Lihim 3: Chapter 19- MayWard..

1.3K 61 14
                                    


Napatigil ako sa pag-iyak ng makarinig ako ng kalabog.

"Shh..ang ingay mo Dude.."

Naglakad ako papuntang pinto kung saan nagmumula ang ingay.

"Ako pa talaga maingay! Kasalanan mo lahat kung bakit natagalan eh!"

Hinding-hindi ako magkakamali sa mga boses na naririnig ko.

Binuksan ko agad ang pinto at nagulat ang dalawa.

"Anong kalukuhan ang ginagawa niyo diyan? At bakit kayo nagkakalat ng mga bulaklak sa bahay ko?" Kunot-noong sabi ko sa kanila.

"Ah..eh... Tapos mo na bang mapanuod ang video?" Pang-iiba ni Marco.

Sinamaan ko ito ng tingin.

Hindi nakaligtas sa tingin ko ang sikuhan ng dalawa.

"Ah Mary..saan punta mo mukhang bihis na bihis tayo ah.." puna ni Conde sa'kin.

Nawewerduhan ako sa dalawa sa totoo lang.

"Mary ahm samahan ka namin...pero pwede bang pakihanapan mo ako ng gunting doon sa garden mo.." tanong nito. "anong tawag dun dude?" Tanong naman nito kay Marco.

"Di ba dapat tapusin niya muna 'yong video? Paano natin siya masasamahan"  bulong ni Marco dito na di nakaligtas sa pandinig ko.

Kanina pa sila video ng video. Ano bang meron sa video at para bang atat na atat sila.

Bumalik ako sa may kama ko at dinampot ang video recorder.

Binuksan ko ulit ito. Naglaktaw laktaw ako sa panunuod sa video hanggang sa makita kong nasa garden si Edwardo.

Nagulat ako dahil mismo sa garden namin siya naroroon.

Hindi ako pwedeng magkamali dahil nahagip ng video ang pangalan naming mag-asawa.

Nabitawan ko ang video at binundol ng matinding kaba ang puso ko.

Narito ang asawa ko..

"Mary..."

"May..."

Tinabig ko ang mga ito at tumakbo pababa ng bahay papunta sa may garden.

Kinakabahan ako ng sobra. Parang sasabog ang puso ko sa halo-halong emosyon.

Nang makarating ako may garden. Binuksan ko ang kawayang gate na kami mismong mag-asawa ang gumawa.

"Ed...edwardo..." Mahinang tawag ko.

"Dong.. nandito ka ba..."

Biglang nagkaroon ng musika.

"I remember the first time I met you... You're so beautiful wife..."

Ngayon ko lang napansin ang malaking screen sa may gilid nandun ang asawa ko.

Ang lawak ng ngiti nito para bang sinasabi nitong ako lang ang pinakamagandang babaing nakilala niya.

Napaiyak ako.

"Don't cry wife...nandito lang ako. At pangako.. hinding-hindi kita iiwan."

Biglang namatay ang screen at kasabay nun ang tunog ng isang gitara.

"Nung makita, napatibok mo na ang puso..."

Napatakip ako ng bibig ko para hindi makagawa ng anumang ingay dahil sa aking pag-iyak.

"At nang lumapit ka..
Sinabi mo na gusto mo rin ako
At ngayon gusto kong
sabihin sayo...
Ang nararamdaman kong ito
Na ikaw ang nilalaman ng
aking puso."

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon