4: Past (Positive)

41.4K 414 26
                                    

POV: Blair

Mahigit isang buwan na akong hindi pinapansin ni Alfred. Parang isang araw pa at hindi ko na kakayanin.. baka mamatay na ako sa hirap ng sitwasyon namin. Ngayon lang ako natiiis ni Alfred ng ganitong katagal. At ngayon...

"Ano Mare? Ilang lines?" kumatok na naman si Syn sa pinto ng CR ko.

"Wait lang mare! Wag kang atat! Napepressure ako sayo! Wait lang!" 

Tama, nagtest na ako kung buntis ba ako o hindi. Kasi 2 weeks na akong delayed. Regular naman ang bisita sakin kaya nagbabakasakali talaga ako ngayon.

"Eh kasi mare! kanina pa kaya yan.. sabi dito.. 5 minutes... eh heller?! 8 minutes na kaya!" tsk.. napakareklamador naman ni Mare eh!

"Bakit ba kasi ang atat mo?" kinuha ko na yung tester tapos lumabas na ako ng CR. "Eh isa pa lang kasi yung line oh!"

Lumaki yung mata ni Mare. Ha?

"Oh bakit?" tanong ko sa kanya.

"Diba sabi mo, regular ka naman? Eh bakit delayed ka kung negative?"

"Ha?! Hindi negative to.. baka delayed din yung second line! Hintayin lang natin!" hindi pwedeng hindi ako buntis! Dapat buntis ako dahil delayed ako.

"Gaga ka pala eh! 3 minutes tayong naghintay! Wala na yan!"

Napaupo na lang ako sa kama ko. Hindi pwede! Dapat buntis ako! Dapat buntis ako! Naiiyak na naman ako. Hindi ako papakasalan ni ALfred.

"Oh Mare, iiyak ka na naman? Ilang beses ka na ba umiyak ngayong araw to think na ala-una pa lang ng hapon... wag ka na umiyak. Sige ka.. mas-stress ang hormones mo nyan... hindi mabubuo si Baby." 

"Ang labo mo, mare! Sabi mo hindi ako buntis tapos ngayon sinasabi mong mas-stress?!"

 

"Eh ikaw naman kasi... isang buwan ka ng tulala, malungkot, depressed at umiiyak. Paano kung kaya hindi lumabas yung isa pang line kasi naiinis yun sayo. Ang lungkot mo kasi parang ayaw mo namang magbuntis eh!"

 

"Eh kasi! Hindi ako pinapansin ni Alfred. Lagi akong pumupunta sa bahay nila pero palagi nya akong iniiwasan... pag hindi sya tulog, lagi namang wala at nasa office. Diba halata namang iniiwasan nya ako?" at tumulo na ang luha ko. Grabe lang sa emotions eh. Hindi kasi ako sanay sa ganitong treatment lalo na kay ALfred.

"O sya.. tahan ka na. O tissue. Ayusin mo ang sarili mo.. pa-check up tayo. Baka fake tong nabili nating PT. Oke? Nasa baba lang ako."

 

Nagayos na ako ng sarili ko at saka bumaba. Nagaabang pa nga si Mommy sa may living room eh.

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now