Lihim 2: Chapter 14- La Union (last part)

2K 113 21
                                    


Luke's POV

"Dude.." untag ni Paulo sa'kin sabay abot ng dulo ng tent na tinatayo namin.

Tumango ako dito. Inilibot ko ang mata ko at hinanap ang pangit na view na nakita sa tanang ng buhay ko. Napangiti ako, mukha talagang bata ang ale.

"Are you sure dude? Pwede mo namang ipaglaban eh.."

Ibinalik ko ang mga mata ko sa kaibigan ko. Umiling ako dito.

Ano naman ipaglalaban ko kung alam ko naman sa una palang talo na ako?

Tumawa ito ng mahina at tinapik ako sa balikat.

"Sinayang mo kasi 'yong pagkakataon mo sana noon pa man.." sabi nito bago ito umikot sa kabila para itayo ang kabilang dulo ng tent.

Napailing nalang ulit ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.



Maymay's POV

After twenty-eight years ata ng natapos din naming naipatayo ang tent na tutulugan namin ni Kisses.

Speaking of Kisses.. pambihira naman hindi man lang ako tinulungan. Haun nandun siya katabi ni Yong, gumagawa na ng bonfire..

Lumapit na rin ako sa mga ito, gaya pa rin ng dati kapag nagkakasama kami sobrang ingay namin.

Katabi ko sila Kisses at Fenech nasa gitna nila ako. Kinalong ko ang panganay ni Fenech,habang na kay Kisses naman ang bunso nito.

"Guys kantahan tayo.." sigaw ni Marco.

"Wow ganda niyan.." sabi naman ng katabi kong si Fenech.

Nakita kong tumayo si Chan at pumasok sa tent nito, ng magbalik, may bitbit na itong gitara.

"Saan mo nakuha 'yan Chan? Wala naman kanina 'yan ah." Sabi ko.

"pfft! Paano mo mapapansin itong hawak ko Maymay, kung napako ang tingin mo kay Ed.." tumatawang sagot nito.

Nagsisunudan ding tumawa ang iba. Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko. Dumako ang tingin ko kay Edwardo na ngayo'y nakangisi sa'kin.

"Oi hindi ah.." mariing tanggi ko.

"Maya muna 'yang kantahan.. kumain muna tayo." Sigaw ni Paulo habang bitbit ang mga baon naming pagkain kasama si Conde.

Nagsikuha na lahat ng pagkain, halos di ako makatayo dahil tulog na pala ang kalong kong bata.

Biglang may kumuha ng bata na kalong kalong ko.

"Salam.. Dong!"

Akala ko si Fenech na.

Tumabi ito sa'kin habang hawak pa rin ang natutulog na anak ng kaibigan ko.

"Here.. kumain ka na." Inabutan niya ako ng pagkaing nasa styro.

"Ah.. eh.. ikaw. Hindi ka ba kakain?" Naiilang na tanong ko.

Ngumiti ito sa'kin.

"Nah.. i'm still full.." tanggi nito.

Full? Sinong lulukuhin niya? Sa layo ng nilakad namin, hindi pa siya gutom?

"Start eating Mayang.."

Hindi ko siya pinansin, nanatiling nakatingin ako dito. Paano ako kakain kong siya hindi?

"Don't worry I have mine.." nginuso nito ang pagkain sa gilid nito.. ngayon ko lang iyon napansin.

Napa-ahh nalang ako inumpisahang kumain.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon