Chapter 28

2.4K 51 14
                                    



Chapter 28




Angeli's POV




Magkasama kami ngayon ni Prince sa school nila ate Gayle. Dumiretso kami sa library para maghanap ng clues. May naiwang mga estudyante pa dito dahil hindi sila kasama sa field trip. Medyo madami pa rin ang mga mag-aaral.




Sa laki pala ng library nila, saan kami magsisimulang maghanap ng clues?




"Mukhang mahihirapan tayo nito" Sabi ni Prince. Sumangayon naman ako sa kanya. Pumunta kami sa librarian upang magtanong.




"Good afternoon po, nasaan po yung ibang mga year books?" Tanong ko dito.




"I'm sorry pero kasi wala na yung ibang year book. Ang nandito na lang ay yung last year na mga graduates. Ipinatago na kasi yun ng principal sa lumang library." Sabi nito sa amin.




"Nasaan po ba yung lumang library?" Tanong ni Prince.





"Nako, hindi kayo pwedeng pumunta doon. Pinagbabawal ng principal na may pumunta pa doon na mga estudyante." Sabi nito sa amin.





So? Paano na? Nagpasalamat kaming dalawa ni Prince sa librarian at agad lumabas ng library.




"So, paano na?" Tanong ko kay Prince. Nakibitbalikat ito.




"Hanapin kaya natin?" Wala sa sarili niyang tanong.





Nagtaka naman ako.





"Ang alin?" Tanong ko sa kanya.


FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon