Lihim 3: Chapter 12- Resto..

1K 59 30
                                    

Amaya's POV

"Bwisit talaga ang Maymay na 'yon! Muntik ng mawala ang anak ko!" Nanggagalaiting sabi ko.

"Hindi ka nag-iingat."

"Anong di nag-iingat?! Sa batang ito nakasalalay ang lahat! Alangan namang hindi ko ingatan! Tanga!"

"Pfft! I swear ang pangit mo na babes.." tumatawang sabi nito.

Inabot ko ang mansanas sa ibabaw ng katabi kong mesa at ibinato dito. Nakailag naman ang kumag.

"Lumayas ka na nga sa harapan ko!" Singhal ko dito.

Tumatawang lumabas ito ng private room na kinuha ni Edwardo dito sa hospital.

"Haist kaasar! Paano ba ididipatsa ang isang iyon! Peste!"

"Amaya..may.. may kausap ka?"

Bigla akong napaangat ng tingin ng may magsalita.

"Huh? Wa..wala. Ahm? Kanina ka pa ba diyan Ed?" kinakabahang tanong ko.

Sino ba ang hindi kakabahan?

Umiling ito. May itinaas itong supot, sa tingin ko'y pagkain ang mga dala nito.

Bigla akong napangiti. Mula nung malaman nitong magkakaanak na kami nag-iba na ang trato nito sa'kin. Noong una, nahirapan akong paniwalain siyang siya ang ama ng pinagbubuntis ko.

Bata lang pala ang makakabitag sa taong matagal kong pinangarap.






Maymay's POV

"Mary..."

Napalingon ako bigla ng marinig ang boses na 'yon.

"Anong ginagawa mo dito? Di ba da.."

"I thought this place is mine.. so?" Putol nito. "Ikaw? Di ba dapat nagpapahinga ka?"

"Okay naman na ako.." hindi ko mapigilang malungkot.

Tinitigan ako nito saka ngumiti ng matamis.

"Sabi nila Mama ang tagal ko raw natulog, kaya pala di na ako nagtaka na masakit ngayon ang likod ko pffp!" Nakatawang sabi nito.

Parang bumabalik na sa dati ang kaibigan ko.

Wala sila Fenech at Kisses ngayon may kanya-kanyang mga lakad ang mga ito kasama ang kani-kanilang pamilya. Pilit nila akong isinasama ngunit tinanggihan ko ang mga ito. Pakiramdam ko malulungkot lang ako at ayokong makaabala sa mga ito.

"Mary.." untag ni Conde sa'kin.

"Huh?"

"Gusto mo ice cream.. alam mo ba nakakapaggaan iyon ng bigat ng loob."

Nakangiti ito sa'kin kaya napangiti na rin ako. Kahit nabura na ako sa alaala nito pakiramdam ko nanatili pa rin iyong dating siya, na hinding hindi niya ako iiwanan.







Pagkauwi ko ng bahay dumiretso agad ako sa silid ko. Wala pa si Edwardo siguro nasa hospital ito at binabantayan si Amaya.

Nang malaman kong maayos na ang lagay ni Amaya, nabawasan ang paninisi ko sa aking sarili sa pwedeng mangyari dito dahil sa pananakit ko dito.

Tinignan ko ang oras sa suot kong relo, ala-siyete palang naman. Matapos kong maligo at magbihis ng pantulog ay binuksan ko ang selpon ko at naghanap ng pwedeng pagkaabalahan. Nang wala akong makita, binuksan ko ang telebisyon at naghanap ng magandang palabas ngunit sampung minuto na ata ang nakakalipas ay nakadiin lang ang daliri ko sa pagpindot ng channel sa remote control.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon