Special Chapter: Mr.&Ms. UNDERstanding 4

18.5K 119 19
                                    

For 3 months, masasabi kong mas nakikilala ko pa ng mahusay si Troy.

Yung mga baho nya sa katawan, mga kinakaayawan nya at gusto nya, kung saan sya masaya, malungkot at takot... mga ganung bagay ba.

At sa loob rin ng 3 months na yun ay palagi ko syang kinukulit na paalisin na nya ang Ate nya.

Medyo nahalata na nga rin pala ni Tricia na hindi na kumukilos si Troy. Kaya nagsimula na itong kumilos mag-isa.

"Sinasabi ko sa'yo Troy! Magbebreak na talaga tayo kapag yang Ate mo hindi mo napaalis!" nagagalit na ako sa kanya. Hindi ko na kasi maatim ang ginawang panghihimasok ni Tricia sa BAHAY nina Blair.

"Sinabihan ko na sya. Tinawagan ko na rin sina Mommy. Wag ka namang manakot ng ganyan." nilalandi ako ni Troy. =_______=

"Eh hindi kasi eh! Alam mo ba ang sitwasyon ng mag-asawa ngayon ha? Hindi pinapansin ni Alfred si Blair dahil sa Ate mo! Alam ko namang kasalanan rin ni Blair pero mas malaki ang kasalanan ng Ate mo."

"Hindi ko mapipigilan ang baliw, OK? Hayaan mo na lang sya. Malakas naman ang kutob ko na hindi naman natitiis ng mag-asawa ang sitwasyon na ganun. Kaya wag mo na akong i-break, please?" nagmamakaawa nyang sabi.

"Naiinis kasi ako! Alam mo namang..." 

"Alam ko... alam kong gusto mo lang maging masaya ang bestfriend mo. Ako rin. Pero kung manghihimasok tayo palagi sa buhay nila, hindi magiging maganda. Mind your own business nga diba?" kinandong na naman nya ako.

Ang favorite nyang gawin sakin. Ang kandungin ako at halikan ng halikan sa leeg. 

"TROY! ANO BA?!" itinulak ko sya. "SABI KO SAYO BAWAL YAN!" 

Tumayo na ako at pinahiran yung leeg ko. Nakakainis kasi... pilit ng pilit ng BS! >.< Lagi syang ganun. Kapag medyo hot sya, gagawin nya yun sakin.

Ayoko pa nga eh. Ayokong isuko sa kanya ang lahat lahat sakin dahil natatakot ako.

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now