Lihim 2: Chapter 17- Two years later..

2K 117 32
                                    


"Hay ano ba Mary pasko! Gising na diyan! Aba mahuhuli ka na sa fashion show!" Sigaw ni Conde.

Nagtalukbong na ako ng kumot nang marinig kong muli ang pagdakdak ng kaibigan ko.

Seryoso ba 'to? May dalawang oras pa ako. Tinatamad pa akong gumising, saka ang lamig-lamig kaya sa labas, nagyeyelo.

"Haist Mary pasko ano na?! Pasko talaga hinintay mo noh?"

Kaasar na Condensadang ito! Daig pa ang babae kung pumutak. Haist!

"Oh hindi pa rin ba siya bumabangon?" Narinig kong sabi nung kakapasok lang ng kwarto ko.

"Rits kaw na nga gumising diyan.. tutal naman parehas kayo sakit sa ulo haist..." narinig kong reklamo ni Conde sa kakarating lang na si Rita.

Ang daming nangyari sa mahigit dalawang taong paninirahan namin dito sa Canada. Nagtataka kayo siguro kung paano kami o paano naming nakasama si Rita. Parang ganun rin sa mga eksena sa telebisyon o maging sa mga nababasa natin sa nobela, magkatabi lang ang apartment namin sa kanya. Si Conde unang nakakita dito, at gusto kong matawa dahil nagbabangayan pa talaga sila, para bang di sila magkababayan. Alam niyo naman itong si Condensandang ito, mapang-asar at sa kamalas-malasan pikunin namang itong si Rita.

"Eh di wow!" Mataray naman sabi ni Rita kay Conde. "Teh! Gising na, may sulat ka ulit.."

Pagkabanggit palang nito ng salitang sulat agad akong napaupo sa kama ako at hinanap ang sulat na sinasabi nito.

Sa dalawang taong nagdaan, every week nakakatanggap ako ng sulat sa hindi malaman kung sino. Nung una, binabalewala ko ang matiyagang sumusulat sa'kin, hanggang sa atakihin ako ng kuryusidad ko dahil linggo-linggo meron akong natatanggap.

Ewan ko ba, kahit napakasimple lang ng mga nilalaman ng sulat, para bang may kung ano na hindi ko maipaliwanag.

"Heto na May.." excited na sabi ni Rita. "Ehem.. ehem.. Aking Marydale.. ayeeh aking Marydale talaga.. kelan ka pa niya pagmamay-ari? At saka makata pa ata admirer mo? Teka..teka pumapag-ibig na ata tayo.. pfft!"
Sinamaan ko ng tingin ito at inagaw ang hawak nitong papel.

Inumpisahan kong basahin ang sulat.

Korni ng mga nakasulat pero napapangiti ako sa mga pinagsasabi nito. Gustuhin man daw niya akong lapitan ngunit natatakot siya. Grabe bai! Ano ako nangangagat?

"Naks! Napapangiti ang ale.."tudyo ni Rita sa'kin.

Napapangiting umiling-iling ako dito at tumanaw sa may bintana..

..kay gandang pagmasdan ang bawat pagpatak ng niyebe.. na katulad ng bawat ngiti mo na aking nasisilayan..

Napangiti ulit ako ng maalala ang mga nakasulat sa papel. Korni noh?

"Sabi na nga ba eh? Magtsi-tsimisan lang kayo?!"

Napalingon ako sa nakabusangot na tatay namin. Si Conde talaga oh, tumatanda na talaga. Pff!

"Inggit ka lang! bakit ka ba atat na atat diyan.. oii gusto mo lang sigurong masilayan ang kagandahan ko sa bawat pagrampa ko noh?" Pang-aasar ni Rita dito.

Umasim ang mukha ni Conde kaya napatawa ako.

"Sino? Anong kagandahang pinagsasabi mo?baka kalukuhan 'yan? Nagkamali ka lang ng banggit.." pang-aasar ni Conde dito.

"Aba't hoy! Pasalamat ka hinahayaan kitang pagmasdan kagandahan ko! Pangit!!" Singhal naman ni Rita dito.

Heto na po tayo, magsisimula ulit silang magbangayan. Bago pa magdugo ang tenga ko sa dalawa, tumayo na ako para maligo at makapag-ayos na rin.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon