Lihim 3: Chapter 17- End???

1K 52 12
                                    

Hindi ko alam kong saan ako susuot nang mag-umpisa ang barilan.

Napahiwalay ako kay Edwardo. Takot na takot ako sa mga nangyayari.

"May!!!"

Oh ghad...

"Tumigil ka... Pagod na pagod na akong habulin ka!"

Nasa likuran ko siya. Nanginginig na lumingon ako dito.

Hindi ako nagkamali sa hulang may nakatutok sa aking baril.

"Kung ito man ang katapusan ng lahat!! Bakit hindi natin tapusin dito!!"

"Tin...paki..usap pa.. para nalang sa a.. anak mo.." nanginginig na sabi ko.

"Peste ang laman ng tiyan ko!! Kahit mamatay pa itong impakto sa tiyan ko!!"

"Ano bang sinasabi mo?! Anak mo ang pinag...."

"Hindi ko anak ang anak ng tangang lalaking iyon!! Buti patay na ang Ronnie na 'yon! Ang laki din niyang sagabal sa pagmamahalan namin ni Edwardo!!!"

Nagulat ako sa mga sinabi nito. Kay Ronnie ang bata.

"Bakit ganun? Ang daming nagmamahal sayo! Nagmahal lang ako... Minahal ko lamang ang lalaking pangarap ko.."

Nalulungkot akong nakikita siyang nabaliw sa sobrang pagmamahal nito sa isang tao.

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit hindi nila ako magawang mahalin!!! At bakit hindi niya ako kayang mahalin!!" Duro nito sa akin.

Naiiyak na umiling-iling ako dito.

"Mahal kita Tin..."

"Ahhhhh hindi!!!!"

Napayuko at tinakpan ko ang dalawa kong tenga ng magpakawala ito ng mga putok sa itaas.















Edward's POV

"Marydale..."

Dali-dali akong tumakbo ng makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

"Edward!"

Nakasalubong ko si Conde na halos duguan na rin ang damit katulad ko dahil sa pakikipagbugnuan nito.

"Hahanapin ko ang asa..."

Bigla nalang may sumugod sa amin. Buti  nalang napaiwas agad ako at sa kamalasan natamaan nito si Luke.

"Langya ka pre, dinungisan mo ang napakagwapo kong mukha!" Sigaw ni Luke sa pumingas kuno sa gwapong mukha nito.

Nakipagsuntukan na ito. Ilang beses ding tumilapon si Luke. Ang laki ba naman ng katawan ng kalaban nito.

"Dude.. batsi ka na.. kaya ko na ito!!!" Sigaw nito sa akin habang nag-ala jet-li position ito. "Oh ito baka kailangan mo. Mano-mano nalang kami ni Mang Domeng dito."  hagis nito sa akin ng baril.

Napailing na lamang ako ng masalo ko ang baril na inihagis nito. Kahit kailan talaga ang mokong na ito.

Tsk!

Gustuhin ko man itong tulungan dahil mukhang isang pitik na lamang makakatulog na ito sa laki ng kalaban nito.

Tumilapon ulit ito ng sinubukan nitong sumampa sa likuran ng kalaban nito.

"Dude ano na? Saka mo na bantayan ang action scene ko." Humihingal nitong sabi sa akin.

"Tsk! Daldal."

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon