Chapter 13- Miss Campus 2016 (part 2)

2.5K 145 22
                                    

Foundation Day..

Haist pagod na ako! Ang sakit-sakit na ng mga paa ko! Sinong siraulo ba ang nagpauso ng ganito?!

Ngayon araw ang simula ng long week celebration ng foundation day sa school. At sa sabado pa naman gaganapin ang pageant-pageant na 'to.

Hindi na ako nakapagbackout, dahil pinagbantaan akong sisipain daw ako palabas ng school??! Kahit alam kong hindi 'yon seryoso, nakaramdam din naman ako ng konting takot.

"Ate May smile.." mahinang bulong ni Kisses.

Nilingon ko ito maging ang mga kasama kong panay ang kaway at ngiti pa rin.

Mga plastic! Paano nila magagawang ngumiti sa sitwasyong ganito? Sige nga..  kanina pa kami naglalakad sa buong campus na para bang kumakandidato sa pulitiko. Ngalay na balikat ko sa unlimited na pagkaway. Pati pisngi ko at bibig ko sumasakit na rin sa walang humpay na pagngiti ko.

Sabi nila 50% daw ng score namin manggagaling sa boto ng mga estudyante. Kaya heto pinalilibot kami, para daw makilala kami.

Nung una, okay lang sana, kaso lumipas ang tatlumpong minuto halos gusto ko ng isumpa ang nagpakulo ng ganitong kabaliwan sa pageant!

"Ate ngumiti ka naman, natatakot na sila sayo.." pangungulit pa rin ni Kisses sa tabi ko.

Ngumiwi ako sa mga nadadaanan namin.

"Maymay ngiti hindi ngiwi." Sabi ni Gina, na kasama din namin. Mukha na itong white lady sa umaga sa sobrang puti ng mukha nito.

Iumpog ko kaya ang plastikadang babaitang ito?!

Hindi ko na sila pinansin at nagfocus na lamang ako sa madugong pageant na 'to. Huwag lang nilang sabihin araw-araw naming gawin ito, kundi pasabugin ko ang pinakamamahal na unibersidad ni Edwardo!

Ngumiwi at nagpeace sign ako sa mga estudyanteng nadadaanan namin.

"Hi vote for me this coming Miss Campus." Narinig kong sabi ng babaita sa unahan. Si Heaven. Kasali din siya.



"Ate tara na.. kain na tayo" yaya ni Kisses.

Kasalukuyang nasa likod kami ng stage. After naming rumampa kanina dito kami nagtungo para magpalit na ng damit at magpahinga. Bukas na raw kami magrehearsal. Salamat naman.

Dahil foundation day buong linggo wala na kaming klase. Gusto ko sanang magsaya at magtatalon sa tuwa kaso wala eh.. napasama ako sa pageant na 'to.

Dahan-dahan kong isunuot ang baon kong tsinelas.

Ang sakit ng paltos ko.

"Kiss parang di ko na kayang maglakad pa. Sakit ng paa ko." Mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Okay lang yan masasanay ka rin."

"Wow! Kung sa paltos lang ako masasanay wag na Kiss. Hindi ko pinangarap ang mag-ipon ng mga paltos."

"Tiisin mo nalang ate. Tara na gutom na ako.. then punta tayo pharmacy para makabili ng ointment para diyan."

Tumango nalang ako.

Iika-ikang lumakad ako at sumabay dito palabas. Nakaalalay naman sa'kin si Kiss.

Dahil walang klase, nagkalat ang mga estudyante sa paligid. Nagkalat na rin ang iba't-ibang booth na pwede mong pagbilhan ng pagkain. Halos umiwas ako sa mga tao para di ako mabangga.

Sa wakas nakarating na rin kami sa canteen.

"Hey watch out!"

Muntik ko nang mahalikan ang semento ng may siraulong nakabangga sa'kin. Buti nalang may nakasalo sa'kin.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon