Sorry late na ko nakaupdate.
Sa mga nagaantay ng update, kung gusto nyo, basahin nyo muna yung isa kong story na "Game Of Life And Death". Salamat :)
—————————————————-
Kenneth's POV
"GUYS?!!! Nasan si ATE ALLYSSA?!!!" Natatarantang sigaw ni Jane
At pagtingin ko sa paligid ay wala nga sya. Wala rin yung wheelchair nya. ASAN SYA?!!
Pero hindi lang yun ang problema namin. Si PRINCIPAL!!! Patay na si PRINCIPAL!!
"Juds, anong..... ginawa mo?!!" Tanong ko sa kanya. Medyo nahihirapan pa kong magsalita dahil sa pagkakasaksak sa tyan ko. Pero buti nalang ay nilagyan na to ng bandage nila Charlene.
Maraming dugo ang nawala sakin pero natakpan naman na ito at sa tingin ko ay magiging okay na ako.
Kitang kita ko sa mukha ni Juds ang gulat sa nagawa nya.
Inagaw agad ni Charlene yung baril na hawak ni Juds. At si Juds ay bigla nalang bumagsak sa sahig. Kaya agad lumapit sina Jane
"Juds!! Juds!!" Pagtawag nila at pilit ginigising
"Humihinga pa sya" balita ni Bob pero wala parin syang malay
Panigurado ay nahimatay sya dahil sa nangyari. Hindi ako makapaniwalang nagawa nya yun!
Si Principal nalang ang tanging paraan namin para mahanap kung nasan yung bangkay ni Maria pero ngayon ay wala na sya!!
Siguro ay kailangan nalang talaga naming pasukin yung bahay nung Principal dahil wala na kong naiisip na iba pang paraan!
Si Alfonso ay nagsusuka na sa sahig dahil siguro sa nakikita nyang kalagayan nung Principal
"Takpan nyo yan pls" pakiusap ni Alfonso at sumusuka parin sya sa sahig.
Kumuha agad ng kumot si Charlene at ginamit itong pantakip sa katawan nung Principal.
Tapos ay nakita ko si Jane na may pinulot sa sahig.
"Guys..... eto yung sa necklace na rosary ni Ate Allyssa" pagaalalang sabi ni Jane
"Baka kung ano nang nangyari sa kanya!" Mangiyak ngiyak nyang hinala
"Ate Allyssa!!!!!" Pagsigaw namin
At sinilip ko yung labas ng pinto. Medyo nagkakaliwanag na. Pero wala dun si Ate Allyssa. SAAN NA KAYA SYA NAPUNTA?!!
"Ate ALLYSSA!!!" Patuloy na sigaw ng iba samin
Pero di naman namin sya naririnig na sumasagot. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya. Dahil sa amin ay manganganib na naman ang buhay nya.
Kailangan namin sya mahanap dahil hindi nya kakayanin magisa, dahil nga sa kalagayan nya. Pero san naman kami maghahanap??!!
"Hanapin natin sya plssss" pagmamakaawa muli ni Jane
"Pero saan?" Pagtataka ni Bob
"Hindi ko alam!!! Kahit saan!!" Humahagulgol na sagot ni Jane
"kung maghahanap man tayo sa labas, mas mabuti kung sa umaga nalang tayo maghanap para hindi mas delikado" sabi ko sa kanila
"Edi sa taas natin simulan maghanap" suggest ni Jane
"Pano naman mapupunta sa taas si Ate Allyssa?" Tanong muli ni Bob
Yun din ang naisip ko. Nakawheelchair si Ate Allyssa, so paano sya makakaakyat ng hagdanan? Pero naisip ko rin, kung si Maria ang kumuha sa kanya ay maaari nga syang mapunta sa taas.
"Sige, aakyat ako para tignan kung nandun man si Ate Allyssa" sabi ko sa kanila na ikinagulat nung iba
"Sigurado ka Kenneth?? Kaya mo na ba?" Pagaalala ni Charlene
Pero tango nalang ang naisagot ko sa kanya
"Ako nalang kaya ang aakyat?" Sabi ni Charlene
"Hindi.. mas mabuti kung ikaw ang maiwan dito kaila Juds" sagot ko
Si Jane ay di ko rin pinasama dahil baka lalo kaming malagay sa alanganin pag nagpadalos dalos sya dahil sa emosyon nya. Si Juds ay wala paring malay. Si Alfonso ay paniguradong hindi sasama sa akin sa taas. Kaya ang sumama lang sakin ay si Bob
"Linisin mo nga yang suka mo" narinig kong utos ni Charlene kay Alfonso habang papaakyat na kami ni Alfonso
Pagakyat namin sa 2nd floor ay tinignan agad namin yung mga kwarto.
Tuwing binubuksan ko yung pintuan ay agad akong lumalayo. Dahil ganun ako nasaksak nung principal. Kaya mas mabuti nang masiguradong walang mangyayari sakin.
"Wala sya dito Kenneth" sabi ni Bob dahil natignan na namin lahat ng kwarto
"Tara na sa itaas pa" pagaya ko sa kanya
"Kailangan pa ba natin tignan sa taas pa? Wala naman din siguro dun si Ate Allyssa" pagkontra ni Bob
"Kailangan natin makasigurado" sagot ko
"Kung ayaw mo, pwede ka naman na bumalik sa baba, ako nalang ang titingin sa itaas" mahinahon kong sabi
Tapos ay napaisip sya sa sinabi ko
"Di naman kita pepwedeng iwan magisa" sagot nya
Kaya wala sya nagawa kundi ang sumama parin sa 3rd floor.
Pero pagakyat na pagakyat namin ay nagulat kami sa nakita namin.
NANDUN YUNG WHEELCHAIR NI ATE ALLYSSA! PERO NASAN SYA?!
"Ayun yung wheelchair" turo ko kay Bob
"Pe...pero paano napunta dito yan??" Naguguluhang tanong ni Bob
"Ate Allyssa!!" Pagtawag ko sa pangalan nya
Tapos ay tinignan namin yung mga kwarto.
Hanggang sa pagkabukas ko nung isang pinto ay nandun si Ate Allyssa at nakahilata sa sahig at walang kamalay malay.
"BOB!" Sigaw ko at agad sya lumapit. Pumasok agad kami sa kwarto para puntahan si Ate Allyssa
"Ate Allyssa" pagtawag ko ng pangalan nya pero di sya nagkakamalay
At tinignan ko yung pulso nya, buhay pa sya
"Buhay pa sya" sabi ko at nakita kong huminga ng malalim sa Bob. Akala siguro nya ay patay na si Ate Allyssa
"Yung.... yung wheelchair nya, kuhain mo" utos ko
Kaya agad tumakbo palabas si Bob at kinuha ang wheelchair.
At nung pabalik na sya ay nagulat ako sa biglang mangyari. Biglang sumara yung pintuan!!
"Kenneth!!" Narinig kong sigaw ni Bob habang pilit na binubuksan ang pinto.
At ang lalo kong ikinatakot ay nang may humawak sa kamay ko ng mahigpit. At pagtingin ko kay Ate Allyssa ay nakadilat na sya at nakatingin ng masama sa akin.
"Ate Allyssa bitawan mo ko!!" Utos ko
"Nasasaktan ako" dahil sobrang higpit ng pagkakahawak nya
"Mamamatay kayong lahat!!" Bigla nyang sigaw
Pilit akong kumawala at nang mabitawan nya ko ay agad akong lumayo.
Sinusubukan kong buksan yung pinto pero ayaw nito bumukas
At nagulat ako nang biglang tumayo si Ate Allyssa
"A....ate.... Allyssa" nanginginig kong sabi
"Pa...papano ka... nakakatayo??"
At bigla syang may inilabas na kutsilyo
Sa....san nya nakuha yun??? Siguro ay nanghingi rin sya ng kutsilyo nung kumuha sina Charlene ng kutsilyo sa kusina.
"Ate... Allyssa... wag!!" Pagmamakaawa ko
Hanggang sa bigla nalang syang tumakbo papalapit sakin habang nakatutok ang kutsilyo.
Pero agad akong umiwas at nakita ko pa ang pagbaon ng kutsilyo sa pinto.
Tumakbo ako sa bintana at pilit rin to binubuksan pero ayaw. Nakita ko syang hinatak yung kutsilyo at humarap sakin.
Anong gagawin ko!!!!!!
Naghanap ako ng pwede kong magamit pangbasag ng bintana. Hanggang sa may nakita akong bakal. At ginamit ko to para basagin yung bintana. At nung mabasag na to ay sinilip ko yung ilalim at medyo mataas yung babagsakan ko.
Hanggang sa paglingon ko ay papalapit na si Ate Allyssa kaya wala na kong nagawa kundi ang tumalon.
Pero pagbagsak ko ay naramdaman ko yung sakit sa isa kong hita. Na para bang nagcramps ng sobrang sakit. Buti nalang ay walang lumabas na buto. Dahil sa ibang movies na napapanood ko ay talagang lumalabas yung buto nila sa hita o sa binti. Sinubukan kong tumayo at nagawa ko pa, pero parang napilay yung isa kong paa. Kaya iika ika akong naglakad pabalik sa bahay
Bob's POV
"Ke....kenneth!!!" Pagsigaw ko sa pangalan nya habang pilit na binubuksan yung pintuan
"Kenneth anong nangyayari??!" Natatakot kong tanong
Pero hindi pa rin ito bumubukas
"Kenneth, babalikan kita.. hihingi ako ng tulong" sigaw ko at bababa na dapat ako
Nang biglang bumukas ng dahan dahan yung pinto.
"Kenneth??" Pagtataka ko at muling lumapit sa pintuan
Dahan dahan ko itong binuksan at sumilip sa loob.
"Ke....kenneth???" Natatakot kong tanong
Hanggang sa nakita ko si Ate Allyssa na nakaupo at nakatalikod. At naririnig ko syang humahagulgol
"Ate Allyssa??"
Pagtawag ko sa kanya habang papalapit ng papalapit sa kanya
Nilibot ng mata ko ang loob ng kwarto at di ko makita si Kenneth.... san sya napunta???
"Ate Allyssa....."
At nang mahawakan ko sya sa balikat ay nagulat nalang ako sa sumunod na nangyari. May naramdaman akong tumusok sa tyan ko. At pagyuko ko ay nakita kong may kutsilyong nakasaksak sakin. SINAKSAK AKO NI ATE ALLYSSA!!
"A.....te...."
Nakangiti sya habang nakatingin sakin. Tapos ay hinatak nya yung kutsilyo at kitang kita ko ang dugo na tumutulo sa sahig. Napahawak ako sa tyan ko at napuno ako ng dugo. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako dahil sa nararamdaman ko. Nanlalata ako.
Napaatras agad ako kay Ate Allyssa pero bigla syang tumakbo papalapit sa akin at sinaksak akong muli. Tapos ay hinatak nya ulit yung kutsilyo
"Ba.....bakit???" utal kong sabi
At sinubukan kong tumakbo palabas ng pintuan. Nang maramdaman ko ang muling pagsaksak sa likuran ko. Hindi lang isang beses kundi tatlong beses.
Dahilan para bumagsak ako sa sahig. Sobra na kong nanghihina.
"Ba.......kit??" Gumugulong tanong sa isip ko
Tinulak ako ni Ate Allyssa paharap, at pagtingin ko sa kanya ay talagang tinititigan nya ko sa mata at parang may halong tuwa at galit sa kanyang mukha.
At wala na kong nagawa ng saksakin nya na ko ng saksakin sa katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng bawat pagbaon ng kutsilyo sa katawan ko. Napapikit nalang ako sa sobrang sakit hanggang sa tuluyan na kong nawalan ng malay.
-----------------------------------
Dead - 17
Raistlin, Gela, Nique, Carlos, Daniel, Angelo, Aud, Adriane, Marc, Claire, Nica, Carl, Janine, Ciel, Alonds, Justin, Bob
Alive - 11
Jane, Colai, Alfonso, Kenneth, Gwynel, Raven, John, Col, Charlene, Juds, May