Chapter 20- Text Message

2.5K 123 18
                                    


Pa-epz si Totz

Salamat po sa patuloy na nagbabasa at bumuboto nito.

Thanks po ulit ng marami.

Spread love..

Spread MayWardnatics 😘😍

Maymay's POV

Totz ang haba ng A.N mo.. muntik na akong makatulog.

Sige hayaan na nating umepal saglit si Totz.. gawain talaga niyan.

Sunday ngayon.. magsisimba muna ako bago ako makipagkita kay baklang Conde mahirap na, baka umiyak na 'yon sa sobrang pagkamiss niya sa'kin.

Wala sila Fenech at Kisses.. may family bonding.

Hay.. kung di lang malayo ang pamilya ko.. gusto ko rin silang makasama. Namimiss ko na sila Mama.. si Mama, hindi pa nakakauwi buhat ng nangibang-bansa. Masakit malayo sa aking ina.. alam ko ring masakit din sa parte nito.

Hala, baka mag-iyakan pa tayo dito mga bai..

Pumara na ako ng jeep.. kaso kung minamalas ka nga naman masyadong puno na ata.

"Miss sasakay ka ba diyan o magpapapansin lang?!" Nakataas-kilay na tanong ng babaeng nakapulang bestida.

Teka magsisimba ba si Ateng? O dadalo ng party?

Sumakay na ako.. kaso hindi pa ako nakakaupo ng umandar na ang jeep.

Ibang klase si Manong! Nagmamadali?

Isiningit ko nalang sarili ko sa maliit na espasyo. Wala pa ata sa kalahati ang pwet ko ang nauupuan ko. Kumapit nalang ako ng mahigpit sa may bakal ba tawag dito? Basta dun.

Takte! Magpreno sana ng malakas ang jeep ng makaupo ako ng maayos. Alam niyo 'yon?

Naks mukhang malakas ako kay Papa J.. halos mapasubsob kami sa harapan ng biglang magpreno si manong driver. Sinamantala ko naman ang pagkakataong umupo ng maayos.

Ayos!

Kalahating minuto din ang tinakbo ng jeep nang sa wakas makarating ako ng simbahan.

Dahil sobrang aga ko, kokonti palang ang mga tao sa loob ng simbahan. Pumwesto ako sa bandang harapan.

"Aba! Kilala ko 'yon ah!"

Dali-dali akong naglakad papuntang harapan kung saan nakaupo si Captain Chan.

Hinampas ko ng malakas ang likod nito.

"Chan!"

"Aray naman Maymay! Talagang may pahampas ka pa." Reklamo ni Christian.

Pinausod ko ito ng upo.. mas gusto ko kasing umupo sa may dulo.

"Chan bagay pala sayo ang may hikaw sa isang tenga." Puna ko dito.

Namumulang napapakamot lang ito ng ulo.

"Talaga? Salamat." Nahihiyang sabi nito.

"Oo.. bakit di ka magsuot niyan tuwing may laro kayo. I'm sure mas dodoble pa ang mga titiling babae sayo. Peksman! Patayin man si batman!" Panghihikayat ko dito.

"Maymay naman binobola mo na ako niyan eh." Nagkamot na naman ito ng ulo.

May kuto siguro si Chan. Maya yayain ko siyang bumili ng suyod sa labas pagkatapos ng misa.

"Chan bakit mag-isa ka lang. Siguro may date ka noh?" Usisa ko.

"Wala.. kaw talaga oh. Mag-isa lang, may date agad. Bakit kaw mag-isa din?"

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon