Special Chapter

1.7K 97 21
                                    


Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humahaplos sa aking pisngi. Pagmulat ng mga mata ko, nakita ko ang nakangiting mukha ng aking asawa.

"Good morning wife." Nakangiti nitong bati. "How's your sleep? Did I.. hmmm.."

Tinignan ko ito ng masama saka tinanggal ang kamay kong pinangtakip ko sa bunganga niya.

"Tsk!"

Bigla itong tumayo sa higaan kaya kitang-kita ko ang kabuuan niya.

"Pfft! Wife your so funny.." natatawang sabi nito.

Kinuha ko ang unan sa tabi ko at ibinato ko sa kanya. Umayos ako ng upo mula sa pagkakahiga ko.

Hindi pa ako sanay makita ang magandang view na 'yon kahit sabihin mong tatlong araw na kaming nagsasama.

"I love you so much my beautiful wife. You made me happiest man in the world. Get up wife and take a bath. I'm going to prepare our breakfast." Nakangiti nitong sabi.

Nakangiting tumango ako dito. Napakasweet niya, siya lagi ang nagluluto, hindi siya nagbago kahit noon pa sa apartment. Tinuturuan niya akong maging tamad. Echoz lang!

"Wife..."

"Huh? Bakit Dong?"

"Tsk!" Masungit nitong sabi.

Pinagmamasdan ko siya habang nagsusuot ito ng mga damit.

"I love you more Dong.. mahal na mahal kita Edwardo ko."

Tumigil ito sa pagbubutones ng kanyang polo at tumingin sa'kin. Alam kong iyon ang gusto niyang marinig mula sa'kin.

Lumapit ito sa'kin at umupo sa tabi ko. Bumaba ang mukha nito sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"I love you more wife.."









"Dong dito naman! Ang ganda dito!"

Nagposing ako sa may gilid ng mga napakagandang mga bulaklak.

Tatlong araw na kami dito sa Jaila Island, dito kami nagpunta ni Edwardo matapos ang kasal namin.

(Totz note!: Paalala huwag na kayong mag-isip kung saan 'yang Jaila Island na 'yan o hanapin pa sa mapa. Hehehe)

Hindi pa namin masyadong nalibot itong island. Manghang mangha ako sa kagandahang ng nakikita ko.

"Dong doon tayo! Ang ganda nung falls!" Excited na turo ko sa napakagandang talon na nakikita ko.

"Pfft! Okay wife.." natatawang sabi ni Edwardo.

Iilan lang ang mga taong nakikita ko dito. Sabi ni Edwardo kailangan member ka daw dito bago ka makapasok sa Island na 'to. Wala na akong narinig pa na kung ano pang detalye mula kay Dong kaya nagtanong ako sa nakita kong babae kanina, na napag-alaman kung naghohoneymoon din na tulad namin ni Edwardo. Ayon kay ateng member din ang asawa nito dito at hindi biro daw ang membership fee. Eh di wow! Puros raw mayayaman lang ang nakakapasok dito at mga pili lang.

"Wife.."

"Andyan na Dong.." sigaw ko.

Ngayon ko lang napansin ang naiwanan na pala ako. Ang bait ng asawa ko, hindi man lang ako hinila.

Bago ako tumakbo papunta kay Edwardo pumitas muna ako ng bulaklak.

"Pfft! I will make that private area soon.. just for you my wife.." narinig kong sabi ni Edwardo nang makalapit ako dito.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon