32: Silent War (It's over) Part 2

29.3K 306 64
                                    

Natutulala silang tatlo sa nangyari.

Si Blair, sa may pinto habang tulalang tumutulo ang luha.

Si Alfred na mahigpit ang pagkakahawak sa braso ni Tricia. Halatang pinigilan ang babae na humalik sa kanya.

At si Tricia, na nakahawak sa kamay ni Alfred at nakatingin rin kay Blair.

"Wow." Yun lang ang nasabi ni Blair saka tumakbo na palabas.

TUMAKBO! Tumakbo sya sa hindi nya malamng dahilan ay parang ang gaan lang ng katawan nya. Parang hindi sya buntis sa karipas ng takbo nya. 

Mabilis syang nakatakbo palabas ng bahay nila at sakto namang bababa pa lamang ng sasasakyan si Troy eh sumakay na rin agad si Blair sa sasakyan nito.

"Sakay, TROY! BILIS!" sigaw ni Blair.

Kaya agad namang sumakay si Troy at pinatakbo ang sasakyan.

Naabutan pa nga sila ni ALfred eh. Si Alfred na kahit naka-sando at boxer shorts lang eh nagawang makaabot sa dulo ng street sa kakahabol sa sasakyan ni Troy.

Samantala...

Isang ngisi na naman ang nilabas ni Tricia sa labi nito saka sinundan si Alfred.

"Alfred..." lumapit ito sa lalaki.

"Alfred, sorry. I'm really really sorry." Nagpapaawang sabi ni Tricia.

"Damn it, TRICIA! DAMN YOU!" susuntukin na sana ni Alfred si Tricia buti na lang napigilan nya ang sarili nya.

Umakyat na si Alfred sa kwarto nito at nagpalit ng damit. Kinuha na rin niya ang cellphone, wallet at susi ng sasakyan.

Susundan ni Alfred si Blair.

Ang gusto lang naman mangyari ni Alfred ay makapag-explain sya. Dahil maling mali ang iniisip ni Blair.

Para saan pa ang mga nakaw na halik at yakap niya sa asawa tuwing gabi? Para saan pa ang mga sakit na nararamdaman rin nya ngayon? Para saan pa ang lahat ng ginagawa nya kung hindi rin naman maniniwala si Blair na sya lang naman talaga?

"Blair..." napapabulong bulong na lamang si Alfred sa kanyang sarili habang tinatanaw tanaw pa niya ang kalsada dahil baka tumigil sila Troy.

Hindi na naisipan ni Alfred na pumunta sa bahay ni Troy dahil alam naman nyang hindi pupunta dun si Blair na kasama si Troy. Masyadong madali ang trap kung ganun nga.

Ang problema ngayon, hindi nya alam kung saan hahanapin ang asawa.

Tinawagan nya ito sa cellphone ngunit ang sumagot ay si Tricia.

"Alfred, naiwan ni Blair ang phone nya." 

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now