Take Me Back in Time #Wattys2...

By dandyara

310K 10.5K 669

"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñ... More

Paunang salita (Prologue)
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Epilogo
Wakas I
Wakas II

Kabanata 25

3.6K 156 3
By dandyara


Tulala lang akong nakatitig sa kawalan habang nakatanaw lang sa bintana ng k'warto ko. Iniwan ko muna si Kuya Rheden dahil nais niyang mapag-isa.

Inamin sa'kin ni kuya na may namamagitan sa kanilang dalawa ni Marina, kaya may karapatan siyang magalit dahil iniwan siya nitong walang paalam.

Habang ang sa'min ni Nacio walang kasiguraduhan. Sino ba naman ako para magalit? 'Di hamak na magkaibigan lang naman kami at ang halik na iyon siguro, nadala lang siya ng emosyon niya. Ako lang siguro itong umaasa.

Napabuntong hininga nalang ako. Nakakapagpabagabag sa isip. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit. Ang hirap namang umasa sa isang bagay na hindi mo alam kung nagtapos na o may babalikan pa.

Palagi itong nahahati sa dalawang magkasalungat na tanong, kung aasa o lilimot, kung tatangapin mo bang wala na o maghihintay.

Isang taong lumisan ng walang paalam. Ito naman ako mananatiling magmumuni-muni kung bakit. Anong rason?

Agad kong pinusan ang luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Sanay naman akong na iiwan, pero sana naman magsabi manlang. Ilang taon ba siya mamamalagi sa Europa? Maghihintay pa ba 'ko? Kailan? Gaano katagal?

Kung maaari lang na mapalipas ng panahon sa kasalukuyan ay gagawin ko, kaso habang nasa kasalukuyan tumitigil naman ang oras dito. 'Yon ang sinabi ni Aling Lenny, sapagka't may nakakaalam na ng mga nangyayari.

***

Lumipas ang dalawang araw na hindi ako natutulog sa kama ko. Nagsasapin lang ako sa lapag, para hindi ako bumalik sa kasalukuyan.

Dalawang araw din ang lumipas nang pagmumukmok ko rito sa k'warto. Ayokong lumabas kaya dinadalhan nalang ako ni Leonora ng pagkain. Ilang beses na rin akong pinanik dito sa taas ni ina para tingnan kung may sakit ako at kung bakit parehas kami ni kuya na tila nagmumumok lang sa k'warto.

Nagdahilan na lang ako at naniwala naman siya na kasagsagan ng pagdaloy ng pulang likido ko at sobrang sakit nito kaya 'di ako masyado makakilos.

Ngayon na ang ikatlong araw, ikatlong araw na wala si Nacio. Wala pa rin akong nasasagap na balita kay Kuya Rheden mula sa kanya. Siguro ay nasa Maynila pa lang sila ngayon.

Bumalik ako sa sarili nang biglang may kumatok. Siguradong si Leonora 'to. Magtatanghalian na rin, kaya malamang andito na siya para maghatid ng pagkain.

"Bukas 'yan."

Narinig ko naman ang mga yapak niya, pero 'di ko siya nakikita dahil nakahiga akong nakatalikod sa kinaroroonan niya. Hinihintay ko nalang ang pag lapag niya ng pagkain sa study table.

Pero lumipas ang ilang minuto, wala pa rin akong naririnig na paglapag ng mga kubyertos.

"Guess your still asleep huh."

Ang boses na yon...

Si George, nako naman. Hindi na bago pinaghandaan ko na rin ang araw na ito. Lalo pa't sabi ni Inang Rosella ay anumang araw ay pupunta rito si George.

Naramdaman ko ang pag-uga ng kama umupo siya sa dulo ng kama ko.

"Sleepy head your room is nice," sambit niya sa malalim na boses.

Ilang saglit pa nagsalita ito ulit.

"It's already afternoon. Fely come on wake up."

Naramdaman ko ang pag-uga niya sa balikat ko para gisingin ako, pero nag tulog-tulugan pa rin ako.

"My dad won't stop on telling me to go out with you, I told him to give both of us time. I don't want to scare you by appearing every now and then."

Nagbibiro lang naman ako kay Inang Rosella na meron ako, pero mukhang duduguin nga ako ngayong araw.

Nagulat naman siya nang bigla akong bumangon.

"Can you go out first? I'm gonna fix myself and prepare."

Bigla naman nagliwanag ang mukha niya at napangiti. Naka camiso de chino siya ngayon at nag mukha siyang ordinaryong tao lang. 'Di katulad sa suot niya lagi na pang sundalo.

Aaminin kong may hitsura si George at may hawig siya sa hollywood crush ko na si Leonardo Di Caprio, pero bukod do'n wala akong maramdaman na mga paru-paro sa tiyan ko pag nasa paligid siya.

"Ok, take your time Fely I'll wait outside," sambit niya at umalis na.

Naligo ako at nag-ayos nang kaunti. Nagsuot lang ako ng simpleng blusa na tenernohan ng paldang lagpas tuhod ang haba.

Maganda naman itong tingnan at ito rin naman ang usong damit sa panahong ito, kasama na ang bestida at saya na pang karaniwang kasuotan ng mga babae.

Nilugay ko lang ang buhok ko.

Handa na'kong umalis nang mapadako ang tingin ko sa nalalantang mga bulaklak na bigay ni Nacio.

Wala talagang permanente sa mundo. Lahat kukupas, lahat malalanta, maglalaho hanggang sa mawala na ng tuluyan.

Napabuntong hininga nalang ako kung ano-ano nang kadramahan ang naiisip ko dahil lang sa paglisan ni Nacio.

Nakita ko naman si George na nakaupo sa sala habang nakikipag k'wentuhan kay Ina.

"Oh there she is," sambit ni Inang Rosella at parehas na napadako ang tingin nilang dalawa sa'kin.

Hindi ko naman maiwasang titigan ang mala kulay berde na mata ni George.

"Itong si George lang pala ang makakapag palabas sa iyo anak," sambit ni ina, at inayos-ayos pa ang buhok ko.

"Take care of my daugther, George and don't go home late." Humalik ako sa pisngi ni ina, bago sumakay sa awto ni George.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob, pawang nakikiramdam lang sa isa't-isa.

Gusto ko man basagin ang katahimikan hindi ko naman alam kung saan sisimulan at kung anong sasabihin. Isang oras at kalahating minuto na rin kaming nasa biyahe. May tiwala naman ako sa kaniya dahil kilala naman siya ni Ina at lalong-lalo na si 'Tay Florentino.

Tahimik lang akong nakamasid sa mga nadaraanan naming bukirin. At na papahikab ng paulit-ulit.

"Are you sleepy?" Napatingin naman siya sa'kin habang nagmamaneho.

"A bit," saad ko at napahikab muli.

"You can lay on my shoulder if you want."

Napatingin naman ako sa kaniya at nailang sa sinabi niya.

"Its okay, are we near?"

"Uh yes, 10 minutes more and we're there."

'Di naman siya nagkamali dahil pagkalipas lang ng ilang minuto ay tinigil niya na ang sasakyan sa tabi ng daungan.

"We are going to ride a ferry and a boat to Capul Island."

Tumungo nalang ako dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar na ito. Mukhang mas alam pa ng amerikanong ito ang mga lugar dito, kaysa sa pilipinong tulad ko na labing walong taon ng nakatira sa bansang 'to.

Hindi ko na alam kung ilang oras ang byinahe namin papunta sa islang sinasabi ni George basta't alam ko lang ay ay mula sa ferry na aming sinakyan ay lumipat na kami sa bangka, sunod no'n ay nakatulog na ako at nagising nalang sa balikat niya.

"Hey, we're here Felicita," saad niya.

Agad kong inangat ang ulo ko at napatulala sa ganda ng isla.

Naglalakad lang kaming dalawa ni George hanggang sa makarating kami sa isang bukirin. Napapunas ako dahil 'di na magkamayaw sa pagpatak ang mga pawis ko ng marating namin ang tuktok.

Kung alam ko lang na sasabak kami sa paglalakad at mahabang biyahe hindi na sana ako nagsuot ng palda at nag-abaka.

"Nakakainis, kung sinabi mo sana na sasabak tayo sa ganitong digmaan, edi sana nagrubber shoes ako at nagbaon ng sandamakmak na tubig. Alam mo bang gutom na gutom na rin ako," saad ko nang walang takot, alam ko namang 'di siya nakakaintindi ng filipino.

Napahinto naman siya at napatingin sa'kin.

"Pasensya na gusto ko lang ipakita sa'yo kung saan ako lumaki," diretso, pino at walang accent ang pagkasabi niya no'n na siyang ikinagulat ko. Gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko.

