Chapter 3

7.1K 161 20
                                    



Chapter 3




Gayle's POV




"Francis, ikaw ba yun?" Anong you're next? s-sino yun? "Ha? napapano ka Gayle? Eh hindi nga ko nagsasalita?" Shit.




"Walanya ka Francis ha 'wag mo kong pagtitripan" Sabi ko.



"Grabe ka! bakit kita pagtitripan? Galing ka na nga ng clinic e pagti-tripan pa kita?" Bigla na lang akong napaisip. Kung ganoon, ano yung narinig ko? Bigla na lamang akong tinaasan ng balahibo.



"Are you sure? I heard someone saying 'you're next' a-and then I saw this below my necklace " Kinuha ko yung letter. Nakita kong parang nagalit siya nang mabasa niya ang letter. "Baka mga nantitrip lang."



"Eh sino namang mantitrip sa akin? Ako lang naman ang tumatambay dyan sa puno e pati ang barkada." Sabi ko. Tsaka alam kong bawal dito sa school ang pambubully. Paano niya rin nalaman na akin 'yung necklace? "Baka yung mga bata na gala ng gala dito?"



Wait. B-bata? Bigla na lamang akong may naalala. "No. Do you still remember my dream?" Nanginginig na ko sa takot. Bigla niya akong dinaluhan. Hindi. Bumalik ulit sa akin lahat. H-Hindi 'yun totoo.




"Gayle kung sino man yun, hindi-hinding ka niya magagalaw. Dadaan muna siya sakin. Hindi kita pababayaan, I will always be here." Yung mga salita niya... At ang kanyang mga ngiting sobrang amo. Iyon lamang ang makita ko ay gagaan na ang aking pakiramdam.




Hindi ko naman itatanggi na mahal ko si Francis. Three years niya na akong nililigawan. Hindi ko man maiparamdam lagi sa kanya pero totoo itong nararamdaman ko sa kanya.




"Francis?" Pagtawag ko sa kanya.




"Bakit?" Tugon nito.

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon