Chapter 4- Gym/Canteen

3.5K 162 5
                                    

Maymay's POV

"Tae naman May, bilisan mo naman diyan kanina ka pa diyan. Dios mio halos mag-iisang oras ka na!" Sigaw ni Fenech sa labas sabay bayo nito ng malakas sa pinto.

Guys tanungin niyo kung saan ako ngayon. *smirks*

Dali tanungin niyo na ako.

Sige na nga sabihin ko na. Sa banyo lang naman.

"Ate Maymay, malalate na tayo oh." Narinig kong boses ni baby Kisses.

O.a sila sobra. O.a sa pagka-exaggerated ng sobra-sobra. Kasalanan ko pa ngayon kung ako ang naunang pumasok dito? Kasalanan ko ba kung tagal nilang bumangon sa mga kama nila?

Guys nasabi ko na ba na magkakasama lang kami sa iisang buong? Oo, magkakasama lang kami sa isang apartment. Kina baby Kisses ito. Ang bait niya sobra. Sa susunod na pageant sa school, gagawin ko lahat maging Miss Friendship lang siya.

"Maymay!" Sigaw ni Kristine.

Tinapos ko na paligo ko.

Pagkalabas ko palang halos mag-abutan mga kilay nila.

Naku. Naku. Naku. Pasalamat sila ang dali kong naligo ngayon. Binilisan ko na nga eh.

Nagmadaling pumasok sa c.r si Fenech since siya ata 'yong nauna.

"Grabe ate May akala ko tulog ka na o na-flush ka na sa toilet. Ate ano pa kayang ligo gagawin namin." Sabi ni baby Kisses habang kumakamot ng ulo nitog

"He he. Kaw talaga baby Kisses. Jowk ba yan?" Natatawang sabi ko.

Nagfacepalm lang silang dalawa ni Kristine.





"Sige una na ako sa class ko girls. See yah later." Paalam ni Fenech na may kasamang wave ng kamay.

"Sige Kisses and May, punta na rin ako ng class ko. Kita nalang tayo sa next subject." paalam din ni Kristine.

Sa second subject pa kasi naming kakaklase si Kristine. Gaya nga ng sabi ko kami lang dalawa ni Kisses ang magblockmates.

First subject namin P.E. tuwing T.Th. Today is Thursday. And P.E is my favorite subject. Bakit?

Maya guys malalaman niyo rin.

"Sige baby punta na ako sa future ko." Birong-paalam ko kay Kisses.

"Ate talaga oh. Isama mo ako sa pupuntahan mo. Andun din kasi future ko." ganting biro nito.

Sabay kaming tumawa ng parang buang.

Tinungo na namin ang gym. Nagpunta muna kami sa may locker room para magpalit ng p.e uniform.

Heto na nga ba ang pinakahihintay ko. Pwede kayang buong sem P.E nalang subject ko? *grins*

"Ate May ang The Brothers. Kyaaahhh" impit na tili ni baby Kisses.

Huwag kang ganyan Kisses. Lalabas na rin puso ko sa rib cage ko.

"Miss Entrata and Miss Delavin, what are you two still doing there?" Tawag ng P.E instructor namin.

"Binabantayan si future Sir!" Agarang sagot ko.

"Tama si Ate May sir!" Pagsang-ayon ni Kisses.

"You two! Lalapit ba kayo dito o lalapit ang white board sa inyo?!" Mariing sabi ni Sir Jon, our P.E instructor.

"May paa na ba ang white board sir?" nabiglang sagot ko.

"Miss Entrata!"sigaw nito.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon