5: Past (Conversation)

40.5K 418 35
                                    

POV: Blair

Umuwi na ako sa amin pagktapos kong ibigay kay Alfred ang resulta. Hindi ko na rin inintay na may sabihin pa sya dahil mukhang wala naman syang balak magsalita. Nagtaka pa nga yata si Tricia sa iaarte namin ni Alfred. Bakit hindi pa ba nya alam na alam ko na ang tungkol sa kanila at hindi pa ba nya ang tungkol samin ni Alfred? 

"Anak, kumusta? Anong sabi ni Alfred?" salubong ni Mommy sakin.

"Wala po. Hindi ko po nasabi sa kanya eh..." nakatungo lang ako. Nadedepress ako sa nangyayari eh.

"Ano?! Bakit hindi mo sinabi?! Hindi pwedeng mag-isa ka lang sa pagpapalaki sa batang yan! Inday! Kunin mo ang shotgun ko!" 

SUSKO! Ang tatay ko! Shotgun agad!

"Dad! Wag! Hindi ko sinabi agad na magkakaanak kami kasi busy pa sya... pero binigay ko naman yung letter kaya baka nabasa na nya yun." 

Kung pumayag na lang kasi agad si Alfred nung una pa, hindi sana ganito. Na nanganganib ang buhay nya dahil sa shotgun ng Daddy ko.

"Siguraduhin mo lang. Magpahinga ka na. Bukas na bukas rin maghahanda na kayo para sa kasal." 

Nabigla ako. Bukas?! AGAD AGAD?! Ni hindi ko pa nga alam ang reaction ni ALfred tapos paghahandaan na agad ang kasal?! OH LORD! Ang hirap!

POV: Alfred

Ang dami nang nangyari ngayong araw na 'to. Pagkapasok ko pa lang sa office, tambak na ulit ang trabaho ko. Paanong hindi eh hindi naman ako pumasok ng dalawang linggo. 

Heartbroken ako tapos isali pa ang problema ko kay Blair.

Pero ngayong araw na 'to... nawala ang pagiging heartbroken ko pero mas lumala ang problema ko kay Blair.

Dumating si Tricia. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa sa pagbabalik nya. Alam naman nating lahat na dahil sa kanya kung bakit may nangyari samin ni Blair. Gusto kong isisi sa kanya ngayon ang nangyayari pero hindi ko magawa dahil mahal ko sya. At alam kong mahal nya rin ako. Alam ko yun... nararamdaman ko.

"Babe, you're acting weird. Anong problema? Namimiss mo pa rin ba ako?" tanong sakin ni Tricia.

We're having our first dinner after a month sa Baywalk. At sa halip na tingnan ko sya eh mas lumalim pa ang iniisip ko. Ikaw ba naman ang malamn mong nabuntis mo ang bestfriend mo... sinong hindi matutulala dun?

I smiled at her. namiss ko nga ba sya? OO. Namiss ko sya talaga pero... iba eh. I missed her pero iba ang nasa isip ko.

"Babe, alam na ba ni Blair?" tanong nya ulit.

"Ang alin?" 

"Yung tungkol satin."

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora