MAYWARD fanfic: Lihim (comple...

Por ghetotzkie

217K 11.5K 2K

This story is dedicated to all MayWard fans.. Spread MayWardnatics and spread love.. P.s: Para sa mga malilig... Mais

Introducing: MayWard
Chapter 1- May May
Chapter 2- Utot
Chapter 3- Miss Makulit at si Mister Sungit
Chapter 4- Gym/Canteen
Chapter 5- Marco!
Chapter 6- The Mystery Girl
Chapter 7- Test paper!
Chapter 7.2 - Part 2/ Sino?
Chapter 8- Lito
Chapter 9- Kaibigan
Chapter 10- Library
Chapter 11- Operation #1 IWAS
Chapter 12- Operation #2 Match Maker
Chapter 13- Miss Campus 2016 (part 1)
Chapter 13- Miss Campus 2016 (part 2)
Chapter 13- Miss Campus 2016 (last part)
Chapter 14- Camera
Chapter 15- Kristine
Chapter 16- I'm sorry
Chapter 17- Mcdonalds
Chapter 18- Unknown Number
Chapter 19- Pitik
Chapter 20- Text Message
Chapter 21- Vivo and Kiss
Chapter 22- Kuya???
Chapter 23- Tsokolate!
Chapter 24- Stay away..
Chapter 25- Trip (part 1)
Chapter 25- Trip (part 2)
Chapter 25- Trip (last part)
Chapter 26- Apply ng work
Totz Epz!
Chapter 27- Kidnap!
Chapter 28- Bakit?
Chapter 29- Takbo
Chapter 30- Saving Her (part 1)
Chapter 30- Saving Her (part 2)
Chapter 31- Gising..
Chapter 32- Dagat/Puntod
Lihim 2- Chapter 1- Simula..
Lihim 2: Chapter 2- Got new job!
Lihim 2: Chapter 3- Mystery Guy..
Lihim 2: Chapter 4- Edwardo..
Lihim 2: Chapter 5- Hurt
Lihim 2: Chapter 6- Miss Secretary
Lihim 2: Chapter 7- The Girlfriend..
Lihim 2: Chapter 8- Lasing..
Lihim 2: Chapter 9- San Martin (part 1)
Lihim 2: Chapter 9- San Martin (part 2)
Lihim 2: Chapter 9- San Martin (part 3)
Lihim 2: Chapte 10- The bestfriend..
Lihim 2: Chapter 11- pool
Lihim 2: Chapter 12- The talk
Lihim 2: Chapter 13- Sugat..
Lihim 2: Chapter 14- La Union (part 1)
Lihim 2: Chapter 14- La Union (part 2)
Lihim 2: Chapter 14- La Union (last part)
Lihim 2: Chapter 15- Pagbabalik..
Lihim 2: Chapter 16- The fight (part 1)
Lihim 2: Chapter 16- The fight (part 2)
Lihim 2: Chapter 16- The fight (part 3)
Lihim 2: Chapter 16- The fight (last part)
Lihim 2: Chapter 17- Two years later..
Lihim 2: Chapter 18- Home..
Lihim 2: Chapter 19- Kontrata
Lihim 2: Chapter 20- love letter..
Lihim 2: Chapter 21- breakfast..
Lihim 2: Chapter 22- Jealous!
Lihim 2: Chapter 23- First day of being couple..
Lihim 2: Chapter 24- Opisina..
Lihim 2: Chapter 25- End??
Lihim 2: Chapter 26- Happy Monthsary!
Lihim 2: Chapter 27- Wakas (part 1)
Lihim 2: Chapter 27- Wakas (last part..)
Special Chapter
Pa-epz si Totz!
Lihim 3: Chapter 1- Simula..
Lihim 3: Chapter 2- Amaya..
Lihim 3: Chapter 3- Ulan..
Lihim 3: Chapter 4- Little sissy..
Lihim 3: Chapter 5- Calls..
Lihim 3: Chapter 6- Paulo..
Lihim 3: Chapter 7- Kopya..
Lihim 3: Chapter 8- Pregnant (part 1)
Lihim 3: Chapter 8- Pregnant (part 2)
Lihim 3: Chapter 8- Pregnant (part 3)
Lihim 3: Chapter 9- Hospital
Lihim 3: Chapter 10- Conde..
Lihim 3- Chapter 11- Opisina..
Lihim 3: Chapter 12- Resto..
Lihim 3: Chapter 13- Bunyag 1
Lihim 3: Chapter 13- Bunyag 2
Lihim 3: Chapter 13- Bunyag 3
Lihim 3: Chapter 15- My Dearest Friend
Lihim 3: Chapter 16- Magkapatid...
Lihim 3: Chapter 17- End???
Lihim 3: Chapter 18- Dalamhati...
Lihim 3: Chapter 19- MayWard..
Lihim 3: Chapter 20- End means New life...
Special Chapter: Luke Conde
Totz epz!
Soon!

Lihim 3: Chapter 14- Dakip

1K 63 11
Por ghetotzkie


Pa-epz si Totz!

Aga kong umepal. Hehe

Senya ngayon lang po ulit ako naligaw dito.. emo mode kasi ako nung mga nagdaang mga araw. Alam niyo sa lablyf minsan kailangan din magdrama. Hehe

Last six chapters na po tayo?? Opo magtatapos na ang ending na nauna pa atang sumagi sa magulo kong utak. (Iyong last chap talaga naisip ko..hehehe)

Thanks po ulit ng marami-rami. Senysya na sa mga mali-mali kong mababasa niyo diyan, sanayan lang 'yan. Hehehe

Spread love...

Spread MayWardnatics




















Amaya's POV

"Ano na kamusta pinapagawa ko?" Tanong ko sa kabilang linya.

[Nandito na po kami boss... Inaabangan nalang namin si sir Ronnie] sagot ng nasa kabilang linya.

"Okay... Iyong bilin ko. Ayokong pumalpak kayo!"

[Areglado bossing!]

Pinatay ko na ang tawag.  Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin saka ako nagpasyang lumabas ng banyo.

Inagahan ko talaga ang pagpunta sa opisina. Mangilan-ngilan pa lamang ang mga nakikita kong empleyado na pakalat-kalat dito sa gusali.

"Amaya tawag ka ni Sir.."

"Amaya talaga? Hindi ka ba marunong guma..."

"Hinihintay ka na niya.. A..maya."

Tatalakan ko sana ang matandang sekretarya ni Ed ng biglang talikuran ako nito.

"Bwisit talaga ang babaing 'yon. Humanda siya kapag ikinasal na kami ni Ed.. tsk!!"

Naglakad na ako papuntang opisina ni Edward, ayokong pinaghihintay ang taong mahal ko. Sapat ng ako na 'yong naghintay para matupad aming pagmamahalan.

Teka nga ang aga ko dito.. mas maaga pa pala ito. Ilang araw ko na rin itong hindi nakikita at nakakausap.

Inayos ko muna ang sarili ko nang matapat na ako sa opisina ni Ed bago ako pumasok. Kahit hirap na hirap na ako sa pagbubuntis ko okay lang para 'to sa pamilyang bubuuin namin.

Hindi na ako nag-abala pang kamatok. Siyempre ganito ang future wife may access sa lahat ng bagay lalo na sa kompanya ng future husband to be ko.

Nakapaskil ang matamis kong ngiti ng mabuksan ko ang pinto at makapasok ako ng tuluyan sa loob ng opisina ni Ed... ngunit agad ding naglaho ang aking ngiti ng makita ko ang babaing sumisira ng lahat.

"Anong ginagawa mo dito?!!!  Ed! anong ginawa ng babaing iyan dito?!!" Galit-tanong ko.

"Chill.. ang aga-aga naman para diyan" sagot ng babaing prenteng nakaupo sa dapat inuupuan ni Ed.

"Wife..."

"Bakit Ed?" Nakangiting tanong ko sa lalaking mahal ko.

"Wife daw hindi 'yong kumakabit.."

Bumalik ang tingin ko kay May.

"Anong sabi mo?!!"

Susugurin ko sana ito ng mabilis na magpunta sa may gawi ko si Ed para harangin ako.

"Ed paalis mo ang babaing iyan dito.. nakakasama siya samin ng anak mo.." pakiusap ko kay Ed.

"Talaga.. dapat pala nagkikita tayo hanggang sa panaginip mo kung nakakasama pala ako sa paningin mo.."

Kumulo ulit ang dulo ko sa babaing walang tabas ang bibig kong magsalita.

"Ed tignan mo!  Gusto niya talagang patayin kaming mag-ina mo."

"Just shut up! Umupo ka nalang para makapag-usap na tayo."

Tumingin ako kay Ed, sa akin ito nakatingin.

"Ed..."

Naglakad si Ed papunta sa may likuran ni May at humawak sa balikat nito.

Tinapunan ko ng masamang tingin si May ng ngumisi ito sa akin.

Hindi ako papayag na matatalo ako dito.
















Maymay's POV

Ang laki ng ngisi ko ng maglakad papunta sa likuran ko si Edwardo.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ni Tin este Amaya sa'kin.

Kitang-kita ko ang pagpipigil nito sa sarili nitong magalit ng tuluyan. Paano kasi nandito si Edwardo.

"Relax... Gusto lang naming ipamalita sa iyo at nagkasundo kami ng ASAWA KO na aampunin namin ang bata." Panimula ko.

Naramdaman ko ang pagdiin ng kamay ni Edwardo sa balikat ko. Nabigla siguro ito sa mga sinabi ko dahil wala kaming napag-usapan bago kami magpunta dito.

"Anong sabi mo?!!" May kataasang boses na sabi ni Amaya.

"Ang sabi ko napag..."

"Hindi porket nawala ang sayo, nang-aangkin ka na ng hindi iyo.." agarang putol nito sa'kin.

Napatigil ako sa sinabi nito.

"Ano ha? Akala mo siguro parang laruan lang ang anak kong ipapasa ko lang sayo. Kung naging mabuti ka lang sanang ina, 'di sana buhay pa ang anak mo." May ngiti sa labing patuloy nito.

Napakapit ako ng husto sa papel na nasa ibabaw ng lamesa dahil sa mga naririnig ko.

"Marydale..."

"Tama ka... tutal mahilig ka rin namang mang-angkin ng hindi sayo at ayaw sayo... bakit kaya hindi tayo mag-agawan sa nag-iisang pinanghahawakan mo.." diretsang sabi ko dito.

Mukhang hindi nito nakuha ang sinabi ko dahil nanatiling nakatanga lamang ito sa'kin.

"Amaya... Nagkasundo kami ng asawa kong ampunin ang bata... Pero kung hindi ka papayag, susuportahan namin ang bata sa lahat ng pangangailangan nito.." narinig kong sabi ni Edwardo.

Pinakakalmang-tao talagang nakilala ko ay si Edwardo.  Ako na halos tumaas na ang presyon dahil sa taong nasa harap ko, siya kalma lang.

"Ayoko!! Hindi pwede!! Paano nalang tayo!! Paano ang pamilyang bubuuin natin?!!" Sigaw ni Amaya kay Edwardo.

Lukaret talaga ang lola. Pamilya talaga.

"Huwag kang padadala sa mga sinasabi niya Ed! Tayo.. tayo ang pamilya."

Bigla itong lumapit sa amin at yumakap kay Edwardo.

"Bitawan mo ako.." pagpupumiglas ni Edwardo  dito.

"Huwag kang makikinig sa mga pinagsasabi ng babaing ito Ed"  pakiusap ni Amaya kay Edwardo. 

Napatayo na rin ako sa kinauupuan ko ang tinanggal ang mga kamay nitong nakabigkis sa asawa ko.

"Walang hiya kang babae ka!!"  Sigaw nito sa'kin.

Pumagitna sa'min si Edwardo.

"Kung walang hiya ako, kamusta ka naman na.. pasalamat ka't buntis ka sa ngayon kundi kanina ko pa iningudngod iyang kalandian mo!!"  Sigaw ko pabalik dito.

Sinigaw-sigawan ulit ako nito na may kasamang mga mura.










Amaya's POV

"Bwisit...bwisit siya!!! Hello?!!! Nasaan na kayo?!!! Palabas na siya! Huwag niyong sasaktan si Ed!"

Isang oras na rin ang nakakalipas halos sumabog na rin ako sa sobrang galit dahil sa babaing iyon.

[Okay bossing.. kami nang bahala]  sagot ng nasa kabilang linya.

"Bilisan niyo!!"

Lumabas na rin ako sa pinagkukublian ko at sumunod kina Edwardo palabas.

"Ed sandali lang.. mag-usap pa tayo..." Habol ko kay Ed.

Tumigil ito at lumingon ito sa'kin.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa." Sagot nito.

"Tara na Dong.." yaya naman ni May dito.

"Edward!!" Malakas tawag  ko dito.

Ngunit nagtuloy-tuloy lang itong naglakad palabas.

Sa kabila ng hirap dahil sa pagbubuntis ko pinilit ko ang sarili kong humabol dito.

"Ed!"

Parang bingi lang ito. Kasabay ng sigaw ko ang pagdating ng mga taong inaabangan ko.

"Edward tulong!! " Sigaw ko. "Bitawan niyo ako! Wala akong pera!"  Drama ko.

"Amaya!!"

Tumakbo sa may gawi ko si Edward at pinagsusuntok ang mga napag-utusan ko. Di bale, ang laki naman ng bayad ko sa kanila.

"Edwardo!!"

"Ed!!"

Magkasabay tawag namin ni May ng mapasadlak sa may gilid ng kalsada si Ed dahil bumawi ng suntok ang tauhan ko.








Maymay's POV

Napasigaw ako ng suntukin ng lalaking naka-mask si Edwardo dahilan ng pagtilapon nito.

"Edwardo!! Oh my ghad!! Tulong!!"

Walang kalaban-laban ang kawawang asawa ko sa limang taong nagtangkang mangholdup kay Amaya kanina.

Hindi na ako nag-atubiling sumugod na rin para tumulong sa asawa kong pinagkakaisahan ng bugbugin.

Pinagpapalo ko ang mga likod ng taong malapit sa akin.

Bakit wala man lang tumutulong???

"Huwag kang makialam!!"sigaw sa'kin nung mama sabay tulak sa'kin.

Napaupo ako sa may semento, ngunit agad din akong tumayo para puntahan ulit si Edwardo.

"Bitiwan mo ang asawa ko!!"

Napatigil ako sa pamamalo sa mamang nakamask ng bigla itong tumigil at humarap sa akin. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng hinawakan nito ang mga kamay ko.

"Ed tulong!!" Narinig kong sigaw ni Amaya.

"Bitawan mo ako!!"sigaw ko sa taong nakahawak sa'kin.

Biglang may sumulpot na dalawang itim na van at kitang-kita ko ang sapilitang pagpasok kay Amaya doon sa van sa may unahan.

"Tin!!"

"Tumigil ka!"  Bulyaw sa'kin ng taong may hawak sa akin.

Kinaladkad ako ng taong may hawak sa'kin papunta naman sa kabilang van.

"Bitawan niyo ako!! Saan niyo ako dadalhin??!!! Saan ninyo kami dadalhin?!!!"

"Manahimik ka ang ingay mo!!"

"Edwardo!!! Tulong!!!"

Duguan at walang malay na nakahiga si Edwardo sa may daan. Halos walang gustong tumulong sa'min.

"Edwardo!!!"

Sapilitang ipinasok din ako sa may loob ng van. Nakatikim pa ako ng sampal. Naramdaman kong nasugat ako malapit sa may labi.

"Ano?!! Sumigaw ka pa para dito mismo, tutuluyan na kita!!"

"Mga hayop kayo!"

Nakatikim ulit ako ng malakas na sampal. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak.

Nagsitawanan naman ang mga nasa loob ng van.

"Ha...hayop ka..kayo.."














Edward's POV

"Marydale!!"

Napabalikwas ako ngunit agad din akong napahiga ng maramdaman ang sobrang sakit ng aking katawan.

"Dude..."

"Where's my wife? Marydale!!"

"May dumukot sa asawa mo at kay Amaya..." 

Napatingin ako kay Luke.

"Anong sabi mo?!"

"May kumidnap..."

"Kidnap?!! Anong kidnap pinagsasabi mo?!! Si Amaya ang hinoholdup nila. Nasaan ang asawa ko?!!! Marydale!! Wife!!" Malakas na sigaw.

"Bro.."

"Marco si Mayang nandiyan ba?"

Umiling ito.

Napamura ako.

"May naghahanap ba sa asawa ko?!" 

Pilit kong tumatayo ngunit ayaw makisama ng katawan ko, mukhang nasobrahan sa pagbubugbog.

"Pinaghahanap na sila..."

"Bakit nila kukunin ang asawa ko? Anong kailangan nila?"

"Dude.. iyan din ang hindi ko maintindihan...."

Nagsimulang sumakit ang ulo ko. Kailangang mahanap ko ang asawa ko. Natatakot ako.

Huwag lang sanang may mangyaring masama dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko...

Marydale...

Continuar a ler

Também vai Gostar

328K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
12K 208 14
Saan mo nga ba matatagpuan ang pag-ibig? Sa school? Sa playground? Sa 711? Sa mall? O sadyang baka nasa tabi-tabi mo lang? Hindi na niya talaga alam...
113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
9.3K 555 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...