Shotgun Marriage [w/ Compilat...

By BellaEscritura

1.7M 16.8K 1.8K

Nabuntis ko kasi ang bestfriend ko at kung hindi ko sya papakasalan... papatayin ako ng Daddy nya! T___T ayaw... More

Shotgun Marriage
1: Past
2: Past (the moment)
3: Past (Dilemma)
4: Past (Positive)
5: Past (Conversation)
6: Past (Decisions) part 1
6: Past (Decisions) part 2
7: Wedding Day
8: Conception
9: Sugar & Spice
10: His Promise to the readers
11: Get Ready... FIGHT!
12: Jealous
13: Kiss and Make up
SPECIAL CHAPTER: Cris's POV
14: Brazil with LOVE?
15: To make the long vacation short
16: New Friend, New... Rival
TEASER.
17: Baby Chirp Chirp (Happy MOT MOT &15K reads!)
18: I think I'm starting to fall
19: Dinner Party
Special Chapter: Blair in Alfred's Dream
Special Chapter: Teenage Dream?
20: Hinahanap-hanap kita
21: Lovebug
TEASER 2
22: Insomnia
23: He doesn't know (Part 1)
23: He doesn't know (part 2)
24: Forgive... I don't forget
25: Beware: Sobrang Cheesy
26: Forever in my heart (part 1)
26: Alone
27: Tell me (Part 1)
27: Tell me... please (Part 2)
28: Surprises
29: Home
31: Silent War (Kiss) Part 1
32: Silent War (It's over) Part 2
Usong Chapter! :D *winks* ALAM NAAA~~~
33: FIN (Part 1)
33: Fin (Part 2)
Epilogue
Special Chapter: Mr. and Ms. UNDERstanding (TroyxSyn)
Special Chapter: Mr.&Ms. Understanding 2
Special Chapter: Mr. & Ms. UNDERstanding 3
Special Chapter: Mr.&Ms. UNDERstanding 4
Shotgun Marriage [Compilation] No Soft Copies. Thank You

30: Weak.

27.3K 234 36
By BellaEscritura

POV: Blair

Nagising ako nang bandang madaling araw. Kinabugan ako ng mabilis. Ilang minuto rin akong nakatulala sa kisame. Samantalang ang katabi kong magandang lalaki, sobrang himbing. Teka teka, nangyari na ata ito dati? Hmm..

Pero hindi talaga ako makatulog eh tapos nararamdaman ko pang gumagalaw yung baby ko sa tiyan. Hay... gusto ko munang matulog ulit. 

Kaya naman bumangon ako para magtimpla ng gatas. Hindi ko na rin ginising yung katulong namin na hindi naman masyadong napapansin sa kwentong ito dahil hindi naman sya ang bida. :)

TInutunaw ko na yung gatas sa tubig nang may mag-doorbell.

Anong oras na at may nangangatok pa ng bahay?

Kaya naman sinilip ko muna. Hmm.. hindi ko matanaw kung sino pero may taxi eh.

"Sino yan?" lumabas ako ng pinto hanggang sa pathway lang pababa sa gate.

At nang humarap na yung tao sakin... nagulat ako sa itsura nya.

"Tricia?! Anong ginagawa mo dito?!" 

"Blair, please, let me stay here. Hinahanap na ako ni Steve. Pag nakita nya ako baka patayin na nya ako." umiyak na lang sya bigla.

Kaya naman nagmadali akong bumaba kahit na nahihirapan akong magmadali.

Pinapasok ko sya sa bahay. Anong oras na ba? Alas-3 ng umaga?

Naka-upo na kami sa may dirty kitchen. Hinayinan ko siya ng tubig para mahimasmasan naman sya.

OO na.. ako na ang martir. EWAN KO! EWAN KO TALAGA SA SARILI KO! Hindi ko alam! HIndi ko alam ang nangyayari sakin!

Diba ayokong nakikita ko si Tricia?! Pero bakit pinatuloy ko pa sya dito sa bahay ko?! Tanga ka na ba Blair?! Naiinis ako sa sarili ko... yung totoo.. gusto ko ng ganutan yung sarili ko! 

"Tricia..." pero naaawa ako sa kanya. 

Baliw... baliw na talaga ako!

"Blair..." hinawakan nya ang kamay ko. "Blair please... let me stay here siguro mga ilang araw lang... hangga't mainit pa ang ulo ni Steve sakin." 

"Sige... sige..." 

BLAG!

Nakita ko na lang na gumagalaw na yung pinto ng kusina namin.

Tumayo ako para tingnan kung sino man yun. Baka si Manang lang at nagising na sya.

Pero paglabas ko ng kusina nakita ko ang anino ni Alfred paakyat sa hagdan.

"Alfred..." tinawag ko sya.

"Wag na wag mong sasabihin sakin na kahit kelan hindi ko sinubukang lumaban para sayo, Blair. Ikaw na ang gumagawa ng ikasasama ng loob mo." Umakyat na sya ng tuluyan.

Naguguluhan na ako! SOBRANG NAGUGULO NA ANG UTAK KO!

Sinundan ko si Alfred sa kwarto at pagkapasok ko doon nakaupo lang sya sa kama na parang nag-iisip.

"Alfred..." 

"Blair, ano ba talaga ang gusto mo? Naguguluhan na ako sayo. Iniintindi kita pero ang labo mo. Diba sabi mo gusto mo ng buong pamilya? Sabi mo ipaglalaban mo ako at ang pamilyang 'to... pero bakit? Ha?" 

"Hindi ko rin alam... hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, Alfred. Pero..." 

"Kung ganun naman pala paalisin mo na sya dito. Oo, nakakaawa siya... awang awa na rin ako sa kanya... gustong gusto ko na syang tulungan alam mo ba yun? Pero dahil sayo... dahil sayo kaya ko sya tinatanggihan.  Ginagawa ko na lahat ng kaya ko Blair. Lahat na Blair..." 

HIndi ko alam! Hindi ko alam ang sasabihin ko! Naguguluhan na rin ako sa sarili ko!

"Sige, gusto mo syang patirahin dito... kakayanin mo ba? Kakayanin mo bang nakikita sya?"  tanong nya sakin.

"Naawa ako sa kanya." yun na lang sinabi ko.

"Sana kasi naisip mo yan nung una pa... sana rin hindi ka naging immature sa pagiisip noon. Eh di sana hindi na ganito, Blair." 

Tama sya. Tama si Alfred. Kung hindi lang sana ako naging madamot noon eh di sana... sana hindi kami nagaaway ng ganito.

Natatahimik ako. Dahil tama naman si ALfred. Wala akong masabi. Napayuko na lang ako. Tanga ka talaga Blair. Tanga!

"Bahala ka na nga!" humiga sya at nagtaklob ng kumot.

BUmaba na lang ulit ako at bumalik sa kusina.

Nandun pa rin naman si Tricia. Saan pa ba naman sya pupunta?

Nagagalit tuloy ako sa kanya pero kapag nakikita ko naman ang kalagayan nya, naawa ako.

"I'm sorry, Blair. Wala akong masamang balak sa inyo ni Alfred. Wala naman talaga... yung pinagusapan natin dati tungkol sa pagiging Ama ni ALfred sa anak ko... napagusapan na namin ni Alfred ang tungkol dun... magpapa-DNA test kami once nalabas ang baby ko." 

"I already know that..." 

"Wag kayong magalala... you'll never see me walking around this house. Isipin nyo na lang na hangin ako dito... wag nyo akong alalahanin o pansinin." 

"We can't do that..." 

"Pero you have to. Nag-away na kayo ni Alfred agad kakarating ko pa lang." 

Yeah... tama ka...

"Another, Blair, can we be friends? Simula nung gumulo ang buhay ko nawalan na ako ng kaibigan... nawala na silang lahat." 

"Yeah sure..." 

SILENCE.

SILENCE.

SILENCE.

Hanggang sa...

"Tapatin mo ako, Blair. You have hard feeling on me right now, am I correct?" 

Nagulat ako sa tanong nya.

"I don't mind kung meron. Kung ako naman din ang nasa kalagayan mo, I would probably have the same feeling. Yung tipong gusto mo na akong patayin...." dugtong pa niya.

"Yeah... ganun na nga. Masama talaga ang loob ko sayo pero I know you're not a bitch, Tricia. HIndi kita kayang patayin o kung anuman... pero wala na akong magagawa. Palayasin man kita konsensya ko yun..." 

"Thank You, Blair." 

The next day as in kinaumagahan nun...

"MARTYR KA MARE?! " nakakabingi naman tong si Syn.

"No... I'm just helping her..." 

"Santa ka?! Are you a saint?!" 

"ANo ba Mare? Pwedeng hinaan yung boses? Hindi naman ako bingi... magkatabi lang tayo oh!" sabi ko sa kanya. I'm actually at her house... binisita ko lang sya kasi naman parang nung mga nakaraang chapters di ko man lang sya naramdaman.

"Eh kasi naman Mare... ang sarap mong kutusan ng ilang beses! Hay! Grabe talaga! Ang tanga mo!" 

"O sige ipagsigawan mo pa para marinig ka ng mga kapitbahay nyo..." 

"Mare, hindi mo ba nararamdaman? Manhid ka ba? Hindi, tanga ka na talaga. Kahit naman sabihin  nyang wala syang balak na masama sa pagtira nya sa inyo, hindi mo pa rin alam ang takbo ng utak ng babaeng iyon. Napansin mo na ba? Wala pa syang POV sa story na 'to!" 

"HIndi ko sya huhusgahan, Mare. ALam mo naman naging kaibigan ko rin sya nung college." 

"That's the point! Nung College pa lang inaahas ka na nya!" 

"That's not true!" 

"It is true! I'm telling you... kung ayaw mong magalit pa lalo o magtampo pa ulit sayo si ALfred, paalisin mo na si Tricia sa bahay nyo." sabi ni Syn with matching rolling in the deep este eyes pala.

SInermonan lang naman nya ako tungkol sa katangahan ko. Hay... feeling ko nga tanga na talaga ako.

Sunod ko namang binisita si Troy. Isa rin kasi sya sa mga hanging characters sa story... gusto ko syang makita. Gusto ko syang makausap. Buti na lang talaga at Sunday.

Pero nag-doorbell ako at mukhang wala namang tao. Tss... saan naman kaya yun pumunta?

Si Alfred kasi sinamahan yung Mommy nya pumunta sa kung saan. Ewan ko. Hindi nga nagpaalam sakin eh... si Mommy na lang ang nagsabi sakin na nagpasama sya kay Alfred.

Bibisita rin nag sana ako sa bahay kaso sumasakit na yung paa ko kaya I decided na umuwi na lang ako. Yep, naglalakad ako. Exercise na rin.

Natanaw kong may sasakyan sa tapat ng bahay namin. Hmm... kanino kaya 'to? Bago pa oh... wala pang plate number. Di ko tuloy mahulaan kung kanino.

Pumasok na ako sa bahay pero no traces of people sa loob. Si Manang kasi nasa kusina naman.

Si Tricia kaya may Bisita? Pupuntahan ko sana sya sa kwarto nya nang may narinig ako.

Naguusapa sila pero hindi ko maintindihan. More likely, pangungumusta lang naman. Pero bakit sa kwarto pa ni Tricia?

Kumatok ako saka pumasok.

Nadatnan ko lang naman dun yung taong hinahanap ko lang kanina.

"Troy? Anong ginagawa mo... dito?" napatingin ako nun kay Tricia na nakahiga sa kama at si Troy nakaupo sa sahig.

Ngumiti lang si Troy sakin saka sya tumayo at lumapit sakin. Niyakap at hinalikan ako sa pisngi. Casual na bati nya.

"Binibisita kita... kaso wala ka naman... nadatnan ko si Tricia sa may garden nyo na namimilipit na sa sakit kaya dinala ko sya rito sa kwarto nya." 

Nag-explain? Hinihingi?

"Ah.. Ok ka na ba Tricia? Wag kang masyadong mabigla gumalaw... muscle cramps yan." katulad nung nangyari sakin dati.

"Yeah... Thank you nga pala, Troy." sabi ni Tricia.

"No Problem..." ngumiti lang si Troy.

===============

Nagbabalik si TROOYYYYY! :) nawala sya eh.. pinahanap ko muna sa otoridad. :)

Continue Reading

You'll Also Like

24.2K 911 43
Embrace Me: Book 2 I have been living with lies whole my fucking life.
3M 37.3K 43
[Bachelor Series 1: Gavin Andrano] Hi! My name si Gavin Zachary Nathaniel Andrano, a handsome business man that stuck on a arrange marriage. And beca...
2.3M 58.7K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.8K 3.4K 43
𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐭𝐢𝐠 𝐧𝐠 𝐥𝐞𝐭𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐚𝐤𝐢𝐛𝐚𝐭 𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐮𝐫𝐮𝐬𝐚 𝐥𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐚𝐚𝐥𝐚 𝐢𝐥�...