13: Kiss and Make up

38.9K 369 31
                                    

POV: Blair

Nagising ako nang wala na akong katabi. Inisip ko na baka nasa CR lang si Alfred kaya naman hinintay ko na lang syang lumabas pero mga 10 minutes na at wala pa sya. Nang katukin ko naman, wala ring tao. 

Saan naman kaya nagpunta yun? Gabi na ah.

Naisip kong baka nagpahangin lang. Wala kasing TV 'tong kwarto namin. Ewan ko lang kung bakit wala pero OK lang din yun. Di naman kami mahilig manuod ng TV.

Umakyat ako sa deck. Nagsuot ako ng sticky shoes this time dahil natatakot na akong madulas ulit. Wala pa man ding sasalo sakin ngayon.

Pagkaakyat ko sa deck, konti lang ang tao at mukhang mga lovers pa. Hindi ko nakita si Alfred.

Napansin ko naman na yung ibang tao nagsisipasukan dun sa isang part ng ship na parang kakaiba yung aura. Feels like a bar.

Hmm...

Biglang sumagi sa isip ko si Cris. Pilyo kasi yun at palaging inaaya si Alfred sa mga bar na yan nung College pa kami. Posible kayang nasa loob sila?

Hindi na ako nagdalawang isip pa at pumasok na ako sa loob ng bar.

Para syang bar sa lupa. Madilim, mausok at amoy alak. SYT. I don't like it here. Nasusuka ako sa amoy ng alak.

Sa daloy na tao ako'y sumunod. Paano ba naman, nasa pintuan ka pa lang, nagsasayawan na ang mga tao. Kaya naman nadadala ako sa mga galaw nila.

Inililinga ko rin ang mga mata ko, baka kasi mawaglit sa mata ko si Alfred o kaya si Cris man lang. Pero wala hanggang sa makawala ako sa sikip na daloy ng mga nagsasayaw.

Napagod ako dun ah! Sanggiin ka ba naman? 

Hanggang sa may naabot ang aking paningin.

O___O

Si Alfred ba yun? Bakit nandito sya? Hindi man lang sya nagpaalam sakin at talagang tumakas pa sya ah. 

Ang masakit pa nito, nakikipagsayaw sya ng sweet dance under a wild upbeat music. Walanghiya! Sa ganitong lugar pa! >.<

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, lumapit na ako sa kanila pero sa hindi ko inaasahang pangyayari, may hinawakan yung babaeng blonde na kasayaw ni Alfred. Hindi nya dapat yun hinawakan!!!! AKO LANG ANG HAHAWAK DUN! AKO LANG!  Tinanggal rin anman agad ni Alfred yung kamay ng babae. Pero parang nagustuhan rin nya... nag-react eh.. yung hinawakan.LITSI!

Dun na talaga ako hindi nakapagpigil. Lumapit na ako at sinampal sya. Yung pinakamalakas na sampal na kayang i-let go ng kamay ko.

Halatang nagulat si Alfred. Well, surprise! Nakakainis lang! May asawa na sya at magkakaanak na kami pero hindi nya pa rin mapigilan ang sarili nyang makipaglandian sa kung sino. >.<

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now