9: Sugar & Spice

39.9K 438 26
                                    

SHORT UPDATE! Good Friday kasi. tsaka wala ako sa mood. Di ako naka-update kahapon kasi busy ako. :D 


GUSTO KONG MAG---THANK YOU--- dahil naka 900+ reads na ako in 12 days! THANK YOU SA LAHAT NG SUMILIP, NAGBASA, NAGBABASA at MAGBABASA PA! Ang saya ko lang... nice gift everyone!


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->

Ang bagong Alfred! Ahaha... ang gwapo eh noh? Mahal ko na yan! XD Click VOTE kung sa tingin nyo eh GWAPO SI NEW ALFRED! Ahehe~


Kaya pala ako boring mag-update.. ang mellow kasi ng pinapanood ko.. "LOVE RAIN". haha... OSYASYA! ETO NA! AYIIEE~


VOTE.COMMENT. BE A FAN.



POV: Blair

Ahee... natutuwa naman ako sa asawa ko.. este bestfriend ko pala (di ko pa sya matawag na asawa kasi di pa nya ako tinatawag na asawa)... kasi naman... nagdala sya ng orange na walang buto at sobrang asim! Tapos may pajama din kami na orange! at higit sa lahat... may inuwi syang HIPON! >.< Ang sarap lang ng kain ko kagabi! Kaya naman naisipan ko syang dalhan ng lunch ngayon. Hihi~

Sakto namang pareho kami ng lunch time ni Alfred. Kaya isusurprise ko sya. Nagluto ako kanina bago umalis ng bahay eh. Sushi na all time favorite nya tsaka Green Tea na yung timpla ko lang ang mga gusto nyang kainin.

Habang naglalakad ako paakyat papunta sa office nila, hindi ko mapigilang hindi mapa-ngiti.

Ahihi~ <-- bungisngis ni Alice. ???

Naiisip ko kasi... ang laya  laya kong gawin ang ginagawa ng isang girlfriend, partner, asawa kay Alfred. Ang saya saya ko lang. Sobra! :D

Napahawak ako bigla sa tiyan kong hindi pa ganung ka-umbok. 3 months pa lang naman kasi. Ano kaya ang magiging baby namin ni Alfred? Babae o lalaki? Maganda o Gwapo? Ahee~ syempre given na sa baby na yun ang magandang lahi. Ako ba naman ang mommy at si Alfred ang Daddy. Hanap pa?

Nakaakyat na ako sa floor nila. Halos lahat ng nandun binati ako. Kilala nila ako kasi dito ako nag-OJT tsaka Uncle ni ALfred ang CEO dito na super close samin. :D

Malayo pa lang, nakita ko na si Alfred na nag-aayos ng gamit nya sa mesa. Mukhang paalis pa lang sya. Sakto! Yayayain ko na lang syang kumain ng lunch dito.

"AL---"

"ALFRED! tara na? Gutom na ako!" at sino naman yung babaeng makapal pa sa clown ang make-up?! Kung maka-dikit sa asawa ko ganun na lang?! >.< 

"Tara... gutom na nga rin ako eh." at talagang nginitian at sinang-ayunan pa ng asawa ko. Teka... 

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now