Chapter 22- Kuya???

2.2K 146 19
                                    


Hindi ko pa nakakausap si Kisses. Tatlong araw niya akong halos di kibuin. Tuwing sinusubukan kong lapitan siya, umiiwas siya.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Inaalam pa ni Fenech kung bakit, kaso ayaw daw magsalita ni baby Kiss.

Kaya heto.. mag-isa akong maglalakad para pumasok. Si Fenech din kasi may praktis pa siya sa sayaw.

"Oi Maymay.. solo flight ka ngayon ah!" Sabi ni Christian.

Nakasalubong ko sa may gate, papasok na rin.

"Oo eh.. 'kaw ba bakit mag-isa din? Gaya-gaya ka noh?"

"Maymay talaga oh." Natatawang sabi nito.

May napansin ako dito.

"Chan buti sinunod mo payo ko. Bagay talaga sayo maghikaw ng ganyan. Astig men!"

"Maymay naman, binubola mo na naman ako." Napapakamot sa batok na sabi nito.

"Hindi ah... promis! Kahit mamatay man lahat ng kuko mo sa paa!" Tumatangong sabi ko dito.

"Muntik na sana akong maniwala..  kaso bakit hindi kuko mo?" Tawa-tawang sabi nito.

"Aba bakit idadamay mong kuko kong nanahimik dito.. aber? Pero Chan ang gwapo mo ngayon.."

"Eh? Maymay naman eh.. hindi naman.. masyado mo akong binubola na 'yan eh. Magpapalibre ka lang ata kaya inuuto mo ako." namumulang sabi nito.

Siraulo din itong si Chan eh, pinupuri na nga eh.. ganyan pa siya. Akala niya lagi may interior at exterior motive ako dito.

Hmm... wala naman ah. Inosenti ako!

"Chan sabihin mo lang magandang-maganda ako amanos na tayo." Nakangiting sabi ko dito.

"Huh?"

Anong huh?? Pambihira naman ito!

"Chan dali na.. maganda ka Maymay.. 'yan isigaw mo. Bilis."

"Maymay naman eh.. ma..maganda ka na..naman talaga." Nauutal na sabi nito.

Aba! Napilitan lang ata ito.

"Chan ayusin mo!"

"Tsk! Early in the morning.. nangungulit ka na naman pangit! Wala ka bang klase?"

Napatingin ako sa sumingit.

"Good morning Edwardo!" Bati ko dito.

"Hay mabuti naman dumating ka Barber. Iwanan ko na sayo si Maymay. Pambihira, buti natitiis mo siya." Umiiling na sabi ni Christian.

《 ( '= .=) Ano na naman ginawa ko??

Tumango si Edwardo dito. Nag-umpisa nang maglakad paalis si Chan.

Teka...

"Chan sabihin mo muna maganda ako. Pakisigaw para marinig nitong si Edwardo!" Sigaw ko. Medyo malayo na rin kasi ito.

Natatawang napapailing si Christian.

Pambihira naman! Bakit siya nailing?

<( _ _'?? Hmm?? Tinuruan siguro siya ni Edwardo? Kaya di niya masabi-sabing maganda ako.

( ° ^ °)/ bad influenced si Edwardo!

"Tsk! I know what you're thinking.."

Tinalikuran na niya ako at naglakad na ito palayo.

Hmm?? Sinasabi ko na nga ba, manghuhula talaga si Dong.

Hinabol ko ang aking future bago ito mawala sa paningin ko.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon