27: Tell me... please (Part 2)

26.5K 219 52
                                    

"May gusto sana akong sabihin sa'yo" Pigil ni Tricia kay Alfred.

Kung may pagkakataon man para sabihin nya ang mga nais nyang sabihin, ngayon na iyon.

"Ano yun?"

"Maupo ka muna" pagaaya ni Tricia.

Naupo naman si ALfred sa couch. Gumawa sya ng distansya sa pagitan nila. Hindi maintindihan ni ALfred ang sarili pero naisip na lamang nya na iyon ang pinakamaganda nyang ginawa.

"Si Steve..." panimula ni Tricia. "...hindi ko sya Boyfriend."

Halatang nagulat siAlfred sa unang confession ni Tricia.

"We're... married. Yung pangalawa kong alis, nung kinasal kayo ni Blair, dun na nya ako niyayang magpakasal. I was so out of my mind that I agreed. I was broken and he's the one who comforted me that time. I liked him. Akala ko nga sya na eh... pero nagkamali ako. Pinaglaruan ako ng tadahana. Nang malaman nyang buntis ako, bigla na lang syang nagbago."

"Sa simula, sinasampal nya lang ako at pinakikitunguhan ng masama pero habang tumatagal lumalala ang pananakit nya. Sinusuntok, tinatadyakan, pinagbabasagan ng bote sa ulo, pinapaso ng sigarilyo at minsan na nya akong nilatigo."

"Bakit ganyan sya? Hindi ka ba nya mahal? Hindi ba nya mahal ang magiging anak nyo?" tanong ni Alfred. Naisip na lang nya na mabait talaga syang tao dahil kahit papaano mahal nya ang mag-ina nya at hindi nya ito pinapabayaan.

"Alfred, baog si Steve."

"Ano? Paanong nangyaring may anak... sinong tatay nyan, Tricia?!"


"Naaalala mo ba nung gabi bago ka ikasal?"



SHT. Parang alam ko na. Pero hindi pwede. May proteksyon ako nun. ALAM KO! Naaalala ko lahat ng nangyari nung gabing yun, malinaw pa sa memorya ko dahil yun ang kaunaunahang pagtataksil ko kay Blair. 

"You're saying that..." naputol na lamang ang pagsasalita ni ALfred nang tumango si Tricia.

"OO, Alfred. Ikaw ang ama ng baby ko."


Nung oras din na iyon gusto nang himatayin ni ALfred sa nalaman nya. Hindi nya malaman sa sarili kung ano ang magiging reaksyon nya. Kung magagalit at maiinis ba sya sa sarili o matutuwa sa nalaman nya. Magkakaanak na ulit sya. 

Pansamantalang natulala si Alfred. SI Tricia naman ay binabasa ang mukha ni Alfred. Walang reaksyon.

"Alfred, magkakababy na rin tayo" Masayang sabi ni Tricia. 

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now