1: Past

67.6K 646 42
                                    

Narinig ko na ang shotgun ng Daddy ni Blair. Susko! Ayaw ko pang mamatay! Pero ayaw ko rin namang um-oo. Lord! Kayo na po ang bahala sakin kapag may nangyari saking masama.

Tumingin ako kay Blair. Halos maiyak na sya sa paghihintay ng isasagot ko. 

Blair... bakit? Hindi naman tayo ganito dati diba? Akala ko ba, ayaw mong nakikita ang bestfriend mo na malungkot? Blair, malungkot ako ngayon. Ayaw mo akong makitang ganito diba?

Pero sino nga ba ang mas malungkot saming dalawa? Ako ba o siya? Alam kong kasalanan ko kung bakit humatnong kami sa kasalan na ‘to pero hindi ko sinasadya... hindi namin sinasadya.

“Alfred...” bulong ni Blair na may halong lungkot ang boses. “Please...”

Nagsimula ng magbulungan ang mga tao. Hindi kasi nila alam ang totoong kwento sa likod ng kasalan na ito. Ang alam kasi nila... mahal namin ni Blair ang isa’t isa... pero ang totoo... sya lang ang nagmamahal sakin at ako... mahal ko lang sya bilang bestfriend.

Lord, ito na po. Sana po, tama po ang gagawin kong desisyon. Ayaw ko mang gawin pero... responsibilidad kop o ang magiging anak namin ni Blair.

“I do.”

Nagpalakpakan  ang mga tao. Tumingin akong muli sa kinakaupuan ng magulang ni Blair. Ibinaba na ng daddy nya ang shotgun nito at ngumiti sakin. Ganun din ang mga magulang ko.

“Thank You, Alfred. Thank you...” nagpahid ng luha si Blair saka ngumiti sakin.

Hindi ko alam kung ngingiti rin aba ako. Ayokong ngumiti dahil hindi naman ako Masaya. Sila lang ang Masaya.

--------------------------------------

POV: Blair *4 months ago*

Sobrang busy ng buong mundo ngayon. 18th birthday kasi ng bunso naming kapatid na si Emily. (wow ha! Buong mundo ang busy! :P)

“Happy birthday, Emily!” bati ng mga dumadating na bisita ni Emily.

Maya-maya pa magsisimula ang program dahil hindi pa kumpleto ang mga participants.

Speaking of participants... nasaan nab a yung kapartner ko sa cottelion?

“Ate, si Kuya Alfred?” tanong ni Emily sakin.

“Ewan ko. Baka nasa kanila pa... puntahan ko na kaya? Baka nagmamabagal na naman yung dalagang yun.”

“O sige ate. Bilisan nyo ah... malapit na kasi magsimula.” Sabi ni Emily.

Umalis na ako sa bahay at nagpunta sa bahay nina Alfred na ilang bahay lang naman ang pagitan samin.

Si Alfred? Si Alfred ang aking childhood sweetheart, bestfriend, classmate at partner. Partner ko sya sa lahat ng bagay pero hindi kami. Napapagkamalan lang kaming mag-boyfriend girlfriend kasi palagi kaming magkasama pero wala talaga. No feelings at all... kidding.

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now