15: To make the long vacation short

35.9K 340 32
                                    

Sa gilid ang characters natin! ^_____^

POV: Blair



HIyang hiya akong lumapit kay Alfred. Teka?  Bakit ba ako nahihiya eh hindi naman nya alam ang sinabi ko sa malanding si Nancy. Naku naman! Dapat kasi pinapatay na si Nancy este yung cellphone. >.<

"Oh, si Nancy." Matabang kong binigay kay Alfred yung phone nya.

"Ganyan mukha mo? Anong nangyari?" Tanong nya habang inaabot yung phone.

"Wala naman..." napahiya lang ako dahil sa kakaselos at kadumihan na rin ng utak ko. Masisisi nyo ba ako? Eh asawa ko kaya yan.. malamang ipagdadamot ko!

Lumayo sya ng konti para hindi masyadong maingay. Tulad niyan, kelangan pang lumayo. Eh di lalo na akong naghihinala na hinid naman talaga yung file ang pinaguusapan nila kundi iba. T____T Praning na ako! Gusto kong kumain ng maasim!

Nasaan na ba kasi yung sampalok?

Pumunta na muna ako sa kwarto namin tapos hinalwat yung ref dun. 

"Kakainis talaga! Siguro may affair na sila nun! Mahuli-huli ko lang naman sila papakainin ko sila ng sampalok at ipapalunok ko yung tangkay at buto! Mababaliw siguro ako kung malaman kong may babae siya.  Baka mapatay ko yung kabit, silang dalawa actually." Ano ba yan?! pati sampalok at yung pelikula na 'No Other Woman' napagtitripan ko na. Nakaa-praning!

Maya-maya pa narinig ko ng pumasok si ALfred.

"Bakit nandito ka na? Tara sa labas." sabi nya.

"Ayoko. Wala ako sa mood."

 

"Bakit? Oh.. sayo na phone ko."

Psh.. porket nalabas na ni Nancy... yung file.

"Wag na. Di ako jan badtrip. Ikaw na lang sa labas. Dito na lang ako." tinalikuran ko sya at inupakan pa rin ang sampalok.

"Nag-seselos ka na naman." sabi nya tapos niyakap nya ako sa likod. WAAAHHH!!!

"Hindi kaya! Alis ka nga!"

"Ganyan ka.Baka naman gusto mong..."

"HEP! TUMAHIMIK KA! BLA BLA BLA... ikaw Alfredo! Naku!"

"Sinasabi ko lang naman, wag ka na mag-selos. Wala naman talaga yun eh. Tsaka, nagpatulong lang si Nanz na mag-extract ng file." He's not stopping in cuddling me.

"Eh kasi naman! Alam naman nyang nasa bakasyon ka tapos tatawag tawag pa siya sayo. Hindi ba nya maintiidhan ang salitang bakasyon? tsaka ang yaman naman nya.. international calls?! >.<"

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now