33: FIN (Part 1)

30.7K 294 32
                                    

"Misis, kelangan nyo na pong umiri! Masama pong pigilan natin ang baby lumabas!" nagpupumlit na sabi nung nurse kay Blair. 

Nasa operating room na sila at nakahiga na rin si Blair sa kama, nakabuka na ang kanyang mga hita, nakaready na rin ang mga doktor at nurse (and intern nurses) sa panganganak nya ngunit ano na bang nangyayari? Bakitr ba nahihirapang manganak si Blair? Bakit nagkakagulo sila sa loob ng operating room?

"AYOKOOOO!!! PALABASIN NYO YANG LALAKING YAAAAANNNN!!!" naghuhumiyaw na sabi ni Blair at nakaturo pa siya sa asawang nakatutok ang video camera sa kanya.

"Sir, bawal po ang camera dito sa loob, tsaka pwede po bang lumabas na kayo? Hangga't nandito po yata kayo eh hindi ilalabas ng misis nyo yung anak nyo eh." pagmamakaawa nung nurse.

"Alfred, dalian mo na, labas na muna, pwede? Mas magiging delikado kapag hindi inianak ni Blair ang anak nyo." mahinahon na sabi ni Dra. Venus.

"Ate, kasi! Blair, please? Let me witness this, please? Anak ko naman yan... pwede ba?" pagmamakaawa ni Alfred sa asawa.

"AYOKO!!! May isa ka pa namang anak! Yun na lang videohan mo at panuoring umiyak! Wag kami ng anak ko! ALIS! Sige ka! Hindi ko ilalabas 'to hangga't nandito ka sa loob!" galit at hirap na hirap na sabi ni Blair.

Pambihirang buhay 'to! Nagawa pa talaga nyang manigaw ng ganyan habang nanganganak sya. 

"Afredo, LABAS!" sabi ni Blair na may order.

Yung ibang nurse natatawa na sa eksena ng dalawa. Para naman kasing baliw 'tong si Blair. Sino kaya ang totoong mentally disturbed? Si Blair kaya o si Tricia?

Wala na rin namang nagawa si Alfred kaya lumabas na sya pero hindi naman sya nanghihinayang dahil may CCTV naman at pumunta agad sya run sa CCTV room para panoorin ang panganganak ng asawa.

Samantala...

"Will you stop pacing back and forth, babe? Nahihilo na ako sa iyo." sabi ni Troy sa girlfriend na kanina pang nagaalala sa lagay ng bestfriend nito.

"I can't help it! Kinakabahan ako sa mangyayari sa bestfriend ko!You know! Yung mga nababalitaan kong mga mommies na namamatay sa pangangak or kaya naman yung mga babies na napupugot yung ulo sa paghila ng doktor! hindi ko mapigilang hindi mag-alala!" nanginginig na sabi ni Syn sa boyfriend nya.

Naghihintay sila sa labas ng operating room ng ospital habang nanganganak si Blair sa loob.

"Wag ka ngang paranoid! Healthy yung mag-mommy na yun kaya walag mangyayaring masama sa kanila... ok? Upo ka muna dito, please?" pinigilan na ni Troy si Syn sa pagpapauli uli nito at hinila paupo sa tabi nya.

"Wag mo nga akong hawakan! Naiimbyerna ako sayo!" sabi ni Syn at umagwat ng isang upuan mula sa nobyo nito.

"Ano na naman ba? May kasalanan ba ako?!" naiinis na rin si Troy sa kasintahan... para kasing nababalewala sya kanina pa.

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now