27: Tell me (Part 1)

25.8K 201 35
                                    

POV: Alfred

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali akong ginagawa at may mali sa nangyayari ngayon. 

Tawagan ko kaya si Blair? Kinakabahan kasi ako. Baka nagaalala na yun sakin. Ewan ko. Hai.. Naguguluhan ako. Tatawagan ko ba o hindi? Kapag tinawagan ko sya hindi ko naman pwedeng sabihin na sinamahan ko si Tricia, baka magalburoto yun sa galit at selos. Kung magsisinungaling ako, malalaman pa rin naman nya ang totoo dahil walang kasinungalingan ang hindi nabubunyag. (Teka, sikreto dapat yun ah. Pero kahit na ganun pa rin yun). Mabuti pa bang wag ko syang tawagan kesa magsinungaling ako sa kanya.

kasalukuyan kong binabantayan ngayon si Tricia habang natutulog. Nag-try na rin akong mag-contact sa mg akmag-anak nya pero ni isa sa kanila wala akong maabot. Kawawa naman 'tong babaeng ito. 

Umubob ako sa tabi ng kama nya sa tapat ng kamay nya. Gustong kong humipig ng konti para naman maka-regain ako ng lakas. Masyadong maaksyon ang aking mala-super hero na rescue kaninang madaling araw.

Ngunit hindi pa ako nakakapagpahimbing ay naramdaman ko ng gumalaw si Tricia.

"Ang baby ko?" 

Tumunghay ako at nakita kong gising na sya. May luha na agad sa mata nya habang hawak ang tiyan.

"OK lang sya, Tricia." sabi ko.

"Wala bang masamang nangyari sa kanya?" alalag alala nyang tanong.

"Wala naman. OK na kayong dalawa. Magpahinga ka lang daw para bumalik ang lakas mo." I told her. Pinagtimpla ko sya ng gatas para naman kahit konti mainitan sya."Gusto mong kumain?" 

Tumango sya. Tumawag ako ng nuse para magpadala ng maayos na pagkain. At habang naghihintay kami...

"Bakit ka pumapayag na ginaganyan ka ni Steve?" 

Kumunot ang noo nya at para bang tinanga nya ako sa mga mata nya. 

"Sinong pumapayag, Alfred? Hindi ko ginugusto 'to." 

"Pero bakit hindi mo na lang siya hiwalayan?! Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon mo?!"

"Kaya ako bumalik dito sa Pilipinas para tumakas s kanya pero wala akong magagawa... nasusundan nya ako."

Walanghiyang yun! 

Nagagalit ako dahil... dahil iniisip ko na paano kapag si Blair ang naganito?! Sigurado akong hindi ko magagawang saktan sya pero hindi ko mapapatawad ang kahit sino mang manakit sa kahit sinong mahal ko o mahalaga sa akin. Mahalaga si Tricia. Mahalaga lang sya.

Saktong dumating yung pagkain nya kaya naman natigil ang paguusap namin.

Pagkatapos nyang kumain ay chineckup sya ng Doctor at kinuhanan ng ilan pang test. Nakatulog ulit sya at ng magising sya, hapon na.

Kelangan ko ng umuwi kay Blair.

"Uh... Tricia, kelangan ko ng umuwi." paalam ko sa kanya.

"teka, Alfred." Pagpigil nito saakin.

"Bakit?"

"May gusto sana akong sabihin sayo." 

DUG DUG. DUG DUG.

----

yan muna! Aba naman kayo.. bukas na ulit yung iba. :))

Wag i-vote kung di maganda.

Wag mag-comment ng nakaka-offend.

I-comment ang nararamdaman.

Kung panget paki-sabi lang. Pero di ko naman yun papakinggan. :P

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now