Lihim 3: Chapter 8- Pregnant (part 2)

1K 48 22
                                    


*sigh*

Ano kayang nangyari kay Edwardo??

"Ate May?? Oi!"

"Gurl!!"

Nagulat ako ng biglang hampasin ni Fenech  ang counter. Naririnig ko naman sila kaso..

Umayos ako ng upo at tumingin sa dalawang kaibigan kong nakaabang sa pagkakatunganga ko.

"Gising ka na?! Anong nangyari? Mukha kang tanga diyan? Nakailang bugtong-hininga ka na diyan, habang panay sipat mo diyan sa cellphone mo. Anong meron?" Tanong nito.

Hindi ko maiwasang mapabugtong-hininga ulit.

"Nag-aalala ako kay Edwardo.."  sagot ko.

"Sabi naman kasing sumama ka na, at kaya na namin ito eh. Bakit ba di mo maiwanan itong ice cream house at si Conde? Di naman sila tatakbo. Ano ka ba?!" natatawang sabi ni Fenech.

Sinimangutan ko ito at nangalumbaba sa harap ng counter.

"Ate May may problema ba?" Nasa mukha ang pag-aalalang tanong ni Kisses sa'kin.

"Wala. Nag-aalala lang talaga ako kay Edwardo." Ulit ko.

Tumango ito sa'kin at ngumiti ng tipid.

"Girl sa bahay ka nalang matulog maya." Nakangiting sabi ni Fenech sa'kin.

Sasagutin ko sana ito nang biglang tumunog ang selpon ko. Agad ko itong sinagot ng mabasa ang pangalan ng asawa ko.

"Dong! Anong nangyari? Bakit ngayon ka lang? May nangyari ba? Nagkaroon ba ng problema diyan? Ayos ka lang ba? Sunud-sunod na tanong ko dito.

Narinig ko pagbugtong-hininga nito sa kabilang linya bago ito sumagot.[ I'm sorry, I'm really sorry...]

"Okay lang Dong. Ano bang nangyari Edwardo?"

[Ahm.. nagkaroon lang ng.. ng konting aberya.. pero.. pero maayos naman na.] Sagot nito.

Hindi ko alam kung bakit, para bang may kakaiba sa boses nito. O guni-guni ko lamang iyon.

"Okay Dong.. mag-iingat ka lagi diyan ha."

[Okay wife.. ingat ka din diyan. I love you so much Marydale i love you]

Napangiti ako sa sinabi nito.

"I love you more Dong.. tawag ka lang kung may maitutulong ba ako sayo."

[Okay.. so..]

"Ay siyanga pala Dong.." putol ko dito. "Papuntahin ko Amaya sa bahay ha? Para may kasama ako.." paalam ko.

Hindi ko alam kong ilang minuto na ba ang nagdaan, pero heto hindi pa rin sumasagot ang asawa ko sa kabilang linya. Mukhang hindi nito nagustuhan ang ideya ko. Alam ko ang pagkadisgusto nito kay Amaya..

"Edwardo.." untag ko rito.

[I'll call ate Laura, para masamahan ka niya diyan.] Tukoy nito sa nakakatanda nitong kapatid.

Sabi na nga ba, ayaw talaga ni Edwardo si Amaya. Magkahawig naman kaming dalawa, anong problema ng asawa ko? Nananawa ba siya sa itsura ko? Pfft!

"Naku Dong, mang-iisturbo ka pa.."

[Wife..]

"Huwag na Edwardo, alam mo namang may sariling pamilya  na kapatid mo. Papapuntahin ko na si Amaya dito."

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon