Chapter 9

4.2K 98 0
                                    

A/n : HIIIIII ♥ Enjoy Reading :). Happy Happy Teachers day pala sa lahat ng mga dakilang guro ♥ :">

--------------------------

Chapter 9

Francis' POV

"Kailangan nating tatlo mag-usap" Ang matipid na sabi ni Gayle. Hinila niya kami papunta sa school garden.. Bakas sa mukha niya ang takot.

Nanlalamig rin kasi yung mga kamay niya at buti nalang walang tao dito sa school garden.

"F-francis? Natatakot na ko " isa- isa niyang kinuwento lahat ng nangyari sa kanila kanina habang naka-upo kami dun sa damuhan

Si Ma'am Castro? Si Ma'am Santos? Anong kinalaman nila dito?

"Masyado ng nagiging weird yung mga nangyayari ngayon no? bakit kaya? " princess "Ang gulo na nga eh. Bakit ba sa atin 'to nangyari?" naiinis na pagkakatanong ni Gayle.

"Naguguluhan kayo no? "

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH" Sigaw naming tatlo nila Princess at Gayle. Teka? Teka?

Mahabang buhok

Maputi

Maliit

MA'AM CASTRO?!!!!!! "Oh? bat parang nakakita kayo ng multo?" Napatayo kaming tatlo at hinila si Gayle papuntang likod ko. Napalitan din ng seryoso ang nakangiti nyang mukha.

"Ma'am ! Ano po bang nangyayari ?!" Direktang tanong ni Princess kay ma'am Castro

"Hindi ako ang makakasagot sa mga tanong niyo." What the? "Ma'am ? Alam ko po na may alam kayo. Ang hirap po kasi na eh." Nagkaron kami ng saglit na katahimikan dahil sa pagsalita ni Gayle.

" Nhice" Nhice? ha?

"Daniel" ? Isa- isa ata ni Ma'am binabanggit mga pangalan ng barkada?

"Jeric" Ano ba talaga nangyayari?

"Princess" A-ano ba yung nangyayari samin ngayon?!

" Francis" Nakakakilabot yung pagsalita ng pangalan ko. Malamig na boses na parang takot na malungkot. mala horror ang dating eh

"Gayle" Bakit nung binanggit ni Ma'am yung pangalan ni Gayle? Biglang Lumakas ? Tas nanlaki pa yung mata ni Ma'am? "You're next" sh*t

"Aaaaaaaaaaaahhhh" Tumili ng malakas si Gayle. nakahawak ito sa kanya ulo malapit sa mga tenga niya at pasalampak na napaupo sa damuhan. Umiiyak .

"G-gayle tama na" Niyakap siya ni Princess. "Ma'am pasensya na po pero.. pero litong- lito na kami. Puro nalang you're next ang paulit ulit naming naririnig. Tapos parang may mali sa paligid namin? Ano po ba talaga nangyayari?!" Di ko na napigilang sabihin yan kay Ma'am. Siguro ayokong nakikita si Gayle na nahihirapan.

" Kayo na ang susunod na mabibiktima. Dapat hindi ko to sasabihin sa inyo dahil ikapapahamak ko. Pero hindi ko na kaya pa"

"Ma'am?? Mabibiktima?" Sigaw si Princess. "Mag-iingat kayo mga anak. Pasensya na pero huli na "

" Ma'am! Ano po ba? Pakipaliwanag po please." Pagmamakaawa ni Princess. Tahimik lang si Gayle na umiiyak. Parang sumakit ang ulo niya.

"Paalam"

* RING * RING Unti- unti nang umalis si Ma'am

Ngayong mga oras na to... Naluluha ako pero pinipigilan ko. Nadama ko kasi bigla yung.... yung pagmamahal sayo ng pangalawa niyong ina? Parang may mangyayari na masama pero ayoko namang isipin yun

"Paalam" Isang salita ngunit isa rin itong dahilan kung bakit ka makakadama ng lungkot at biglang pagkamiss mo sa isang tao. Baka bukas, mamaya o sa susunod pang mga araw ay hindi mo na siya makikita. Nababakla na ata ko sa mga nangyayari. Kawawa naman ang mga future namin anak ni Gayle

Bell na pala. Itinayo na namin si Gayle at saka pumuntang school ground para pumila

"Maraming nalalaman si Ma'am Castro tungkol sa nangyayari ngayon " Sabi sakin ni Princess

"P-protektahan n-niyo siya" Biglang nagsalita si Gayle.

" Ha? B-bakit?" Sabi ni Princess.

"Bilisan niyo na." Sabi niya. "May papatay sa kanya!"

One word :

SH*T

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon