Shotgun Marriage

129K 1K 52
                                    

TOK TOK TOK!

"mmm~" 

"Alfred, anak, GISING NA!" 

"5 minutes!" sigaw ko sa kanina pang katok ng katok sa pinto ko... si Mommy yun.

"ANAK! ANONG FIVE MINUTES?! ARAW NG KASAL MO NGAYON! HINDI KA PA NAGHAHANDA!" biglang bumukas yung pinto ko at inalog alog ako ng Mommy ko. 

"Kasal?! KANINO AKO IKAKASAL?! Dun sa babaeng haliparota na iyon?! NAKU NAKU AH! AYOKO!" sigaw ko sa kanya tapos nagtaklob ulit ako ng kumot ko.

"Hindi ka na pwedeng umatras, ANAK! Todo na 'to! Um-oo ka na tsaka hindi pwedeng hindi mo panagutan ang dinadala ni Blair!"

YUN! Si Blair! Si Blair ang may kasalanan kung bakit...

"Do you, Blair Ricardo, take Alfred Ocampo as your lawful wedded husband, for better or for worse, for richer or for poorer, for sickness and in health, till death do you part?" tanong ni father.

"I do!" masayang sagot ni Blair.

OH GOD! Paanong nagiging masaya pa sya panahong ito kung kelan I feel defeated? Ayokong magpakasal sa kanya. Ayoko. Lahat ng nangyayari ngayon ay mali! Lahat! As in pati yung batang dinadala ngayon ni Blair.

"Do you, Alfred Ocamp, take Blair Ricardo as your lawful wedded wife, for better or for worse, for richer or for poorer, for sickness and in health, till death do you part?"

At ito pa.. etong tanong na 'to... hindi ko alam kung paano na ba? Ano ba? OO na ba? Ayoko kasi!

Marami akong maiiwanan. Marami akong mamimiss. Marami na akong hindi magagawa. dahil matatali na ako sa babaeng...

Nagulat ako sa tunog na narinig ko...

Napatingin ako sa likod kung saan nakaupo ang daddy ni Blair...

PATAY! patay ako kapag hindi ako um-oo... 

SHOTGUN MARRIAGE 'TO!

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now