30: Weak.

27.2K 234 36
                                    

POV: Blair

Nagising ako nang bandang madaling araw. Kinabugan ako ng mabilis. Ilang minuto rin akong nakatulala sa kisame. Samantalang ang katabi kong magandang lalaki, sobrang himbing. Teka teka, nangyari na ata ito dati? Hmm..

Pero hindi talaga ako makatulog eh tapos nararamdaman ko pang gumagalaw yung baby ko sa tiyan. Hay... gusto ko munang matulog ulit. 

Kaya naman bumangon ako para magtimpla ng gatas. Hindi ko na rin ginising yung katulong namin na hindi naman masyadong napapansin sa kwentong ito dahil hindi naman sya ang bida. :)

TInutunaw ko na yung gatas sa tubig nang may mag-doorbell.

Anong oras na at may nangangatok pa ng bahay?

Kaya naman sinilip ko muna. Hmm.. hindi ko matanaw kung sino pero may taxi eh.

"Sino yan?" lumabas ako ng pinto hanggang sa pathway lang pababa sa gate.

At nang humarap na yung tao sakin... nagulat ako sa itsura nya.

"Tricia?! Anong ginagawa mo dito?!" 

"Blair, please, let me stay here. Hinahanap na ako ni Steve. Pag nakita nya ako baka patayin na nya ako." umiyak na lang sya bigla.

Kaya naman nagmadali akong bumaba kahit na nahihirapan akong magmadali.

Pinapasok ko sya sa bahay. Anong oras na ba? Alas-3 ng umaga?

Naka-upo na kami sa may dirty kitchen. Hinayinan ko siya ng tubig para mahimasmasan naman sya.

OO na.. ako na ang martir. EWAN KO! EWAN KO TALAGA SA SARILI KO! Hindi ko alam! HIndi ko alam ang nangyayari sakin!

Diba ayokong nakikita ko si Tricia?! Pero bakit pinatuloy ko pa sya dito sa bahay ko?! Tanga ka na ba Blair?! Naiinis ako sa sarili ko... yung totoo.. gusto ko ng ganutan yung sarili ko! 

"Tricia..." pero naaawa ako sa kanya. 

Baliw... baliw na talaga ako!

"Blair..." hinawakan nya ang kamay ko. "Blair please... let me stay here siguro mga ilang araw lang... hangga't mainit pa ang ulo ni Steve sakin." 

"Sige... sige..." 

BLAG!

Nakita ko na lang na gumagalaw na yung pinto ng kusina namin.

Tumayo ako para tingnan kung sino man yun. Baka si Manang lang at nagising na sya.

Pero paglabas ko ng kusina nakita ko ang anino ni Alfred paakyat sa hagdan.

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now