Chapter 26

2.8K 67 4
                                    

Chapter 26

Gayle's POV

Mahigit apat na oras na kaming nandito sa bus. Yung iba ay nagtatawanan, nagpipicture, at yung iba tulog kaya napagtitripan ng kanilang katabi. "Inaantok ka Gayle?" Tanong ni Jeric. Umiling naman ako agad. "Hindi." At tumango naman siya. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Gawa nung nakita ko kanina bago pa man kami makaalis. Anong ibig sabihin niya? Huwag tumuloy saan?  Napabuntong hininga na lang ako. Guniguni ko lang. Siguro 'yun.

Tumingin ako sa bintana. Maganda ang view papunta sa Ilocos. Matagal-tagal ring byahe ito. "Nagkausap na ba kayo?" Tanong ulit ni Jeric habang abala sa paglalaro sa kanyang cellphone. Napatingin ako sa kanya. Sandali niyang tinigil ang paglalaro at tumingin sa akin.

Napaiwas ako nang tingin. "H-Hindi" Sabi ko. Itinago niya ang kanyang phone at may kinuha sa kanyang bag. Ibinigay niya ang panyo sa akin. H-Hindi ko pala namalayang umiiyak na pala ako. "Gusto mo bang magpalit kami ni Daniel?" Tanong niya. Lumingon ako kay Daniel at napansin kong natutulog ito.

"H-Huwag na. O-Okay lang ako." Sabi ko. Siguro alam niya na si Daniel lang ang nakakausap ko ng maayos. "Are you sure?" Sabi niya.

"Oo. Ayos lang talaga ko Jeric." Sabi ko. Nararamdaman ko na nagwawala na naman ang mga alaga ko sa tiyan. Kinuha ko ang isa sa mga snacks na binili ko kahapon.

Binuksan ko 'yun. "Gusto mo? " Pagaalok ko kay Jeric. Tapos kumuha siya ng isa. Alam ko namang hindi pa kami kumakain ng breakfast lahat e.

Kaya ayan na, sunod-sunod na ang pagkuha niya sa aking kinakain.

"You know, you should rest." Sabi niya habang nakatingin sa malayo. "Don't want to" Sabi ko. Alam kong nandyan rin kasi si Francis. Hindi ako makakatulog lalo na, alam kong habang siya masaya, nandito ako nasasaktan pa rin sa ginawa niya.

Handa akong magpatawad. Mahal ko siya e. Hindi ba ganun kapag nagmamahal? Na kahit gaano kasakit o gaano kasama ang nagawa niya, mapapatawad mo pa rin?

Oo. Nawala ang tiwala ko sa kanya. Pero kung nagsisisi naman siya, alam kong unti-unti ring babalik ang tiwalang iyon sa kanya. Kasi nga, mahal ko siya.

Pero, wala. "I'm sleepy" Sabi ko. Ngumiti siya kaagad. "Sleep then." Pagod lang siguro 'to. Oo tama. Pagod lang ako.

"Gayle?" Tawag sa akin ni Jeric habang nakatingin sa malayo.

"Bakit?  " Tanong ko.

"Nandito tayo para mag-enjoy. Hayaan mo munang maging masaya ka ngayong araw na 'to. Kalimutan mo muna 'yan. Nandito lang naman kami" Sabi niya. Napatingin ako sa kanya bigla. Tama. Tama nga siya.

"Okay" Sabi ko sabay kuha ng unan. Inaantok ako.

Nhice's POV

"You think she's okay?" Tanong ni Princess sa akin. Pinaguusapan namin si Gayle. Kami ang magkatabi ngayon sa bus. Medyo malayo kami kina Daniel kasi nauna kaming nagpareserve ng upuan. Inaantok ako dahil kulang ang tulog ko.

"That I don't know." Sabi ko. Hanggang ngayon hindi pa sila maayos ni Francis. Hindi ko nga alam kung sino ang papanigan ko. Pareho kasi silang may point.

Nagkibit-balikat na lamang si Princess at kinuha ang dala niyang maliit na unan at natulog. Ako naman ay kinuha ang phone ko at naglaro na lang.

Habang naglalaro ako, biglang may nagtext sa akin.

From:  09*********

Malapit na.

Nagtaka naman ako kaagad. Sino kaya ito? Wala naman akong katext kanina. Nantitrip? Saang lupalop naman nito kinuha ang number ko? Nagpalit na ako ng number kasi sa takot kong may magtext na naman sa akin. Siguro nga nantitrip lang 'to.

Hindi na ako nag-abalang magreply. Itinago ko na yung phone ko. Nagulat ako nung biglang nagring yung phone ko. This time, tumawag na.

Sinagot ko 'yun.

"Hello?" Walang sumasagot.

"Hello?" Ulit ko. Wala pa ring sumasagot.

Ibababa ko na sana pero biglang may bumungisngis sa kabilang linya. Halos tumaas lahat ng balahibo ko sa tawang iyon. Pinatay ko agad ang tawag .

"Sino yun Nhice?" Kinukusot-kusot pa ni Princess yung mata niya. Naalimpungatan ata.

"W-Wala." Sabi ko at pinilit ngumiti.

"Class malapit na tayo sa stop over. Kakain muna tayo" Sabi nung teacher namin. Hiwalay kasi kami sa adviser namin. Teacher ata ito ng first year?.

"Huwag ka na muna matulog Princess. Kakain daw muna tayo." Sabi ko sa kanya kaya umayos muna siya ng upo.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. May nagtext ulit.

From: 09*********

Malapit na.

What the?

Francis' POV

Katabi ko ngayon ang classmate kong si Isabel. Sabi nung teacher namin, malapit na daw kami kung saan muna kami magiistop-over.

"Francis. Hindi pa ba kayo okay?" Tanong niya sa akin. Naalala ko na naman kung paano niya ako iwasan ng tingin kanina. Medyo malapit lang ako sa kanya. Malapit kami dito sa dulo ng bus. Samantalang nasa kalagitnaan siya.

"Hindi pa." Sabi ko. Bahagya akong nalungkot. Hindi pa kami nagkakaayos. "Ikaw na ang nagsabi hindi ba? Hindi 'pa'. Ibig sabihin, may pag-asa pa ." Napakabait talaga nito ni Isabel.

Siya yung niligawan ko dati. Nagustuhan ko siya noon dahil sa kabaitan niya. Hindi ko rin naman maitatanggi na maganda rin siya. Pero si Gayle pa rin ang pinaka magandang babae na nakilala ko. Na hanggang ngayon, nag-iisa lang siya sa buhay ko.

"Sana nga Isa." Sabi ko. "Mahal na mahal mo talaga siya 'no?" Tanong niya. At agad naman akong tumango. "Higit pa sa buhay ko" Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit malungkot ang mga mata niya. Pero nakangiti naman siya. Siguro guni-guni ko lang iyon.

"Napaka-swerte niya" Sabi niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Ako ang swerte Isa. Nagpapasalamat akong nakilala ko siya." Sabi ko.

"Yeah." Sabi niya. Did I say something wrong?

"Okay. Nandito na tayo. Dalhin niyo kung ano yung dapat dalhin. Okay? " Bago pa man kausapin si Isabel, nagsalita na itong teacher.

"Tara Francis" Sabi niya sabay ngiti. May mali talaga sa mga mata niya. *Sigh*

---------------

A/n:  Sorry for the long wait. :) New character, Isabel.

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon