HAPPY NEW YEAR, EVERYONE! THANKS FOR THE 4K READS. :) BAL YOU DEES~
********
Entice's POV
"Ano bang paguusapan natin?" tanong ko. Malayo parin ako sakanya at wala akong balak na lumapit pa.
Jin looked at the flower that he bought. "Please take this flower." he exclaimed. Medyo nagdalawang isip ako sa sinabi ni Jin Oppa kaya hindi ako nakakibo.
He smirked, "May tatanong lang sana ako sayo, Entice."
Napalunok naman ako sa inaaksyon ni Jin Oppa. Never ko pa siyang nakitang ganto. Masayahin si Oppa at puro kalokohan ang ipinapakita niya sa camera. Medyo lumalakas ang hangin sa rooftop kaya inayos ko ang buhok ko.
Nilagay ko sa likod ng aking tenga ang mga buhok ko na sagabal sa aking mata.
"Anong meron kay Taehyung na wala ako?"
I froze. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Oppa. Alam kong nasasaktan siya pero kung ipagpapatuloy niya pa 'to, mas lalo siyang masasaktan. He is now crying and it's breaking my heart.
I love Jin Oppa, he became a brother to me. Nung iniwan ako ni Taehyung, siya ang tumayong Tatay kay Leo. Kaso, hindi mutual ang nararamdaman ko sakanya.
Dahil, mahal na mahal ko si Kim Taehyung.
"Oppa, i'm sorry. Alam mo naman diba? I love Taehyung." i said.
Humigpit ang hawak niya sa bulaklak, "Do you really think that i still care, Entice!? I own you!" sigaw niya at hinigit ako.
Napatili naman ako nang sinira niya ang suot kong damit. Pinilit ko siyang itulak, nanginginig na ang mga braso ko.
Natulak ko siya ng malakas kaya nakahinga ako, "Nahihibang ka na!" sigaw ko.
He didn't say anything. Ang naririnig ko lang ay ang paghinga naming dalawa. Mas lalong lumakas ang hangin kaya natakpan ng buhok ko ang mukha ko.
"Nauna ako kay Taehyung. Nauna akong magkagusto sayo. Diba alam mo naman na pinaasa ka lang niya noon? Na deal nila 'yon ni Jimin?" ani Jin.
Hindi ako nakakibo sa sinabi ni Oppa. Oo, alam ko 'yon. Sinabi yun saakin ni Miranda pero nagbago naman si Taehyung. Pero hindi ko idedeny na nasasaktan ako kapag naiisip ko yung stupid deal na 'yon.
Feeling ko pinaglaruan niya lang ako pero may anak na kami ngayon and we're happily married. Pero, pumunta siya sa ibang bansa. Nung mga wala siya sa piling namin ni Leo, kasal parin kami sa mata ng batas at hindi kami nagfile ng divorce.
"Oo. Nagbago siya, Oppa." sagot ko naman.
Oppa laughed, "You know nothing about him." aniya.
Nasaktan ako sa sinabi ni Jin Oppa. "Ano pa bang hindi ko alam sakanya, Oppa!?"
"NABUNTIS NIYA SI ALEX SA STATES!"
Natigilan naman ako. Nanginginig ang katawan ko at automatic na tumulo ang luha ko. Umiling-iling ako. Hindi! Mali lang ang narinig ko. Kami lang ang pamilya ni V.
Hindi buntis si Alex. "No!" sigaw ko at bumaba. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero nakabalik ako kela Taehyung.
Nakita ko silang nagtatawanan. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. Lumapit ako kay Taehyung.
"Let's talk."
Napalingon naman siya saakin, "Ok. Kookie, hawakan mo muna si Kim Leon ko."
Tumawa naman si Leo. Hinawakan ni V ang kamay ko at sabay kaming lumakad papunta sa beach. Umupo kaming dalawa sa buhangin. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang conversation naming dalawa.
Ayoko rin naman siyang biglain. Vacation 'to, dapat magiging okay ang lahat. Kumbaga, pahinga narin nila ito sa trabaho nila. Alam ko namang pagod na pagod na sila but papalakihin ko pa ba ang problema na 'to? I don't want to judge yet.
Hindi ko pa alam ang totoo, "Taehyung," tawag ko. "Buntis ba si Alex?"
Lumingon naman saakin si Taehyung at nagkibit balikat, "I don't know. Wala naman akong naririnig na balita mula sakanya since nung umalis siya sa bansa." sagot ni Taehyung.
Nakahinga naman ako ng malalim. Tumayo ako. "Kukuha lang ak-"
"Paano kung buntis talaga siya, Entice? Paano kung ako yung Tatay? Iiwan mo ba ako?"
Natigilan ako.
*****
"Girl! Stop crying!" sigaw ni Jasmine. Hinahagod naman ni Ann at Miranda ang likod ko.
Sumimangot si Miranda, "Ayoko na talaga kay V! Tatlong beses niya ng binigo si Entice! No way!"
"Miranda!" suway naman ni Ann.
Naiintindihan ko naman kung ayaw na nila kay Taehyung. Pero, sana alam nila na hindi ko basta basta bibitawan si Taehyung kahit nabuntis niya si Alex. Hindi lang ako nasasaktan para sa sarili ko, para rin kay Leo.
Ang hirap lumaki ng may ganun. Matalino si Leo at alam kong anytime malalaman niya 'to. I can't handle it!
Umiiyak lang siya without a reason, natataranta na ako. What should i do?
******
Taehyung's POV
"HYUNG! BAKIT MO SINABI!?" sigaw ko kay Jin Hyung at sinuntok siya ng malakas. Agad naman akong pinigilan nila Jhope Hyung.
Hawak hawak nila ang braso ko, "Yah! Tama na, Taehyung!" sigaw ni Jhope Hyung.
Unti unti ng tumulo ang luha ko. "Bakit, Taehyung? Kasi wala kang balak sabihin sakanya? Itatago mo? Sinira mo lang naman ang buhay ni Entice eh. Lalo na ang buhay ng anak mo!" bulyaw ni Jin Hyung.
Mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabi ni Hyung at lumakas pa ang iyak ko, "Sa tingin mo gusto ko 'to?"
Pinaupo naman ako nila Hyung. They told me i need a break. Hindi ko naman sinasadya na buntisin si Alex eh. Akala ko Girlfriend ko talaga siya nung nasa States kami. Wala akong alam na may Pamilya pala akong naghihintay dito sa Pinas.
I don't know anything! Sht. Binigyan na nga ako ng chance ng pamilya ni Entice and i messed up again. Fck my life. "Look, i know that Entice will understand." sabi ni Suga Hyung.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Suga Hyung. Oo, maiintindihan niya nga pero nasasaktan parin siya. Tumayo ako at naglakad palabas.
Gusto ko lang mapagisa. I'm just useless. Wala na akong nagawang tama sa Pamilya ko. Iniwan ko na nga sila, sinasaktan ko pa. Ano nalang kaya ang tingin sakin ng Anak ko? Walang kwenta? Manloloko?
Anong tingin saakin ng pamilya ni Entice? Ng friends niya? Nila Hyungs? Umupo ako sa sands nang biglang tumunog ang Phone ko.
"Taehyung? Hinahanap ka na ng Anak mo."
*******
Entice's POV
"Mommy! Magsiswimming na po kami nila Tita Jasmine." paalam ni Leo.
Tumango nalang ako at pilit na ngumiti, "Ok, Baby. Ingat kayo!" sabi ko at kumaway. Pagkaalis nila, bumuntong hininga agad ako.
Dumungaw ako sa bintana at nakita ko ang BTS na naguusap-usap. Wala nga lang si Taehyung at Jimin. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Kinuha ko ang bag ko at kinuha anv Phone ko.
Taehyung: Entice. Please.
Taehyung: Let me explain, Baby.
Taehyung: I miss you. Let's talk please.
Naluha ako nang nakita ko ang texts niya. Oo, sobrang sakit nung nalaman ko na nabuntis niya pala si Alex. Pero, mas nasasaktan ako na nakikita ko siyang ganto. Kailangan ko siyang makausap.
Walang mangyayari kung magkukulong lang ako sa kwarto ko. Tumayo ako at nagsipilyo. Nagsuot ako ng sweater at lumabas sa Room namin.
Bago ko kinatok ang kwarto nila, huminga muna ako ng malalim. Lord, please. Please.
Tae, please open the door. I knocked. Bumukas ang pinto at nakita ko si Jimin. I smiled pero medyo nagulat siya.
"J-Jimin? Andyan ba si V?" tanong ko kay Jimin.
Umiling lang si Jimin at yumuko.
"Entice. Nasa Airport siya."
I froze. Nanlaki ang mga mata ko. He made me realized my fear. Eto yung nangyari Three years ago. Iiwan niya nanaman ako. Why? Bakit? Umiling ako.
"No.. Where's Taehyung!?" sigaw ko.
Pinalo-palo ko ang dibdib ni Jimin. Nasaan si V? Napahagulgol ako. I'm too late.
"ENTICE, HE'S GONE! NAKASAKAY NA SIYA NG EROPLANO!"
Now, i know that it's my fault and i'm too late.