ELISA
"I'm so sorry Eric. Please, pansinin mo na si mama." I leaned over to my son.
Pagka-uwi namin kanina, hindi niya 'ko pinansin. Alam ko na galit talaga siya sa'kin dahil iniwan ko siya kanina. Natakot lang naman ako sa posibleng mangyari.
Hindi niya ako tinapunan ng tingin.
Nakatingin lang siya sa gilid at hindi sa'kin. Sa totoo lang, ito ang unang beses na nagalit siya sa'kin. Medyo iba na ngayon dahil lubos na nakakaintindi na siya at medyo nagbibinata na. Kahit ilang taon pa lamang siya, matalino na si Eric.
"I'm sorry okay? 'Wag ka ng magtampo kay mama. Ginawa ko lang naman 'yon para sa'yo."
"Baby—"
"Ano pong dahilan mama?" Natigilan ako sa tanong niya.
Mas lalo pa 'kong hindi naka-imik ng mapagmasdan ko ang anak ko. He really looks like his father. Parang small version niya ang kaharap ko ngayon.
Umayos ako ng upo at hinaplos ang mukha niya.
"I will tell you soon baby. 'Wag ka ng magtampo kay mama okay?"
"Hindi naman po ako galit eh mama. Nagtampo lang po ako." Sabay yuko.
"I'm sorry." Umalis ako sa tabi niya at lumuhod sa harapan niya.
"Bukas na bukas, sasama ka na sa'kin. Makikita mo na ang daddy mo." Nag-angat siya ng tingin sa'kin. Biglang sumaya ang itsura ng anak ko dahil sa sinabi ko. Doon ko nakita na talagang sabik na sabik na siya na makita ang daddy niya. At hindi ko na ipagdadamot 'yon kanya. Matagal siyang nangulila sa daddy niya, kaya sino ba naman ako para ipagkait 'yon sa anak ko? Inaamin ko naman na naging makasarili din ako at 'di ko naisip ang mararamdaman ng anak ko. Kaya buo na ang desisyon ko na isama ito bukas.
"Really mama?!"
"Yes, baby."
"Thank you, mama!" Yumakap siya sa'kin.
Ang sarap sa pakiramdam dahil napasaya ko siya. Dapat pala ay matagal ko na itong ginawa.
"Have you eaten? Where's lola?"
"Umalis po sila ni ate Cherry mama. May bibilhin daw po."
"Pero kumain ka na?"
"Opo."
"Halika, samahan mo si mama kumain." We get up and went straight to the dining room.
"Mama, excited na po ako. Na-miss po kaya ako ni daddy?" Tanong nito sa'kin pagka-upo niya.
Napalingon ako.
"O—of course baby, miss ka na niya."
I turned and took my apron and wear it.
"Mama, 'wag mo po akong iiwan ulit ah?" Napatigil ako sa ginagawa ko.
"Hindi na baby."
"Promise?"
"Oo, promise. "
"I love you, mama." Sabay ngiti niya.
"I love you too."
"Elisa! Nandyan ka na pala!"
Napatingin naman ako kay mama na kararating lang kasama si Cherry.
"Hi, ma." Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.
"Magluluto ka? Nagluto na ako kanina, 'wag mo ng pagurin ang sarili mo."
"Ma, okay lang."
"Sigurado ka?"
I nod at her.
"Hi, po ma'am Elisa." Bati sa'kin ni Cherry matapos niyang ilapag ang mga pinamili nila.
Nakakatuwa lang dahil may kilala rin akong Cherry. Yung nasa company ni dad. Mabait din 'yon katulad niya.
"Ma, Cherry, umupo na po kayo. I'll cook."
"Nako ma'am Elisa, ako na po dyan–"
"Sige na, maupo na kayo."
"Pero ma'am–"
"It's okay. Sumabay ka na samin. Padating na din si dad."
"Sige na Cherry, maupo ka na. Hayaan mo na ang anak ko." Sabay tawa ni mama.
👔👗
"So tuloy na talaga kayo bukas? Are you ready?" Tanong sa'kin ni Marco.
Patulog na sana ako ng bigla siyang tumawag.
"Of course Marco. May karapatan naman si Dominic sa anak ko. Kaya hahayaan ko na." Lumabas ako at tumambay sa veranda.
"How about your son? Ready na ba ang bata?"
"Yes. Tuwang-tuwa nga siya ng sabihin ko na makikita na niya ang daddy niya bukas."
"Gusto nyo bang ihatid ko kayo?"
"Thanks, Marco. Kahit 'wag na. Kaya ko naman."
"Are you sure? Saan ba kayo magkikita?"
Bigla kong naalala na hindi pala namin napagkasunduan ng dati kong asawa kung saan kami magkikita.
"Ah, baka sa office na lang siguro."
"Oh, okay. For sure magkikita naman kayo sa kompanya."
Hindi malabo.
"Yeah, baka doon na lang..."
"Antok ka na ba?"
"Kanina. Pero nawala na. Ikaw kasi eh. Hahahaha!"
Natawa din siya.
"I'm sorry."
"It's okay. So, anong ginagawa mo ngayon?" Nagdesisyon na 'kong bumalik sa loob ng kuwarto ko.
"Hinihintay ko lang 'yong pina-deliver ko."
"As always."
He chuckles.
"Alam mo naman na 'di ako marunong magluto. Ayoko naman na puro itlog lang ang kakainin ko." Sabi niya.
"Kaya nga sabi ko tuturuan kita diba?"
"When?"
"Hmmm, kapag okay na."
"Okay? What do you mean kapag okay na?"
I stopped.
"Ah, never mind."
"Kailan mo ba 'ko tuturuan magluto? Gusto ko na matuto eh."
"Next week."
"Alright! Aayusin ko na 'tong kitchen ko."
"Dapat lang 'no! Nakakahiya kaya sa'kin." Sabay tawa ko.
"Yes ma'am!"
I laugh again.
"Next week okay? Baka naman IBA na ang turuan mo next week."
"Huh? At sino naman?"
"Never mind."
"Sino nga—"
"Madali lang ba mag-luto niyan?" Napatanga ako sa tanong niya.
"Huh?" Kumunot ang noo niya kaya nataranta ako.
"Oo. M—madali lang naman 'to—"
"Then, ako na ang magluluto." Napatigil ako.
Seryoso ba siya?
"S—sige." Nilapag ko ang kutsilyo sa sangkalan at aalis na sana ng magsalita siya.
"Where are you going?" Lumingon ako.
"Huh?"
"Stay here. Tuturuan mo 'ko kung paano 'to."
And suddenly, I remember that scene that I thought I've already forgotten.
"Hey, Elisa? Are you still there?"
"Sure Marco, next week. Sino namang tuturuan ko bukod sa'yo? Aso?"
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.