Lihim 2: Chapter 16- The fight (last part)

1.7K 111 37
                                    


Pilit kong pinapakalma ang sarili ko para makapag-isip ng paraan kong paano makakawala sa pagkakahawak ni Langit sa'kin.

Nasasaktan ako sa paghawak nito ng buhok ko pero hindi ko ininda iyon mahalaga sa'kin ang makapag-isip.

"Bitawan niyo ang mga baril niyo!" Mariing utos nito sa mga nasa harapan namin.

"Please Ven.. huwag mong gawin 'to.." mahinahong sabi ni Paulo kay Langit.

Ngunit parang wala itong narinig, mas lalo nitong diniinan ang baril sa may leeg ako.

"Oh ano? Bibitawan niyo ba mga hawak niyong baril o papatayin ko nalang siya sa harapan niyo?!!" Malakas pa rin sabi nito. "ANO?!!"

Itinaas ni Paulo ang dalawang kamay nito sabay hagis ng baril sa may gawi namin ni Langit.

Kita ko namang may pagdadalawang isip na binitiwan naman ni Chan ang dalawang baril na hawak nito.

Bumaling ako kay Edwardo.. wala akong mabasang emosyon sa mukha nito.

"Bibitawan mo ba ang hawak mo o papatayin ko sa harapan mo itong babaing ito?!" Sabi ni Langit dito.

Ngunit wala pa ring naging reaksyon si Edwardo kaya ang ginawa ni Heaven ipinaputok niya pataas ang baril nito bilang babala na hindi ito nagbibiro.

"Ed..wardo.." mahinang sabi ko rito sabay tango para ipakita dito na ayos lang ako.

Unti-unting binitawan ni Edwardo ang hawak din nitong baril sa may paanan nito.

Napakagat-labi ako para pigilan ang mga luhang gustong-gusto nang kumawala sa mga mata ko.

Ilan pa bang kaibigan ko ang mapapahawak sa kabaliwang ito?

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Langit na para bang nasisiraan na ng bait.

"Ganito niyo siya kamahal ha? Kaya niyong ialay buhay niyo para lamang sa isang katulad niya!! Ano bang mayro'n sa pangit na 'to?!" halos pasigaw na sabi ni Langit.

Walang umiimik sa tatlong lalaking nasa harapan ko.

"Tutal ang ganda ng reunion natin.. hmm bakit di nalang tayo magkabukuan dito.. di ba Captain Christian? Oops! Sarey na!.. iyong bestfriend mo palang desperada nasa impiyerno na.." tumatawang sabi ni Langit.

Nakita kung paano magdilim ang mukha ni Chan sa mga narinig at nalaman nito sa nangyari kay Tin, ngunit nanatiling tikom ang bibig nito.

"Sayang wala si Luke.. ano Paulo? Pfft!" Baling naman nito sa tahimik pa rin si Paulo na nasa mata nito ang matinding pag-aalala. "Ikaw naman Edward! Kung sana ako nalang ang pinili mo, hindi tayo makakarating dito!! Mahal na mahal kita! Piliin mo lang ako, mapapatawad ko na kayong lahat... magsasama tayo at magiging masaya.." sabi naman nito kay Edwardo.

Kami pa talaga ang patatawarin niya sa dami ng kasalanan niya.. baliw na talaga siya.. sobrang lala ng utak..

Medyo lumuwang ang pagkakahawak ni Langit sa'kin habang kausap pa rin nito si Edwardo.

Bigla kaming napaupo ng makarinig kami ng malakas na pagsabog na nanggaling sa may likuran. Nabitawan ako ni Langit kaya nang makabawi ako, agad akong tumakbo sa direksyon ni Dong..

Ngunit sa di inaasahan nakarinig ako ng mga putok, hindi ko na alam kung saan-saan nanggagaling basta ang alam ko lang gumulong-gulong ako at nadadaganan ng isang tao na mahigpit na nakaalalay sa may ulo ko.

"A..ayos ka.. ka lang ba Mary?"

Hindi ko alam ngunit binundol ng matinding kaba ang aking dibdib ng marinig ang boses na 'yon.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon