Chapter 32

2K 45 9
                                    


A/n: SUMMERRRR!!



------



Chapter 32



Jeric's POV




Ramdam ko ang mga tali na nakapulupot sa aking mga kamay. Hindi ko makita ang paligid dahil sa nakapiring sa aking mga mata.




Nakaupo ako at nakatali sa upuan ang dalawa kong paa. Pilit kong kinakalas ang mga tali pero masyadong mahigpit ang pagkakatali.




"Tang*na. Pakawalan niyo ko" Sigaw ko.




Ramdam ko na hindi lang ako ang mag-isa sa kwarto.




"Ano ba? Hindi ako natatakot sa'yo! Napakaduwag mo!" Walang halong takot kong sigaw.




Sa wakas ay mayroon akong narinig na yapak. Papalapit ng papalapit. Ang takong ng sapatos niya lamang ang naririnig ko. Inaamin ko, biglang ginapang ng kaba ang aking dibdib.





Naramdaman kong hinawakan nito ang pisngi ko papunta sa bibig ko. Umiwas ako. Narinig ko ang mahinhing pagbungisngis niya. Hindi ito mala anghel. Pakiramdam ko'y sa bawat pagbungisngis niya ay hinihila ako pababa ng impyerno.





"Napaka tapang mo naman." Natigilan ako. Kilala ko kung kanino itong boses.





"O bakit hindi ka na makapagsalita?" Naramdaman kong umupo siya sa aking mga hita at hinawakan muli ang mukha ko. "Ako ba yung duwag o, ikaw?" Tapos ay bumungis ngis uli ito.




Naramdaman kong may inalis siya sa mata ko at umalis na rin siya sa mga hita ko.




Nanlabo ang mga mata ko. Inintay ko hanggang sa luminaw muli ito. Nakita ako ang isang babae na nakatalikod sa may lamesa at may kung anong ginagawa.

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon