Lihim 2: Chapter 24- Opisina..

1.8K 112 14
                                    


Pa-epz si Toty!

Congrats Maymay!

Nadala ako.. iyak din ako ng iyak. Nagising ko pa tuloy ang aking Mother earth sa pag-atungal ko (hehe atungal talaga ^__^'>)

Thanks po ulit ng marami sa mga patuloy pa ring sumusuporta nito. May last two chapie pa po..or mga tatlo pa.. (gulo ko rin minsan, sorry lah! Peace po.. ^_^✌

MayCoWard fans? May ginawa akong fanfic nila, tignan niyo nalang po if magustuhan niyo. T.y po.

Spread love..

Spread MayWardnatics..




Maymay's POV

Kaasar si Dong! Bakit ba ganun siya, halos mag-iisang linggo palang kami magkasintahan, ang lamig na niya! Ano 'to isang linggong pag-ibig ang peg namin??

O baka nagtatampororot siya? Kasi siya nalang lagi ang gumagawa ng effort? Pero nag-eeffort din naman ako ah.. haist! Pasalamat siya maaga akong gumigising ng umaga para lamang maging alarm clock niya kahit na gusto-gusto ko pang kapiling ang kama ko.

Napabugtong hininga na lamang ako at nangalumbaba sa may lamesa. Kasalukuyang nasa kusina ako at nagbibilang ng butiki.

"Sabagay kapag ginigising ko siya, siya pa ang nagluluto." Napabugtong-hininga ulit ako.

Tinignan ko ulit ang selpon ko sa ibabaw ng lamesa. Kanina nagpadala ako ng mensahe dito ngunit wala man lang itong reply.

"Ano kaya kung bisitahin ko siya?"

Tumingin ako sa malaking orasan dito sa may kusina ko.

"Tamang-tama malapit ng maglunch.."

Napangiti ako at tumayo para tignan kung anong lutuin para sa pananghalian ni Edwardo.

"Ano kayang magandang lutuin?"

Kinuha ko ang selpon ko ang naghanap sa internet ng masarap na pwedeng iluto.

"Tama, ito nalang paborito ko rin ito.. magugustuhan din siguro ito ni Dong.." tuwang-tuwang sabi ko.

Tinignan ko ang mga ingredients kung meron ba ako ng mga 'yon, at sakto kompleto naman ako.

Nagpadala muna ako ng mensahe kay Edwardo na sabay kaming maglunch para mahintay niya ako, pero di ko sinabing magluluto ako para masopresa din siya. Sa opisina niya kami kakain.

Agad kong sinunod ang napapanuod ko sa internet.

Makalipas ng mahigit isang oras natapos ko rin ang pinaghirapan ko. Hindi man kuhang-kuha ang imahe na nakikita ko sa screen ng cellphone ko, siguro sakto lang ang lasa nito. Tinikman ko naman, masarap naman.

Nang maiayos ko ang lahat ng dadalhin ko, agad akong tumakbo ng banyo para maligo ng mabilis.










Kinakabahang pumasok ako sa building na pagmamay-ari ni Edwardo. Dati nakapagtrabaho naman na ako dito pero sobra pa rin akong manibago. Sabagay ang dami ding nabago dito, may mga bagong mukha na rin.

Naglakad ako papunta sa may reception area. Habang palapit ako sa gawing 'yon feeling ko napaparanoid na ako, 'yong para bang nakatingin silang lahat sayo.

"Good morning po Ma'am.. nandito ba si Edwardo?" Nahihiyang tanong ko sa receptionist.

Bahagyang tumaas ang kilay ni ateng sa'kin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Napatingin din ako sa sarili ko, simpleng white tshirt at fitted jeans lang ang suot ko, tenernuhan ko ng paborito kong rubber shoes. Ipinusod ko lang ang buhok ko kasi sa pagmamadali ko nakalimutan ko ng magsuklay.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon