Lihim 2: Chapter 8- Lasing..

2.1K 119 22
                                    


"Mam lasing na po kayo.. magsasara na ho kami.." untag ng kung sino sa'kin.

Nag-angat ako ng tingin dito at napakamot ng ulo.

Anong klaseng bar ito?! Ang agang magsara!

"Sige ishara mo! Gan..yan ka na..man! Lagi mo akong pinagtatabuyan!" Singhal ko dito.

"Ho? Mam??"

Umiling-iling ako sa taong nasa harapan ko at umatungal ng malakas.

"Ang shakit-sha.kit.. bakit ganun?"

"Hoy Greg anong ginawa diyan?" Narinig kong sabi kung sino.

"Gago! Lasing si Mam.. mukhang kabilang pa ata sa camp sawi si Madam." Sagot naman nung lalaki sa harapan ko.

Ang ingay nila! Moment ko ito! Bakit ba nakiki-epal sila?!

Idinikit ko ang noo ko sa lamesa. Umiikot paningin ko at sobrang bigat ng ulo ko. Sa pagkakantanda ko juice lang naman ininom ko kanina ah.. hindi ko mabilang kung naka-ilan ako, basta ang alam ko ang sarap nung ininom ko.

"Mam pasensya na ho pero kailangan na namin tala.."

"Oh di ishara mo!" Singhal ko dito. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at kinuha ang dala kong bag. Inilabas ko ang wallet ko mula sa loob.

"Mag..magkano ba ba..bayadad ko?" Tanong ko sa taong nasa harapan ko.

"Mam 3500 lang po.."

Para akong nagising sa sinabi nito. Nanlaki ang mata ko.

"Pakiulit nga ho?" Tanong ko rito. Inilapit ko pa ang tenga ko dito baka kasi nabingi lang ako.

"3500 Mam."

"Aba't ako ba'y pinagluluko mo?!" Singhal ko dito.

Napakamot-ulo ito at tumingin sa may gilid ko.

"Pre, 1500 nalang singilin mo kay Mam para naman hindi na dumagdag sa mga alalahanin niya. Broken hearted pre.." sabi nung lalaki sa tabi ko.

"Sige na nga tutal wala naman si boss ngayon." Sabi naman nung lalaki sa harapan ko. "Mam bigyan niyo nalang ako ng 1500.."

Gawa ba sa ginto ang nainom ko?

Inilabas ko ang wallet ko at kinuha  ang natitirang kulay ginto kong pera at inilapag ito sa may lamesa.

"Oh hayan.. keep the change." Sabi ko sabay tayo at talikod sa mga ito.

Naglakad na ako palabas pero di nakatakas sa pandinig ko ang tawanan.

Masaya sila ah.. buti nalang ang bait ko ngayon. Sige samantalahin nila habang masama pa pakiramdam ko.

Gumigiwang na naglakad ako ako palabas at tumayo sa gilid ng kalsada para mag-abang ng taxi na daraan.

Makalipas ata ng trienta minutos wala pa rin akong napaparang sasakyan. Napaupo na ako sa gilid ng kalsada dahil hindi ko na makayanan ang nararamdaman kong hilo.

"Taxhi.. nashaan kah!" Sigaw ko.

Edward's POV

Matutulog na sana ako sa bahay pero naalala ko may mga inuwi pala akong trabaho na kailangan tapusin. Kaya sa condo nalang ako matutulog. Sa bahay tiyak hindi papayag si Mama na may inuuwi kang trabaho. Gusto niya laging nagpapahinga ka na.

Sinigurado kong tulog na ang aking ina bago ako nagpasyang umalis.

Tumingin ako sa suot kong relo.. mag-aalas-tres na rin pala.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon