Shotgun Marriage [w/ Compilat...

By BellaEscritura

1.7M 16.8K 1.8K

Nabuntis ko kasi ang bestfriend ko at kung hindi ko sya papakasalan... papatayin ako ng Daddy nya! T___T ayaw... More

Shotgun Marriage
1: Past
2: Past (the moment)
3: Past (Dilemma)
4: Past (Positive)
5: Past (Conversation)
6: Past (Decisions) part 1
6: Past (Decisions) part 2
7: Wedding Day
8: Conception
9: Sugar & Spice
10: His Promise to the readers
11: Get Ready... FIGHT!
12: Jealous
13: Kiss and Make up
SPECIAL CHAPTER: Cris's POV
14: Brazil with LOVE?
15: To make the long vacation short
16: New Friend, New... Rival
TEASER.
17: Baby Chirp Chirp (Happy MOT MOT &15K reads!)
18: I think I'm starting to fall
19: Dinner Party
Special Chapter: Blair in Alfred's Dream
Special Chapter: Teenage Dream?
20: Hinahanap-hanap kita
21: Lovebug
TEASER 2
22: Insomnia
23: He doesn't know (Part 1)
23: He doesn't know (part 2)
24: Forgive... I don't forget
25: Beware: Sobrang Cheesy
26: Forever in my heart (part 1)
26: Alone
27: Tell me (Part 1)
27: Tell me... please (Part 2)
28: Surprises
29: Home
30: Weak.
31: Silent War (Kiss) Part 1
Usong Chapter! :D *winks* ALAM NAAA~~~
33: FIN (Part 1)
33: Fin (Part 2)
Epilogue
Special Chapter: Mr. and Ms. UNDERstanding (TroyxSyn)
Special Chapter: Mr.&Ms. Understanding 2
Special Chapter: Mr. & Ms. UNDERstanding 3
Special Chapter: Mr.&Ms. UNDERstanding 4
Shotgun Marriage [Compilation] No Soft Copies. Thank You

32: Silent War (It's over) Part 2

29.3K 306 64
By BellaEscritura

Natutulala silang tatlo sa nangyari.

Si Blair, sa may pinto habang tulalang tumutulo ang luha.

Si Alfred na mahigpit ang pagkakahawak sa braso ni Tricia. Halatang pinigilan ang babae na humalik sa kanya.

At si Tricia, na nakahawak sa kamay ni Alfred at nakatingin rin kay Blair.

"Wow." Yun lang ang nasabi ni Blair saka tumakbo na palabas.

TUMAKBO! Tumakbo sya sa hindi nya malamng dahilan ay parang ang gaan lang ng katawan nya. Parang hindi sya buntis sa karipas ng takbo nya. 

Mabilis syang nakatakbo palabas ng bahay nila at sakto namang bababa pa lamang ng sasasakyan si Troy eh sumakay na rin agad si Blair sa sasakyan nito.

"Sakay, TROY! BILIS!" sigaw ni Blair.

Kaya agad namang sumakay si Troy at pinatakbo ang sasakyan.

Naabutan pa nga sila ni ALfred eh. Si Alfred na kahit naka-sando at boxer shorts lang eh nagawang makaabot sa dulo ng street sa kakahabol sa sasakyan ni Troy.

Samantala...

Isang ngisi na naman ang nilabas ni Tricia sa labi nito saka sinundan si Alfred.

"Alfred..." lumapit ito sa lalaki.

"Alfred, sorry. I'm really really sorry." Nagpapaawang sabi ni Tricia.

"Damn it, TRICIA! DAMN YOU!" susuntukin na sana ni Alfred si Tricia buti na lang napigilan nya ang sarili nya.

Umakyat na si Alfred sa kwarto nito at nagpalit ng damit. Kinuha na rin niya ang cellphone, wallet at susi ng sasakyan.

Susundan ni Alfred si Blair.

Ang gusto lang naman mangyari ni Alfred ay makapag-explain sya. Dahil maling mali ang iniisip ni Blair.

Para saan pa ang mga nakaw na halik at yakap niya sa asawa tuwing gabi? Para saan pa ang mga sakit na nararamdaman rin nya ngayon? Para saan pa ang lahat ng ginagawa nya kung hindi rin naman maniniwala si Blair na sya lang naman talaga?

"Blair..." napapabulong bulong na lamang si Alfred sa kanyang sarili habang tinatanaw tanaw pa niya ang kalsada dahil baka tumigil sila Troy.

Hindi na naisipan ni Alfred na pumunta sa bahay ni Troy dahil alam naman nyang hindi pupunta dun si Blair na kasama si Troy. Masyadong madali ang trap kung ganun nga.

Ang problema ngayon, hindi nya alam kung saan hahanapin ang asawa.

Tinawagan nya ito sa cellphone ngunit ang sumagot ay si Tricia.

"Alfred, naiwan ni Blair ang phone nya." 

Nang marinig iyon ni Alfred ay naginit agad ang ulo nito. Sa ngayon, ayaw na muna niyang marinig ang boses ni Tricia o ni makita ang anino nito dahil baka hindi nya mapigilan ang sarili.

Ibinato ni ALfred ang cellphone sa backseat saka nagpatuloy sa paghahanap. Sa paghahanap sa asawang hindi naman nya alam kung saan hahanapin.

Samantala, nang makalabas sa subdivision sina Blair ay huminto lamang sila sa kanto at bumaba na rin sasasakyan. 

"Saan ka pupunta?Akala ko ba aalis ka? Nasa kanto pa lang tayo oh... baka maabutan ka ni Alfred."  tanong ni Troy.

"Samahan mo ako sa Mini Stop. Magsakay tayo ng Jeep. Iwanan mo jan ang sasakyan mo." nanghihinang sabi ni Blair.

Agad namang sumunod si Troy sa kanya.

Nang nasa Mini Stop na sila at nakaorder na ng makakain... umupo na sila dun.

"Ano bang nangyari? OK ka lang ba?"  tanong ni Troy.

"Hindi ako OK." 

"Ano ba kasing nangyari? Blair, tell me." 

"I saw them kissing!" saka umiyak na si Blair. 

Hinagod na lamang ni Troy ang likod ni Blair para mapatahan sya nito.

"Shh.. tahan na Blair. Wag ka na umiyak..." 

"I can't help it! Ang sakit kasi!" sabi ni Blair sa pagitan ng mga hikbi nya.

Troy: "Alam ko... nararamdaman ko." 

Kahit hindi naman talaga nararamdaman ni Troy. Sinabi na lamang nya dahil kailangan nyang damayan ang kaibigan.

"Troy, hindi na nya ako mahal..." sumandal na si Blair sa balikat ni Troy. "Hindi na ako mahal ni Alfred." 

Troy: "Shh.. wag mong sabihin yan... Mahal ka nun..." 

Alam ni Troy dahil sinabi sa kanya ni ALfred. Ilang beses na rin binantaan ni Alfred si Troy na wag lalapit kay Blair dahil baka kung ano daw ang magawa nito sa kanya. Ang hindi nila alam, binabantayan lang naman ni Troy si Blair kaya ito malapit sa kanya.

Blair: "Hindi na nya ako pinapansin simula nung tumira samin si Tricia. Alam mo yun?! Magkatabi nga kami pag natutulog pero hindi naman nya ako kinikibo. Yeah, last night... ninakawan nya ako ng halik... pero hindi naman yun ibig sabihin na mahal pa rin nya ako. SHT Lang! Naguguluhan na ako! One second he's cold and another second he's sweet. Tapos magiging sweet pa sya kung kelan hindi naman ako gising!" 

Troy: "may dahilan sya.. lagi mong tatandaan na sa lahat ng ginagawa ng tao, may dahilan sa likod ng mga yun." 

Blair: "Hindi eh! Ang babaw lang ng dahilan nya! Which means mababaw lang rin yung pagmamahal nya sakin. He doesn't love me the way I love him. Mahal na mahal ko sya! Mahal na mahal na akala ko patas na kami. Akala ko we equally love each other yun pala, hindi nya mahihigitan yung pagmamahal ko sa kanya. Hindi nya mahihigitan kasi hanggang ngayon... hindi pa rin sya maka-move on." 

Blair: "Halata ko naman eh! Kunwari pa syang aayaw ayaw na nasa bahay si Tricia, pero ito naman ang inaasikaso nya... and the heck! Ilang araw ko nang namimiss ang mga halik nya tapos makikita kong naghahalikan sila ni Tricia?! FCK THIS LOVE! SHT!" 

Wala ng pakialam si Blair kung maraming nakakarinig sa kanya sa Mini Stop.. wala na rin syang pakialam kung nageeskandalo sya.. basta ang gusto nya lang, mailabas nya ang sakit na nararamdaman nya.

Troy: "Kelangan nyong mag-usap, Blair. Alam kong hindi ka nya sasaktan ng ganyan. True, mahal mo nga sya ng mas higit pa sa kung gaano ka nya kamahal pero mahal ka rin nung tao. Kung alam mo lang... pareho lang din kayo nasasaktan. You have to hear his explanation, Blair. Ayan ka na naman eh.. padalos dalos ka... " 

Blair: "Ano pa bang explanations? I saw them! I SAW THEM!"

Troy: "Walang papatunguhan to, Blair. Hindi kita matutulungan. Kailangan nyong magusap ni ALfred." 

Blair: "Ayoko! Ayoko na umuwi sa bahay na yun! Sayo na ako titira!" 

Troy: "ANO?! Hindi pwede!" 

Blair: "Troy! Akala ko ba kaibigan kita?!" 

Troy: "Hindi pwede samin! Kay Syn na lang kita dadalhin!" 

Blair: "Wag! Di pwede kay Syn... magsusumbong yun kina Daddy... baka kung ano pang gawin nila kay ALfred." 

Troy: "ANG LABO MO, BLAIR!" 

Blair: "Basta! Iuwi mo na ako senyo!" 

Kaya ganun nga ang ginawa ni Troy. Dun na lang nya sa kanila dinala si Blair.

Pinagpahinga na lamang muna nya si Blair. Nakatulog si Blair sa kwarto ni Troy. SInce townhouse like lang naman yung bahay ni Troy na may isang kwarto lang na available dahil yung kabilang kwarto, puro tambak.

"Babe..." may tinawagan si Troy sa telepono. "Nandito si Blair sa bahay..." 

"Ha?! Bakit?!" 

"Major Fight. Nakita nyang naghahalikan si Alfred at Ate..." 

"I TOLD YOU! I TOLD YOU DAPAT HINDI MO KINUKONSINTE ANG ATE MO!" 

"Alam mo naman ang sitwasyon nya diba? May mental d---" 

"Baliw na yang Ate mo! BALIW NA! Akala ko ba poprotektahan mo si Blair para sakin?! Bakit ganyan ka?! Ha?! Bakit mas nasasaktan pa ang Bestfriend ko ngayon?!" 

"Wag mo nga akong bulyawan na para bang wala akong ginawa? Araw-araw kong pinipilit si Ate na umalis na sa bahay na yun.. pero ayaw nya! Anong magagawa ko?! At hindi baliw ang ate ko! She's just disturbed, OK?!" 

"Yeah whatever! bantayan mo ng maigi si Blair! Kundi sasakalin kita! Papunta na ako jan!" 

Nakakagulat ba?

OO, hindi katulad ng iniisip nyo ang role ni Troy sa story. Hindi sya other man ni Blair but instead naging boyfriend na sya ni Syn... long story tsaka hindi naman sila ang bida.

And another YES, magkapatid si Troy at Tricia. Actually, half siblings. Magkapatid lang sila sa Ina kaya naman hindi sila magkapelido. Hindi rin naman sila magkasama ever since at kelan lang naman sila nagkasama sa Germany.

Alam ni Alfred na may half-sibling si Tricia pero hindi nya ito kilala at ayaw rin namang pagusapan ni Tricia ang tungkol dun. Kaya naman, hindi talaga mahahalata na magkakilala sila.

At OO, mentally disturbed si Tricia dahil na trauma sya. Ang dami nya kasing pinagdaanan noong nasa Germany sya at isa na nga doon si Steve. At Bilang kapatid, hindi rin naman pinapabayaan ni Troy si Tricia. Simula kasi nung malaman nila ang kalagayan ni Tricia, naging maingat na sila sa mga kinikilos nila at palaging binabantayan ang Ate nya.

Tinawagan muna ni Troy ang Ate nya sa cellphone nito.

"Hey Bro! Kasama mo si Blair?" 

"ATE?! Ano na naman bang ginawa mo?!" 

"Wala... nakaramdam lang naman ako ng init kaya hina---" 

"ATE NAMAN EH! Siguro tama na nga si Syn, baliw ka na!" 

"Yeah whatever! Eto naman ang nasa plano ko diba? I told you before... kukunin ko lahat ng nawala sakin. Lahat ng para sa akin ay sa akin lang!" 

"Ate... don't do this. Hindi mo alam kung ano ang nasisira mo." 

"bakit? Inisip ba nila ang mga nasira nila sa pagkatao ko?! My life... is a total trash now! A TOTAL TRASH! Dahil lang naman yun sa kanilang dalawa! Kina ALfred at Blair!" 

"Stop it, Ate! Hindi nila kasalanan!" 

"Leave me alone Troy! Kung hindi mo ako tutulungan, then wag mo akong abalahin!" 

------

DING DONG

Gabi na rin at ngayon pa lang dumating si Syn. 

"Nasaan sya?" nagmadali ito sa paghalik sa boyfriend saka pumunta sa kwarto nito.

"Kanina pa sya tulog, nakaihi na nga sya sa kama eh.. Hindi ko naman nagising eh... nakakaawa naman." 

"Nakaihi na sa kama?" tiningnan naman nya ang kama. 

"SHT! Hindi to ihi! Pumutok na panubigan nya!" 

BLAG! BLAG! BLAG!

"BLAIR! BLAIR!" may kumakatok sa pintuan ni Troy kaya naman pinagbuksan nya ito.. at halata naman na kung sino yun.

"Alfred!" lumabas na rin naman si Syn sa kwarto.

"SYN! Nasaan si Blair?!" galit na galit na tanong ni Alfred.

"Pare, huminahon ka... nandito si Bla---" 

At duon na sinuntok ni ALfred si Troy!

"Ang kapal naman ng mukha mong iuwi ang asawa ko?! HIndi ka ba talaga nakakaintindi ng salitang PRIVATE PROPERTY?! Asawa ko yun! Bakit ba pinagpipilitan mo pa ang sarili mo?!" 

"What's happening here?!" Inaantok pang tanong ni Blair at nagulat na lamang sya nang makita si Syn sa may pinto, si Troy na nakaupo sa sahig at si ALfred na galit na galit. "What are you doing here?! Anong ginawa mo kay Troy?!" 

Lalapit sana si Blair kay Troy nang biglang suntukin ulit ito ni Alfred.

"Ano?! Lalaban ka pa?! Gusto mo ba talaga turuan pa kita ng leksyon?! Ako ang asawa ng babaeng gusto mo... kung alam mo lang!" 

"Hindi ko gusto si Blair!  Ano ka ba?!" 

"Ako pa bang lolokohin mo!?! Pareho tayong lalaki kaya alam ko kung gusto mo oh hindi si----"

BOOGSH!

Sinuntok rin naman ni Troy si Alfred.

"GAGO KA PALA EH! Hindi ko nga sabi gusto si Blair!" 

"Tama na! Wag na kayong magsuntukan! Wala rin naman kayong magagawa! Alfred, umalis ka na! Ayaw na kitang makita---AH! AH! ARAY! Mare! ARAY! AH!" biglang sumakit ang tiyan ni Blair at napahawak ito sa bestfriend nya.

Noon pa lang natauhan si Syn... first time nya kasing makaencounter ng ganun kaya nagulat talaga sya at hindi na nakareact. 

Saka lang sya nakareact ng biglang kumapit sa kanya si Blair.

"SHOOT! Mare! Mare manganganak ka na! Pumutok na ang panubigan mo!" mabilis namang inalalayan ni Syn ang kaibigan. 

Tumakbo na rin si ALfred sa tabi ni Blair.

"Honey! Honey... relax ka la-----" 

"LEAVE NOW! AH!" nagawa pang ipagtabuyan ni Blair ang asawa.

"honey naman! Hindi ba pwedeng ipagpaliban muna natin ang away na to?! Manganganak ka na!" 

"I DON'T CARE! Troy! Troy help me!" sigaw ni Blair.

"PUCHA NAMAN BLAIR OH!" sinipa pa ni Alfred yung sofa sa gilid saka binuhat ang asawa.

"PUT ME DOWN! PUT ME DOWN ALFRED!" 

"Ayoko! Dadalhin na kita sa ospital! Manganganak ka na nga nagmamatigas ka pa?!"

"Eh sa ayaw ko ngang makita yang pagmumukha mo eh! Umalis ka na sabi eh! Bumalik ka na sa babae mo! DUn sa Tricia mo! Inyo na yung bahay na yun!"

"Baliw ka ba?! Atin yung bahay na yun!" Isinakay na ni Alfred ang asawa sa kotse nito.

"ARAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!" sigaw ni Blair.

"ALFREDO BILISAN MOOOO!!!!!!!!!! ANG SAKIT NAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!! TAE MOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!! NAKAKAPAGSISI ANG GABING MAY NANGYARI SATIN! WALANGHIYAAAAAAAAAAAAA!!!!!!"

---------

hehe.. bitin? XD

Ayan ha! AYAN! SUsko... bahala na kayo. Naloloka ako sa chapter na to.. PRAMIS!

BOW.

Sorry sa typos! Join my FB group... click the external link.

TSAKA! ANNOUNCMENT! Last 2 or 3 chapters na lang po ang SHOTGUN! :) 

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
49.3K 1K 10
LANGUAGE USED: ENGLISH/FILIPINO "I thought getting pregnant after having a one night stand with a total stranger only exists in books and movies How...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
10.1K 337 22
[ C O M P L E T E D ] Married life isn't an easy life, especially if people surrounds you doesn't agree in you being with him. But as they say, love...