Chapter 5

5.2K 128 7
                                    

Chapter 5



Princess' POV



"Gayle? Francis?! Bakit?!" Si Gayle.. Bigla na lamang akong kinabahan. Dali-dali kaming tumakbo. Aba! Kapag napahamak si Gayle ko mag-aalala talaga ko ng sobra. Nagulat kami nang makita namin si Gayle. Iyak lamang siya ng iyak habang nakasalampak sa sahig. M-May paso yung braso niya.



Nung makita niya kami, agad niya kami niyakap. Tinanong namin kung bakit pero hindi siya sumasagot. Hinugasan namin yung braso niya ng malamig na tubig. Hinayaan namin ito hanggang sa mawala ang hapdi nito.



Asan na ba si Francis? "Princess, anong nangyari kay Gayle?!" Dumating si Francis galing kung saan. Teka saan nga ba galing ang lalaking to?!




"Saan ka ba nanggaling ha?" Tanong ko. Nakakabanas tong si Francis e. "Bumili ako ng drinks natin. Pinabili ako ni Gayle." Nakita ko ngang may hawak itong bag na naglalaman ng mga softdrinks at ilan pang mga pagkain, Kaya pala wala siya dito. Tahimik lang si Gayle. Umiiyak. Hindi na siguro masakit yung paso niya.



After ng dinner lahat kami dumiretso ng sala nila Gayle. Ni hindi ginalaw ni Gayle yung pagkain niya. Ano kayang nangyari?




Gayle's POV




Maraming tanong na bumalot sa aking isipan. Hindi ko alam kung bakit ba ko nagkakaganito. Ano bang nangyayari sa akin?




Flashback


" Francis? Pwede bang bumili ka ng drinks? Please?"  Paglalambing ko kay Francis. Abala siya sa pagluluto ng kakainin namin.



"Sige ba, sabi mo eh" Tapos hinalikan ako ni Francis sa noo. Sweet talaga neto. Binigyan ko siya ng bag at ayun lumabas si Francis at bumili na ng drinks. Eto ko ngayon nililipat na sa lalagyan yung ulam na niluto naming dalawa.


Bigla akong nakarinig ng katok sa pinto. Tatlong beses iyon kumatok. Napansin ko naman na bukas naman yung pinto. Teka? Kanina alam ko sinara yan ni Francis 'yan ah? Bigla naman ako kinabahan.



"Francis? May naiwan ka ba?" Walang sumagot. Nagkibit balikat na lamang ako at ipinagpatuloy ko nalang yung ginagawa ko.



narinig kong muli ang katok ngunit sa pagkakataong iyon ay dahan-dahan na. Lumingon akong muli ngunit wala naman. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa.



"HAHAHA" Ano yun? Luminga-linga ako kung may tao wala naman.'Di ko nalang pinansin

"HAHAHA" Shit. Ano ba yun?

"HAHAHA"

"HAHAHA"



Paulit-ulit na lang itong tumatawa. Lumingon-lingon naman ako. "SINO BA YAN HA?" Walang sumagot. Wala naman? Ano kaya 'yun? "Huwag niyo ko pagtripan Daniel."



Ipinatong ko sa kalan yung kawali.




"HA.HA.HA" S-sino 'to? Ramdam ko ang paghinga nito sa leeg ko. Kinikilabutan na ko.Lumingon ako ng dahan-dahan.



"Whaaaaaa!" sigaw ko. S-siya. Bigla siyang nawala. Mabilis kong hinabol ang aking hininga.




"You're next! Hahahaha" Napalingon naman ako sa aking kaliwa. May hawak siyang patalim papalapit ito ng papalapit sa akin habang tumatakbo.




'AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Nagulat ako sa nakita ko. Sumigaw ako kasi nalaglag ko yung kawali tapos napaso pa yung braso ko. Tumulo narin yung luha ko sa hapdi at sa takot. Tinakpan ko yung mata ko at hinintay na may tumusok sa akin pero wala. Buti at dumating na si Kambal.




End of flashback




Hindi parin maalis sa isip ko yung mapula at nanlilisik niyang mga mata, magulong buhok, at duguang katawan. Lalo na ang nakakatakot niyang mga ngiti. Malapit ang mukha niya sakin kanina. Iyak na ko ng iyak. Lahat sila ang tanong kung anong nangyari. Sinabi ko sa kanila lahat. Kahit hindi nila sabihin ay ramdam ko. Parang hindi sila naniniwala. Kita naman yun sa kanilang mga mukha. Sino nga bang  maniniwala sa kuwento ko?




Yumakap si Francis sa akin.




"Tahan na, Gayle" Aniya.

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon