Isla Verde #4: Too Far Away

By cinnderella

3.8M 117K 28.9K

WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFEC... More

Too Far Away
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
To: Readers

Kabanata 33

76.2K 2.5K 443
By cinnderella


Kabanata 33

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone sa bedside table, huminga ako ng malalim at napangiti. Maingat kong kinuha ang cellphone, Cali was sleeping soundly while embracing me. Ang kanyang mga braso at hita na mabigat ay nasa aking katawan nakapalupot.

Sinagot ko ang tawag ni Rekta.

"Good morning, where are you?" malamig niyang bungad.

Kumunot agad ang noo ko at nilingon si Cali, himbing pa rin siya at parang hindi magigising kahit maglikot pa ako.

"Andito ako sa apartment mo," he stated when I didn't respond.

Napasinghap ako, gustuhin ko man mapaupo ay hindi ko magawa dahil sa takot na magising si Cali. Alas tres ng madaling araw na kaming nagpasyang matulog, naglakad-lakad pa kami sa ibaba para magpahangin.

"What?" I hissed. "Hindi mo sinabi na ganito kaaga ang dating mo-"

He cut me off. "Hindi mo sinabi na hindi ka umuuwi ng apartment mo."

"Ano? Ngayon lang! Uuwi din ako, I'm sorry. Hindi kita nasundo."

What the heck? Hindi ko alam na ganitong oras ay narito na siya sa Maynila. Alas singko pa lang at dalawang oras pa lang ang tulog ko, and why did he get in my apartment first?

May condo naman siyang sarili at mas maganda kung doon siya makakapagpahinga, wala namang aircon sa bahay. Maiinitan pa siya roon. Oh my gosh, I miss Rekta but this is not the right time.

Tulog si Cali at ayaw ko siyang magising ng ganito kaaga, dalawang oras palang ang tulog niya.

"As if you have a car, tss. Nasaan ka nga?" iritado niyang tanong. "Iniiba mo ang usapan. Saan ka nakitulog ngayon? Kay Kellie? Pola?"

Suminghap ako at kinagat ang aking ibabang labi, Cali moved a bit. Naalarma agad ako, hindi naman siya nagising pero lalong sumiksik sa aking leeg. I gently caressed his hair, I pouted.

"Mamaya na tayo mag-usap, Rekta. Uuwi ako ng alas otso, I promise! Inaantok pa kasi ako. Magpahinga ka muna diyan, I'll get you something to eat later. Okay?"

He sighed heavily. Napahinga din ako ng malalim dahil sa guilt, hindi ko man lang siya mapuntahan ngayon. I should be making him milk or something for breakfast now.

"I miss you..." he said. "Makikitulog muna ako rito, ah? I'll wait you. Take care."

Napatango ako nang maibaba na niya ang tawag. Binalutan din ako ng kaba dahil baka makita siya ni Cali roon, hindi ko naman mapipilit ito na huwag akong ihatid.

I'll try... later. Sana pumayag. Kailangan ko rin munang pagkasunduin sila ni Rekta, hindi naman pwede na magkaalitan silang dalawa.

I need to talk to Rekta, ayaw ko na rin magsinungaling pa sa kanya tungkol kay Em. Hindi na kinakaya ng konsensya ko, pero ilang taon ko na nga bang naitago iyon at bakit ngayon lang ako nakonsensya?

Am I that selfish? Naging selfish ba ako ng ganoon katagal sa kagustuhang hindi mawala si Rekta sa tabi ko? Dahil alam ko na mawawala siya sa tabi ko oras na mahanap niya si Embry kaya natiis ko rin na huwag sabihin ang lahat.

What the hell... I cannot believe it.

My heart hurt. Naalala ko ang mga taon na magkasama kaming dalawa pero walang oras na naisip kong ipaalam sa kanya ang lahat-lahat ng iyon dahil naging selfish ako. Dahil gusto kong nasa tabi ko lang siya.

I'm sorry, Rekta.

Ang sama ko para magawa ang ganoon, pero si Embry naman ang humiling noon. I respected her decision, nagsabi siya sa akin ng sikreto kaya dapat kong itago, 'di ba?

But freaking damn, Rekta became my shelter for years. Sobrang nakakaipit din pala ang lahat ng nagawa ko kapag naiisip ko ngayon, may parte sa akin na nagsasabing selfish ako at ayaw pakawalan si Rekta noon at meron ding parte na nirespeto ko ang kagustuhan ni Em.

We really need to talk. I'll make it right.

Sana ay makatulong pa rin ako sa kanya na mahanap si Em, alam ko naman kung nasaan si Em pero hindi ko na sigurado kung sasabihin niya pa rin kung saan siya lilipat dahil sa nangyaring nakita niya si Rekta sa Greece ay malamang iniisip niyang sinabi ko kay Rekta na naroon siya.

Nakatulog ako ng umagang iyon at nagising ng alas sais dahil sa paggalaw ni Cali, ganoon rin. Isang oras lang ang naidlip ko. Pero kahit ganoon ay hindi ko naman naramdaman na kulang ang tulog ko.

Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Nabungaran ko agad ang mukha ni Cali, nakatagilid siya para matitigan ako. Ang kanyang kamay ay nakatukod sa sentido niya habang nakatingin sa akin.

Halos mangamatis ako sa pula dahil sa pagkahiya. Nagkatinginan kami ng ilang segundo at para na akong malulunod dahilan ng pag-iwas ko ng tingin.

He chuckled huskily.

"Someone called you."

Nanlaki ang mga mata ko at muling napaharap sa kanya.

"Sino?"

"I don't know, unknown number. Hindi ko nasagot dahil nawala rin." he declared.

Napasinghap ako. Kukuhanin ko na sana ang cellphone sa gilid pero hinila na ako ni Cali para yakaping muli. Napahagikgik ako sa kiliti ng kanyang paghinga sa aking leeg.

"I'm fucking in love..." he whispered on my neck, he planted sweet kisses.

Napanguso ako at napapangiwi dahil sa kiliting dala ng kanyang labi. We've kiss a lot, pero hindi pa rin nababago ang pakiramdam noon sa akin.

Nakakakiliti pa rin at nakakakuryente, my heart would beat faster everytime he kissed me. Masyadong kakaiba ang epekto ni Cali kumpara sa mga oras na iba ang humahalik sa akin.

Ramdam ko iyon, kapag iba ang humalik ay kabado ako at takot kay Cali. Naiisip ko na siya lang dapat ang gumagawa noon sa akin.

"Cali," I gently called, humawak ako sa kanyang buhok at marahang hinaplos iyon.

"Hmm?" he hummed.

Ang init ng kanyang paghinga sa leeg ko ay napakasarap sa pakiramdam, lalo na at malamig ang buong silid.

"Uuwi na ako."

Napahinto siya sa paghinga at paghalik sa leeg ko, umahon siya mula roon para matitigan ako. Kunot ang noo niya at nalilitong tumingin sa akin.

"Maaga pa." he drawled huskily.

"E, kailangan ko ng umuwi. Huwag mo na rin akong ihatid, pwede naman akong bumalik mamaya kung ayos lang?" I said shyly.

Iyon lang ang naisip kong sabihin para hindi siya mag alangan at mag-isip ng kung ano sa pag-alis ko.

Knowing Cali, he wants assurance. Kaya babalik na lang ako mamaya para ipagluto siya ng tanghalian, sa ngayon ay si Rekta ang kailangan kong kausapin muna.

Hindi ko magagawa iyon kung kasama si Cali sa apartment, baka mag isip na naman siya na nobyo ko si Rekta.

His lips pursed, he looked away and snaked his arms around my waist again. Pabagsak na humiga siyang muli at tumulala sa ceiling. Mukhang may iniisip.

I inhaled heavily. Damn, I don't want to see him like that. Parang ayaw akong paalisin na sumasabg-ayon naman ako kung ganyan ang makikita ko.

"It's too early..." he sneered. Nilingon niya ako. "And you're always welcome here, kung gusto mo ay lumipat ka na rito."

Nalaglag ang panga ko. Tumawa siya sa reaksyon ko kaya hinampas ko siya sa dibdib, he moved to hugged me again and rested his chin on my blades. Humalik siya ng magaan doon.

Ngumuso ako at hinalikan siya sa ilong. His lips twitched a bit, suppressing his smile.

"Sige na, Cali. Uuwi na muna ako. Let's just text."

"Let's eat first." he said.

"Hindi na, kailangan ko na talagang umuwi muna, Cali."

Gustuhin ko man na magkasabay kaming mag umagahan ay hindi pwede dahil nagsabi na ako kay Rekta na dadalhan ko siya ng umagahan. Cali and I can eat anytime, pero ngayon ay si Rekta muna.

"Bakit ba sobrang aga?" he whispered. "You can go home later, lunch. May pasok ka ba? I know your schedule, alam kong wala kaya 'wag kang magsisinungaling."

Napasinghap ako sa gulat. Nagtanong pa siya kung siya rin pala ang sasagot sa mga pinagsasabi niya.

"What!? Paano mo nalaman? You stalker! Saan ka kumuha ng imbestigador mo, huh?" panunuya ko sa kanya.

I can't believe him! Wala nga talaga akong pasok ngayon, hindi ko alam kung paano niya nalaman ang ganoong pribadong bagay. Hindi naman siya masyadong stalker, ano?

He just shrugged.

"The owner is a friend."

"What? Sino? Si Benz?"

He frowned. "He's managing Rocket's agency now?"

Ngumuso ako at tumango. Gustong gusto kong titigan si Cali ng isang buong araw lang na hindi magsasawa kahit kailan, kulang pa ang isang araw para doon.

I want to memorize him again. Marami nagbago sa kanyang mukhang nakabisado ko noon, naiinis ako dahil mas dumepina ang ganda ng kanyang mukha ngayon.

Mas naging lalaking lalaki at sigurado akong maraming kumakabisado noon sa kanyang paligid. I felt so annoyed thinking about his girls for the past years of being away.

"No, not Benz. I just asked Rocket about you. He's the owner."

Suminghap ako. Kung ganoon si Rocket? Paano mangyayari 'yon? Bantay sarado sa Misis niya iyon, baka ng isang banggit lang ng pangalan ng ibang babae roon ay masaktan na siya ng pisikal.

Napangiwi ako at nailing.

"Seriously, Cali? You have so many connections! Kaya ka pala nakakapang stalk!"

Humalakhak siya at hinila ang baywang ko, tinuko ang ilong sa aking buhok at doon suminghot.

"Of course," he said.

Pinagbigyan ko si Cali na ihatid ako nang alas siyete sa apartment, hindi naman siya namilit na bumaba pa ng sasakyan pero alam kong nagtataka siya at ayaw lang magtanong.

Ewan ko ba, tuwing nakikita ko ang kalituhan kay Cali ay nababagabag ako. Ayaw ko na ganoon siya, parang lahat ng bagay ay kailangan kong sabihin dahil hindi naman siya palatanong sa 'di ko malamang dahilan.

Hindi ko alam kung wala lang ba siyang pake o natatakot magtanong.

Ngumiti ako sa kanya at tinanggal ang seatbelt ko.

"Drive safely, magtext ka kapag nakauwi ka na." I said.

Sumimangot siya at sumulyap sa labas ng bintana kung saan ang apartment building. Huminga siya ng malalim at tumango sa akin.

"You have a visitor..." he stated coldly.

Napapikit ako ng mariin. Damn, I can't lie! Ramdam niya iyon, kahit wala naman akong nakitang sasakyan ni Rekta sa paligid ng Celestina.

"Y-Yes, w-we'll just talk." nauutal at pabulong kong paliwanag.

He sighed, his jaw clenched a bit and nodded.

"No kissing?"

"No kissing." I assured. "Kakausapin ko lang siya, may kasalanan din kasi ako."

Pinapaliwanagan ko lang siya, sa palagay ko naman ay naiintindihan niya ang simpleng mga paliwanag ko.

Huminga siya ng malalim.

"Alright," he said. "I'll wait for your text. You said you'll be with me on lunch."

Tumingin siya sa akin, tinatantya ang aking reaksyon. Ngumiti ako at tumango sa kanya dahil sigurado naman iyon, magpupunta ako sa kanya mamayang tanghalian.

Kumamot siya sa makapal niyang kilay at nagbuntong hininga. He leaned closer and gave a peck on my lips. I was surprised, damn it. Palagi nalang.

"I love you." he mumbled thickly.

Huminga ako ng malalim at napanguso para pigilan ang ngiti, tumango lang ako sa kanya bago lumabas ng sasakyan. Isang tingin pa ang ginawad ko sa kanya bago isara ang pintuan.

Dumiretso na ako papasok ng gate, doon ko palang narinig ang pag-alis ng kanyang sasakyan. I immediately took my phone out and typed a text.

Ako:

I'll be back on lunch. Take care, text me when you're home.

Napahugot ako ng malalim na hininga habang binubuksan na ang pintuan ng apartment, pagkapasok palang ay amoy Rekta na ang buong unit ko.

Nalingunan kong bukas lamang ang pintuan ng kwarto kaya doon ako tumungo agad, nilapag ko ang pares ng sapatos sa pintuan habang nakatingin kay Rekta.

He was hugging my yellow hotdog pillow, sleeping soundly. Mukhang pagod sa kanyang byahe, nakatali ng magulo ang kanyang buhok at wala siyang pang-itaas na damit kundi boxer shorts lang na Calvin Clein.

He really looks like a famous model of all. Masyadong gwapo sa simpleng kasuotan, hindi na nakakataka na nakakaani siya ng maraming pera dahil sa kanyang kabuuan. Kahit nga ata hindi siya magpakita ng katawan ay maraming magbabayad sa kanya ng mataas.

Kumuha ako ng damit sa closet para makaligo muna, hindi ko iistorbohin ang pagtulog niya. Maya-maya ay magigigising din iyan kapag nakaramdam. Pagkatapos kong maligo ay nagluto naman ako ng almusal niya at nagtimpla ng gatas.

I'm thinking how would I tell him about Embry. Gusto kong sa maayos na paraan, gusto kong maintindihan niya at hindi siya magalit sa akin. Kung sasabihin ko sa kanya ng diretso ay maaring magulat siya.

He would be surprised that I hid it for a long time, ngayong may Cali ako ay saka ko lang sasabihin. That's one of a selfish move, really. Hindi ganoon ang gusto kong maisip niya kung bakit ko tinago ang lahat.

Natigil ako sa pag-iisip at paghahalo ng gatas nang madinig ko ang yabag. Nilingon ko agad iyon, kusot ni Rekta ang kanyang mga mata habang nasa hamba ng pintuan.

Napairap agad ako nang makita ang kabuuan niya. 

"Pwede ba? Itago mo naman 'yan!" I hissed.

Napatigil siya sa pagkukusot ng mga mata at takang tumitig sa akin. Naniningkit ang mga mata niya dahil sa kakagising lamang, he frowned and started walking towards me.

"Ngayon pa ba, Seashell? Sa araw-araw, ngayon mo pa talaga naisipang ipatago 'to." nanunuya niyang sabi.

Iniwas ko agad ang tingin at bumaling sa lamesang nasa harapan ko. Ang mga niluto ko ay nakahain na roon at uupo na lang siya para kumain.

"Where did you sleep?" humila siya ng upuan at naupo roon.

Tinitigan ko siya, nakatitig rin siya sa akin at parang chinicheck ang kabuuan ko. Huminga siya ng malalim bago ngumuso, pinilig niya ang kanyang ulo.

"Sa condo."

"Nino?"

"Cali."

Lumukot agad ang mukha niya, nagulat ako sa mabilisan niyang pagtayo. Tumumba pa ang upuan dahil sa pagtayo niya, he immediately held my chin.

Halos iikot niya ang buong katawan ko ng ilang ulit habang nagmumura ng maliliit.

"Fuck it. What, why did you, ugh! What? Saan? Nasaan ang lalaking 'yon? What the hell, Tiana Ashiel! What happened? Bakit ka nakitulog!" he was hissing.

Suminghap ako at iritadong tinulak siya.

"Rekta! You looked stupid! Walang nangyari, natulog lang kami! Ano ka ba? 'Tsaka 'di ganoon si Cali! Iyang isip mo talaga! Palibhasa gawain mo!"

Napaka OA ni Rekta. As if naman gagawin ko ang ganoong bagay ng ganoon kadali, matagal kong iningatan ang sarili ko at hindi ko agad ibibigay ang katawan ko! May dignidad naman ako kahit paano.

Padabog ko siyang inirapan, humila ako ng upuan. Nanatili siyang nakatayo roon habang nakamatyag sa aking kilos, muli ko siyang tinaliman ng tingin.

He sighed heavily and sit down in front of me.

"Don't sleep with him, again! Sa ngayon wala pa, pero paano sa susunod, ha? Stop trusting anyone that easy! Matagal na kayong magkakilala pero hindi ibig sabihin noon ay hindi n'yo magagawa ang bagay-"

"Shut up, Reion Hontiveros!" nag iinit pisngi kong sigaw. "Ugh! Nakakainis ka, hindi ko pa gagawin ang ganoong bagay lalo na't hindi pa kami kasal!"

Cali is not that kind, too. Maaring, oo. Manyak siya, pero hindi naman siguro siya advantage taker! Tss.

Ngumiwi siya sa sigaw ko, he gulped and nodded a bit. Kumamot siya sa kanyang batok at ilang beses bumuga ng hangin bago umupo.

"Good then, kakain muna ako. I miss your cook!" he smirked. "He should marry you first before everything."

I mockingly laugh.

"Oo na! Kumain ka na! Puro ka rin kalokohan!"

I miss having this conversation with him. Sigurado akong malilimitahan na ito ngayon, hindi na kami magkakasama ng ganito at makakapagkulitan ng madalas gaya noon.

Hay, Ashiel. Just tell him about Em.

Natapos siya sa pagkain ng marami, halos siya ng umubos ng lahat ng niluto kong umagahan samantalang ako ay tinapay lang ang kinain. Sumimsim siya sa gatas at tumitig sa akin.

Huminga ako ng malalim.

"Rekta..." panimula ko.

He cut me off. "I found her..."

Namilog ang mga mata ko kasabay ng pagkalaglag ng panga habang nakatitig sa kanya.

"W-What!?" I stuttered.

What the hell? Hindi ako tanga pero nakakatanga ang biglaan niyang pagkakasabi. Kumalabog ang dibdib ko.

He smiled a bit.

"I found her, Shell."

Continue Reading

You'll Also Like

16K 351 122
Chat Novel #5 Serafina Beatrice Evalingesta have a long time crush to a handsome man named Dexter Leoxx Gonmaza. She became a stalker just to know a...
59.8K 2.8K 10
The ASSthetics Band #1
1.5M 58.6K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...