Chapter 13- Miss Campus 2016 (last part)

2.5K 134 33
                                    


Lakad

Lakad

Sway

Sway

Bongga!

Char!

"Okay girls from the top!" Sigaw ni Mamu, ang baklang nagtuturo sa'min ng lakad beauty queen, dance at kung anu-anong kachurvahan!.

Kanina pa 'yang from the top na from the top na 'yan. *kamot-ulo* sampung ulit ko nang narinig 'yan.

Three days na rin kaming nag-eensayo para sa nalalapit na pageant. Masakit pa rin mga paa ko, pero gaya ng sabi ni Kisses tiis-ganda nalang muna daw.

Tiis-ganda daw guys.. dahil maganda ako magtitiis muna ako. Saka napag-alaman kong may prize din daw na pera. Kaya gora na, fighting!

Natapos din sa wakas rehearsal namin. Alas-dos na rin pala. Oops naglunch na kami. May libreng pagkain na ibinibigay kaya ang laki-laki ng tipid ko ngayon.

"Ate May halika punta tayo sa mga booth tignan natin mga tinitinda nila." Yaya ni Kisses.

"Kaw muna Kiss.. hindi ko na kayang maglakad. Ipahinga ko muna mga paa ko." Tanggi ko.

Tumango naman ito at nagpaalam na.

Kasalukuyang nasa likod ako ng gym. Dito na kami nagpunta ni Kiss. Ang payapa kasi dito, ang daming puno. Fresh air ba! May mga upuan parang parke lang at may mga iba't-ibang klase ng bulaklak. May mangilan-ngilang estudyanteng nakatambay din dito, mga lovers.

Itinaas ko ang mga paa ko sa upuang inuupuan ko para gamutin ang mga paltos ko sa paa.

Bubuksan ko na sana ang ointment ng may umagaw nito. Kinuha din nito ang mga paa ko at ipinatong sa mga hita nito.

"Eh??"

"Kisses told me that you're here." Sabi niya habang pinapahidan ng gamot ang mga paltos ko.

*kagat-kuko*

"Dong sa'kin ba 'yang nakaplastik?" Tanong ko sa dala nitong pagkain.

"Pfft!"

Tumawa ito at iniabot sa'kin ang binili nitong pagkain. Tatlong araw na rin niya akong binibilhan ng pagkain. *grins* Sabi ko na nga sa inyo ang laki ng tipid ko ngayon. *laughs*

"Edwardo gusto mo?" Alok ko dito.

Umiling ito. Seryoso pa rin ito sa paggagamot nito sa mga paa ko.

Pagkatapos nitong gamutin ang paa ko at lagyan ng mga band aid, umupo na rin ito sa tabi ko.

"Pangit.." mahinang tawag nito.

Hindi ko siya sinagot.

"Pangit.."

Dinedma ko ulit siya.

"Mayang."

Deadma again.

"Marydale!" Sigaw nito.

Tumatawang lumingon ako dito.

"Pfft! Ngayon alam mo na pakiramdam ng dinededma Edwardo. Pfft! Saka dapat tinatawag mo akong maganda, makikita mo wala pang ilang segundo lilingunin na kita. Pfft!"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Tsk!"

Nagsusungit na naman siya.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon