18: I think I'm starting to fall

34.5K 402 36
                                    

dedicated po kay INAY! :P dahil.. sya ang kasama ko sa KFC habang naga-update! :D ajujuju.. :">


"Tara kaya muna kumain, you think?" isang malaking ngiti ang naka-flash sa mukha ni Alfred. 

Ang mga ngiting yun ang nagbalik sakin sa normal... iniisip ko kasi kung si Tricia nga ba yung nakita ko. Para kasing... sya. Teka, bakit ba ako nagiisip pa? Di ba pinaubaya naman nya sakin si Alfred? May tiwala ako sa kanya at kay Alfred.

"OK ka lang ba? Natutulala ka kanina pa. May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Alfred.

I smiled at him faintly. Pero bakit iba ang pakiramdam ko? Sana hindi namin makasalubong si Tricia. HIndi ako handa.

"OK lang ako. Gutom na nga yata ako. Tara, kain na tayo. Saan?" binitawan ko na yung baby dress na hawak ko at humawak sa braso ni ALfred.

"I know a place." tinanggal nya yung pagkakahawak ko sa braso nya. Ha? Bakit? Ayaw nya bang nakahawak ako sa braso nya.

Nagulat na lang ako ng hawakan nya ang kamay ko, fingers intertwined, and kissed the back of my palm.

Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan umakyat sa mukha ko. Gush! Di pa man din ako nagblush on. >////<

"Tara!"

OK! Hindi na ako teenager pero parang yung nararamdaman ko ngayon, yun yung nararamdaman ng isang teenager kapag pinansin sila ng crush nya first time! GRABE! Sobra akong kinikilig ngayon. Bakit kelangan ngayon pa? Gusto kong tumalon at tumili sa sobrang kilig.

Hindi man masyadong halata pero nakikita kong tumitingin sa amin yung mga tao. Alam kong common na ang scene na 'to pero nangyayari naman talaga sya sa totoong buhay. Yung pagtinginan ka, kayo ng mga tao sa paligid nyo at... nakakailang yun pero nakakatuwa.

I even heard someone say, "Ang bagay nilang mag-asawa no? Ang sweet pa nila. Sana ganyan rin kami ng boyfriend ko."

"Ang gwapo ni daddy, ang ganda ni Mommy... hala! Ipapanganak na ba ang sunod na Tom Cruz? Brad Pitt? Lee Min Ho? OH EM! Crush ko na anak nila!"

GAnun? Di pa lumalabas si Baby may admirer na agad? 

"Pwede ding si Angelina Jolie, Jeniffer Lopez, Beyonce o kaya Anne Curtis diba? Sa ganda ba naman ng lahi!"

Habang kumakain kami ni Alfred (still holding my hands under the table) hindi pa rin nawawala yung mga tingin ng mga tao. Parang artista lang diba?

"You want this?" may sinandok si Alfred sa plato nya. Brocolli. My favorite. "Aaaah"

"Aaaah.."nomnomnom.. sarap! Isinubo nya sakin. Actually, he's feeding me. Hindi ko pa nahahawakan yung utensils ko kasi sabi nya, papakainin daw nya ako. Pilay lang. :))

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now