Gayle. Niyakap ko siya agad.

"Si S-sam nanaginip ako. yung bata. ano. ayoko na." Bumitaw sya sa pagkayakap at nagtanong "B-bata? " nanlaki yung mata niya dun

"O-oo bakit?"

"Yun ba yung batang.. may hawak na patalim? " Teka? Paano niya nalaman? Hindi kaya,

" Wag mong sabihin yun yung napanaginipan mo??" Bwiset. anong nangyayari samin?

"Oo." Halatang naluluha siya.

Sa totoo lang, ayokong maniwala sa kanya e. Pero paano ko naman mapapaliwanag yung panaginip ko? Argghh.

------------------------------

Francis' POV

At school. 6:45 am

Kasama ko ngayon yung girlfriend KO. 'Wag kayong magulo sa akin lang si Gayle. hahahaha ge. nakaearphone kami ngayon. Ganda nung pinapakinggan namin na kanta .

~ ♪♫ Di ko maintindihan

Ang nilalaman ng puso

Tuwing magkahawak ang ating kamay

Pinapanalangin lagi tayong magkasama

Hinihiling bawat oras kapiling ka

Sa lahat ng aking ginagawa

Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta

Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal

Ikaw lamang ang tangi kong inaasam

Makapiling ka habang buhay

Ikaw lamang sinta

Wala na kong hihingin pa

Wala na <3 ♫♪~

Ang lalim ata ng iniisip neto? "May problema ba?" tanong ko sa kanya

"Huh? W-wala po " nakakagaan talaga sa loob yung ngiti niya

*Ring *ring Bell na pala..

------------------------------

At the classroom

"Class, bukas na pala ang quarterly exam niyo. so sana ayusin niyo ang grades niyo ngayon"

Yan agad ang bati samin ng adviser namin. Hay Tagal naman magrecess Di ko makita yung mahal ko nasa kabilang room. Third year kasi siya tas ako fourth year na.

Haayy. Bwiset bored na ko.

"Class, nalimutan ko sabihin.. I have an announcement" Ano nanaman kaya ?

" After our quarterly exam, magkakaroon tayo ng Field Trip" Field trip?

----------------------------------------

A/n : Hi :) I dedicate this chapter to him.

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon