8: Conception

39.9K 382 22
                                    

POV: Blair

Nandito ako ngayon sa bahay ng mga magulang ko. Hindi ko kasama si Alfred kasi may pasok na sya. OO, hindi na muna kami nag-honeymoon este namasyal sa kung saan dahil busy sya sa work at ako rin naman. Pero ngayon, dayoff ko kaya dito muna ako sa bahay namin.

"Ma, may sampalok ba tayo? Yung maasim talaga... gusto ko eh." naghahanap ako sa Fridge namin.

"Ano ka ba naman, Blair? Wala namang mahilig sa sampalok satin, alam mo yan. Ano ba? Dun ka ba naglilihi?" tanong ni Mommy sakin.

"Siguro. Mahilig ako sa sampalok tapos sa honey na may kalamansi. Mahilig rin ako sa hipon pero pinagbabawalan ako ni Alfred dahil ayaw raw nyang magmukhang hipon ang baby. Mahilig din ako sa... WAAAHH!!! Emily! Ang ganda naman ng suot kong ribbon! Patingin nga!" nakita ko bigla yung kapatid ko na kakababa lang sa hagdan.

"Ate, wag na! Ang hirap hirap ilagay sa buhok ko eh." pagiwas sakin ni Emily.

"Ilalagay ko na lang ulit!" natutuwa talaga ako sa ribbon nya. Kulay Orange! Ang ganda.

"Hi Ate!" bati sakin nung isa ko pang kapatid.

"Jessi! WAAAH!!! Ang cute ng shoes mo... Orange day ba ngayon? Puro kayo naka-orange... gusto ko yan! Patingin nga! Pasukat pwede?" 

"Ate naman! Ang hirap kaya ikawit ng shoes ko. Mamaya na lang pagdating ko... ha?" 

"Anak, may obsession ka ba sa orange?"

huh? Wala naman.. yata. Pero lately, pag nagoonline ako, lagi akong nagsesearch ng orang... kahit anong orange. Rooms, fruits, accessories. Basta Orange.

"Ate, gusto mo bang uwian kita ng orange?" tanong ni Emily.

"WOW! Sige sige... uwian mo ako nun ah... gusto ko seedless at lahat dapat maasim na maasim!" nalalasahan ko na agad ang asim ng orange. YUM YUM!

"Ay? Saan naman kaya ako kukuha nun? Orange Chicken na lang ate, yung galing sa Chowking! Sige na... byeeiiieee!"

HAAAA????!!!! Mahirap bang hanapin yung orange na gusto ko? Hmm... hindi naman siguro. Kay Alfred na lang pala ako magpapahanap.

"Beeeessstttt!!!!" sabi ko kaagad pagkasagot nya sa phone.

/ano? may problema?/

"Wala naman. Gusto ko lang ng orange na maasim na maasim at walang buto." yiee.. kinikilig kilig pa ako habang iniimagine yung orange na gusto ko.

/Ha?! Saan ako makakakita nun?/

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now