Chapter 25- Trip (part 2)

2.1K 118 32
                                    


Pa-epz si Totz!

Thanks po ulit sa mga nagbabasa po nito.

Maymay fan..

Text BB MAYMAY send 2366

Thanks po (^ ^)/

Maymay's POV

Fan ko talaga si Totz. I love you Totz!

Sige maiba muna tayo.. grabe mga bai nasobrahan ata ako sa pagtulog. Halos ayaw akong dalawin ni Haring Antok. Dios mio garapon! Alas-dose na.. hating gabi na, ako pa ata papalit kay Haring Kuwago na magbabantay ng gabi.

Tumingin ako sa dalawang katabi ko.. ang sasarap na mga tulog nila. Nakakanganga pa sila pareho, buti nalang wala pang natulong-laway.

Tumayo ako mula sa kama at naglakad-lakad baka sakaling antukin ako.

After 30 minutes..

Wala.. walang nangyari. Napagod lang ako sa pabalik-balik ko.

Umupo ako saglit at nag-isip ng iisipin ko.. dahil sa totoo lang wala akong maisip, kahit mga tupa hindi man lang maligaw sa utak ko.

Nagpasya nalang akong lumabas muna.. pahangin siguro tawag dito.. kakapit nalang ako para di ako tangayin.

Ang hangin nga sa labas..

Grrr ang lamig nakalimutang kong magdala ng jacket. Hayaan na nga tamad na akong bumalik.

Naglakad-lakad ko hanggang mapunta ako sa may pangpang.

"Hay life.. ang lamig.." napayakap ako sa sarili ko.

"Tsk! What are you doing here? Bakit di ka pa tulog?"

"Ay kabayo!! Dong naman! Bakit ka nanggugulat?!" Napahawak ako sa dibdib ko sa kabiglaan.

"Tsk!"

Famous line talaga niya 'yan.

*iling*

Nanatiling nakatingin ako. Bigla nitong hinubad ang suot nitong jacket. Lumapit ito sa'kin at isinuot ang hinubad nitong jacket sa'kin.

"Eh Dong.. wag na. Ikaw naman ang lalamigin. Hala heto na.." sabi ko dito.

Akmang huhubarin ko ang jacket nito ng bigla itong yumakap sa'kin.

Dugdugdugdug..

"Dong.. a.anong ginagawa m.mo? Bi..bitawan mo a.."

"Können wir so bleiben für immer? Ich vermisse dich so sehr Marydale. Ich vermisse dich verdammt viel. Gott weiß, wie sehr ich dich liebe." Putol nito sa sinasabi ko.

(~ • ~')>

Ano daw??

"Eh?? Edwardo hindi ko kalahi si kokey.. pwede tagalugin mo na? Parang awa mo na oh."

"Nah.." iling nito.

Nanatiling nakayakap ito sa'kin.

dugdugdug..

Lalabas na ata puso ko sa rib cage ko.

"Edwardo baka makita tayo ng girpren mo.." pinilit kong kumawala sa pagkakayakap nito kaso wa-epek ang higpit ng yakap niya.

"Five minutes.. Ich will dich nicht gehen lassen."

Eh??

Pambirihang buhay 'to! Bakit ba nagpaka-elyen itong si Dong.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon