31: Silent War (Kiss) Part 1

28.5K 265 103
                                    

OKAY? Hindi ako pinapansin ni ALfred netong mga nakaraang araw. And I know the reason why... and promise... this is our major silent war ever.

Pero hindi ko naman sya sinusukuan... ako pa?! Susuko sa kanya... that will never happen.

This is a Tuesday Morning and wala naman syang ginagawa sa bahay. Diba nga on leave sya for me? Kaya naman sa bahay lang sya, sa kwarto. 

I know he's doing his best para hindi nya makita si Tricia. And I love him for that kaso naman hindi nga nya pinapansin si Tricia, hindi rin naman nya ako pinapansin.Nice.

Nasa kusina naman ako tinutulungan ko si Manang sa pagluluto. While Tricia's in the garden. I didn't know meron pala syang green thumb.

Maya-maya pa'y may sumisigaw na ng malakas and it's Tricia.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!" 

Napatakbo si Manang sa labas. Ako naman pinilit kong maglakad rin ng mabilis.

"Mam Tricia!" 

Nakaupo na si Tricia sa bermuda at hinihimas ang Tiyan nya. Ang dalas nya magka-muscle cramps.

"Manang, tawagin mo si Alfred, bilis!" sabi ko kay manang saka ko nilapitan si Tricia.

"Tricia, ok ka lang ba? Wag kang malikot ah?" hindi naman ako makayukod dahil malaki rin ang tiyan ko.

"Blair! Blair I'm scared..." nakataas ang kamay nya na para bang inaabot ang kamay ko."Baka mawala baby ko! Bigla na lang akong bumagsak dito..." umiiyak na sabi ni Tricia.

"Wag ka sabing malikot!" napasigaw na rin ako dahil sa kanya. Inabot ko na rin ang kamay nya para maassure ko syang nandito lang ako.

"What happened here?!" dumating si Alfred na hangos ng hangos.

Wala na rin namang nakasagot sa tanong nya kaya naman madali nyang binuhat si Tricia at dinala sa kwarto nito. Kami naman ni Manang nakasunod lang sa kanila.

"Dalhin ka na kaya namin sa Ospital, Tricia?" I suggested. Halata kasing masakit pa rin eh.

"Wag na.. ipapahinga ko na lang to." sabi nya.

"Pero baka may mangyaring mas masama kung hindi ka magpapacheck up." tugon naman ni Alfred.

"OK lang ako..." 

So binabantayn lang namin Tricia nang mapasinghap na lang bigla si Manang.

"Manang?! Ano ba?!" 

"Mam Tricia, dinudugo po kayo!" 

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now