"Halika, malapit na tayo sa kubo namin." Hinawakan niya ko sa palapulsuhan at pinunasan ang mga pawis ko.

Nakatulala lang ako sa pagkabigla habang pinupunasan niya ang pawis ko.

Nakakailang lang ang mga kilos at gawi na pinapakita niya sa'kin. Alam ko namang pinagkasundo lang kami at matagal-tagal na ring panahon na wala siya rito sa Pilipinas. Malabo naman siguro kung iisipin kong may gusto na agad siya sa akin?

Nakarating kami sa isang maliit na kubo at hanggang dito ay hindi niya pa rin inaalis ang kamay niya sa palapulsuhan ko.

"Pilipino ang nanay ko, matagal na siyang hiwalay sa Heneral, matapos siyang lokohin nito. Agad naman akong tinakas ng tatay ko at nagtungo na kami sa Estados Unidos," panimula niya.

"Naalala ko noon, minsan lang dumalaw dito ang tatay ko dahil tinatago niya kami sa mga kapwa niya sundalo. Ayaw niya rin na maapektuhan ang pagtaas ng ranggo niya, kaya mas pinili niyang pagtakpan na nagkaanak siya mula sa isang pilipino," pagtuloy niya.

"Marunong ka naman palang magFilipino, pasensya kana kung nagalit ako kanina. Hindi ko rin inaasahan na may dugo kang pilipino," sambit ko.

"Ang totoo niyan walang sinuman sa mga kasamahan kong sundalo ang nakakaalam. Hangga't maaari, ingles ang ginagamit kong wika. Gusto ko lang malaman mo na magaan ang loob ko sa'yo simula no'ng bata pa tayo, kaya inilabas ko ang sikretong ito."

Wala akong matandaan tungkol sa pagkabata ni Lola Ayla, kaya hindi ko malaman kung anong sasabihin.

"Halika, kumain ka muna."

May inilabas siyang mga mangga at saging na mula sa isang cabinet na gawa sa kahoy.

"Pasensya kana 'yan lang ang meron ako rito. Bagong pitas lang 'yan kaninang umaga," Aniya at inabot sa'kin ang mga mangga.

"Ayos na 'to pag may pagkain lamon lang grab the opportunity." Agad naman siyang natawa sa sinabi ko.

Inabutan ko rin siya ng mga mangga,
"Saluhan mo ko Leonardo," sambit ko napinagtaka niya.

"George ang pangalan ko Felicita."

"Kamukha mo kasi 'yung artistang hinahangaan ko. Isa siyang hollywood star."

Kita ko sa kaniyang mukha ang pagtataka at naguguluhan na ekspresyon, "Teka, paano mo nalaman ang mga bagay na 'yan? Wala pa namang telebisyon dito sa Pilipinas at sa Amerika palang mayroon."

Tila kinabahan naman ako at nag-isip nalang agad ng palusot, "A-h, sa mga d'yaryo at teatro. Kumakalat pa rin naman ang balita rito sa amin, galing ibang bansa dahil na rin do'n at s'yempre sa chismis!" saad ko at ngumiti-ngiti nalang.

Napatungo-tungo nalang siya,"Mahilig ka pala sa pagbabasa ng balita. Kahanga-hanga, hindi kasi ako masyadong interesado do'n."

"Ako pa ba," tugon ko at nagpose na pawang nag-iisip at nagbabasa.

Natatawa na lang si George sa mga ginagawa ko. Halos maubos ko na rin ang mga manggang binigay niya.

Iba pa rin talaga ang pakiramdam na pinipilit mong maging masaya sa kabila ng walang kasiguraduhan at sakit.

Mabuti nalang kahit paano naging masaya naman akong kasama si George, kung wala siguro siya malamang nagmumumok pa rin ako sa k'warto.

Pinipilit ko nalang maging masaya...

Parang isang bulaklak na naulanan at unti-unting bumabangon sa kabila ng mga lanta nitong dahon.

--

Continue Reading

You'll Also Like

31.9M 816K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
1.7M 89.8K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
11.7K 237 12
Isang respetadong pulis si James, mabuting asawa at responsableng ama. Ngunit isang araw sa kanyang pagising, tila may mga bagay sya na hindi maipali...
35.5K 832 74
From Strangers to Lovers.. Once you fall inlove mahirap ng tanggihan, Kahit na alam mong hirap kana ipinaglalaban mo pa. Yung tipong sinabihan ka na...